Mabilis ang pagsikdo ng aking puso habang tinutugon ang bawat halik ni Sebastian. Makalipas ang ilang araw ay muling naglapat ang aming mga labi. Ramdam ko ang malakas na kabog ng aking dibdib sa kasiyahan at sa pagkasabik na para bang sinasabi na kay tagal itong hinintay. Ang mga kamay ko ay may sariling buhay na gumagalaw papunta sa kanyang mukha para sapuin ito habang naghahalikan. Mapusok iyon, mainit, masuyo at puno ng pananabik. Hindi ko na napigilan ang aking katawan na mag-init, walang panama ang malakas na ulan at malamig na simoy ng hangin sa labas ng bintana. “I miss you, mi corazón. I have been waiting to do this again…” bulong niya sa pagitan ng aming halikan. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagbaba ng kanyang halik sa aking leeg habang ang kanyang kamay ay nagsisimula