Malakas ang kabog ng aking puso habang pinapanood si Sebastian na inaalalayan ang babaeng estranghero. Tila puwing sa aking mga mata ang tanawing iyon. “I told you to wait for me, babe…” Halos paiyak na ang boses ng babae na ngayon ay ikinakawit na ang kamay sa matipunong braso ni Sebastian. Wala akong narinig na sagot mula kay Seb, bagkus ay tinulungan niya lang na makatayo nang maayos ang babae. Pinag-aralan ko ang itsura ng babaeng iyon. Maliit lang siya at hindi nakatulong ang mataas ng heels para pumantay man lang sa height ni Sebasitan. Balingkinitan ang kanyang katawan. Ang kulay asul na dress ay hanggang kalahati lang ng hita. Mestiza kaya bagay na bagay sa kanya ang straight na blonde na buhok, na umaabot hanggang balikat. Noong tumagilid siya ay bahagya kong nakita ang kanyang