“Wait up! Mayroon pa akong isa…” Ibinalik ko ang tingin kay Kurt na kanina pang ginagawa ang lahat para patawanin ako. Alam kong napansin niya na nag-iba ang mood ko kanina, pero hindi ko alam kung alam niya kung ano ang dahilan. “Uh-uh… sige nga. Ano pa?” Ngumiti ako kahit na alam kong hindi iyon umabot sa aking mga mata. Pumangalumbaba pa ako sa mesa at pinilit na sa lalaking nasa harapan lang ituon ang aking mga mata, kahit na ramdam ko ang panunusok ng mga tingin na ibinibigay sa akin ng nakaupo sa kabilang mesa. Nakakailang na malaman na may ibang nagmamasid sa galaw mo. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking puso. Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit ang mga paru-paro sa loob ng aking sikmura ay nagsisimula nang magwala. “Siguraduhin mo lang na nakakatuwa ‘yan!