“Baka hindi na ako makadaan dito pag-uwi ko. Ikaw na muna ang bahala, Hestia.” Inaayos ko ang aking bag at isa-isang inilagay roon ang mga bagay na hindi dapat makalimutan. Cellphone. Wallet. Cards. Keys. “Sige po, ate. Ingat po kayo.” Nakaupo siya sa information desk at pansamantalang itinigil ang ginagawa para sulyapan ako. “Just call me if there is something wrong, hmm?” Isinukbit ko na ang bag sa balikat. “Mag-ingat ka pag-uwi mo mamaya.” Magiliw naman siyang ngumiti at tumango habang ako ay nagmartsa na papunta sa pinto. Bago tuluyang lumabas ay nagpaalala pa ako sa kanya tungkol sa ilang mga bagay-bagay at kapagkuwan ay tumulak na palabas. Naitaas ko ang kamay para bahagyang takpan ang mata mula sa nakasisilaw na liwanag sa labas. Agad na tumunog ang sasakyang nakaparada sa tap