FIFTY-THREE

1497 Words

Ang kaninang panaka-nakang pagpatak ng ulan ay unti-unting lumakas bago pa maipasok ang sasakyan sa subdivision. Ang plano ko ay bumaba na sa bukana pa lang at ‘wag nang papasukin sa gate pero hindi ko naman inaasahan na biglang lalakas ang ulan. Nakabibingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Mula pa kanina ay wala nang nagsalita sa aming dalawa, pero ramdam ko ang panaka-nakang pagsulyap sa akin ni Sebastian. Gustuhin ko mang baguhin ang puwesto ko dahil ramdam ko na ang pangangalay ng aking leeg sa pagtanaw lang sa labas ay hindi ko magawa. Ayokong tumingin sa kanya dahil alam kong mawawala ang lahat ng inipon kong inis at galit sa kanya. Ilang minuto pang tumatakbo ang sasakyan at sa kabila nang nanlalabong salamin dulot ng patak ng ulan ay natatanaw ko na ang puting tarangkahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD