Marahas na ibinuga ko ang hangin na kanina pang iniipon sa baga. Naiinis ako pero hindi ko dapat ipahalata iyon. Kaya naman paglabas ko ng pinto ay ibinalik ko sa normal ang ekspresyon ng mukha. Hindi mang ngiti sa labi ay hindi naman kababakasan ng kahit anong irita sa mukha. Habang naglalakad pabalik sa mesa ay napagdesisyunan kong uuwi na lang ako. I will just make an alibi. Magpapaalam na lang ako nang maayos kay Kurt. I can’t sit on the same table with Sebastian. Baka mas lalo lang madagdagan ang inis ko ngayong araw. Hindi kalayuan ay agad kong natanaw ang mesa namin. Nandoon pa rin si Sebastian na ngayon ay nakatanaw rin sa akin. Ramdam ko ang pagsunod ng kanyang mga mata sa bawat hakbang na ginagawa ko. Nagsasalita si Kurt, samantalang siya ay mukhang hindi man lang pinap Damn