“Saan mo ako dadalhin, Sebastian? Put me down!” Sa pagkataranta ko ay hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses. Wala na akong pakialam kung marinig at makita man kami ng iba. Sa pagtunghay ko ng ulo ay nakita kong papalayo na kami sa sasakyan ko. Damn! Ano na naman ba ang naiisip ng lalaking ‘to? “I said put me down, Sebastian! Ibaba mo ako!” Pinalo ko ang pang-upo niya na hindi man lang ininda ng gago. “Bitawan mo akong gago ka!” I feel so helpless. Wala akong panama sa lakas ni Sebastian. Para akong sako ng bigas na basta na lang niyang isinampay sa balikat niya nang walang kahirap-hirap. “Kuya, help me! Call the police!” Paghingi ko ng tulong kay Manong guard na siyang lumapit din sa amin kanina pero pinanood lang niya kami, at mukhang natatawa pa. Ano ang nakakatawa