“Hmm… hmm…” Napahawak ako sa brasong ngayon ay mahigpit ang pagkakayakap sa akin. I want to scream for help but I can’t because of my situation. Hindi ako makapagsalita sapagkat ang kamay ng taong nasa likod ko ay tumatakip sa aking bibig. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa aking bewang at halos buhatin ako papasok sa loob ng ladies’ room. Malakas ang kabog ng aking puso at ramdam ko ang paglukob ng takot sa aking dibdib. Hindi ko makita kung sino ang taong iyon pero ngayon pa lang ay minumura ko na siya sa utak ko. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Nag-aalala na ako sa kaligtasan ko lalo na at medyo isolated itong kinaroroonan namin. “Let go of me! Hmmm…” Pinilit kong magpumiglas mula sa pagkakayakap niya sa akin. Ipinalag ko ang aking mga paa dahil para lang akong papel na bin