NATIGIL SA PAGDE-DELETE NG mga old messages si Jam nang mabasa niya ang message galing kay Coffee – the one whom he met two years ago – habang nasa VIP area siya ng live event na dinaluhan. How come he didn’t read it before? Gano’n na ba siya naging allergic sa social media magmula nang maghiwalay sila ni Steffi? Matapos ang break up na iyon, naglie-low siya sa pagpo-post at ngayon lang muli bumalik. He’s now active in posting promotional stuffs in all his account but not in reading messages.
Coffiana Manalastas
23:11pm, May 18, 2015
Hi Jam! Thank sa pag-hatid mo sa akin kanina sa nearest bus stop. Hoping na magkita tayo ulit, soon. Again, it's nice to meet you ❤?
Being a social media influencer is really a hard work. Akala lang ng tao na madali dahil puro posting lang naman iyon. Efforts, ‘yan ang main ingredients para maging successful sa gano’ng karera. Hindi naman iyon ang regular niyang trabaho. Mina-manage pa din niya ang school clinic at negosyo ng pamilya niya. Agad siya nag-reply sa mensahe ni Coffee. Ito din ang babaeng nakasabay niya sa 11th ave. crosswalk kani-kanina lang. Its been two years since he saw her. Nawalan siya ng time na sumama kay Vixen sa mga gigs nito dahil sa schedules niya. Sumabay pa noon ang break up nila ni Steffi. Naging aloof siya sa tao dahil doon. Pakiramdam niya lahat may sasabihin na hindi maganda tungkol sa kanya dahil sa kontrobersyal nilang hiwalayan na nag-ingay sa social media. Inabangan niya ang reply nito dahil nakita naman niyang na-seen nito ang message siya.
Jam Manalo
11:10am
Coffee? Right, ikaw nga yung kanina sa 11th Street crosswalk.
You can now call each other and see information like Active Status and when you've read messages.
Jam Manalo
11:11am
Kamusta na?
“Jam, let’s go outside and eat something. I’m really famished now.”
Nag-angat siya nang tingin at bumungad sa kanya si Toni. Tulad niya social media influencer din ito. Iyong event na kinaroroonan nila ay sponsored ng isa sa mga malaking telco company at largest music streaming site. Muli niyang sinipat ang cellphone at nang makitang wala pa siyang reply na natatanggap galing kay Coffee ay tumayo na siya. Pinatay niya muna ang data connection ng cellphone at sumama na kay Toni. Umabrisete ito sa kanya at sabay nila tinungo ang event lounge.
“What keeps you busy these past few years? Ang tagal mo ‘di nag-online, ha,” wika ni Toni habang nakuha sila ng pagkain.
“Clinic, family business, and gym.” Tugon niya dito.
“Busy person indeed,” Toni said and he chuckled. “No time for love?”
“Ain’t looking nor waiting to anyone but if someone come, I’ll entertain it,”
“Ang swerte ng babae na iyon kung sino ‘man siya,” Toni has boyfriend for seven years and now they’re engaged to be married next year. “I’ll ruin that girl’s life if she’ll repeat what your crazy ex-girlfriend did two years ago.”
Pareho sila natawa pero alam niyang seryoso ang kaibigan niya sa sinabi nito. Toni acts like his older sister in the industry. Sobrang close nila at ayos lang iyon sa boyfriend nito na close friend niya din. Sa mga event lang din sila nagkakilala at nagclick naman silang tatlo agad. Last two years ago lang talaga siya hindi nakasama ng dalawa.
“How’s the wedding preparations going?”
“So far, smooth naman pero nakaka-stress ang guest list. I think Zildjan invited the entire nation.” Natawa siya sa sinabi ni Toni. Mr. Friendly kasi ang boyfriend nito kaya gano’n na lang reaction nito. “Bawal ka absent sa kasal ko, Jam.”
“I know.” Tugon niya diro. Nagpatuloy sila sa pagkain at nang matapos nakipag-usap na sila sa mga kapwa nila influencer. Naging abala siya at nang magtungo siya sa sa VIP room ulit saka lang niya nabistahan ang cellphone. He opened his data connection and messages keep on popping up. One message made his world stop for a seconds.
He got a reply from Coffee!
11:11am
Jam Manalo accepted your friend request.
KANINA PA HINDI MAPAKALI SI Coffee kakaisip kung ano pwede niya i-reply sa message ni Jam sa kanya. Apparently, she got a reply from her message two years ago and Jam also accepted her friend request. Upon checking his social media, he has a few friends online. Naka-private din ang settings noon at mukhang hindi mo ma-a-add kung wala kayo mutual friend, unless he add her first. But in her case, she added him way back then and her request got noticed today. For two long years, ngayon lang sila literal na nagkaroon ng komunikasyon.
Her phone vibrated and Liv’s name registered on the screen. Agad niya sinagot iyon at isa isang kinuwento dito ang mga nangyari. Panay lang tili ng kaibigan sa kabilang linya kaya pakiramdam niya wala ito naitulong sa kanya. Liv is been dating Vixen – Jam’s friend for two years now. Tama ang assumption niya noon na hindi lang sa hook up mauuwi iyong gabi na nagpahatid ang kaibigan niya kay Vixen. Iyong sa kanila lang ni Jam ang hindi nag-improve dahil wala silang contact number ng isa’t isa.
Ayaw naman niya tanungin si Vixen kahit halos araw araw siyang third wheel ng mga ito. Gusto na nga mag-amok sa harap ng mga ito sa tuwing maglalambingan sa harap niya. Sa loob din ng two years once lang nabanggit ni Vixen si Jam at iyon pa yung pag-travel nito sa US para sa girlfriend nitong naka-base doon. Iyong shattered dreams niya, mas dumurog sa puso niya. Nahirapan siya mag-move on sa pagkakaroon ng crush dito dahil panay ang stalk niya sa social media kahit hindi ito active.
“Kaya mo na reply-an ‘yan, girl. Client mo nga na english speaking nakakausap mo hanggang alas dose ng gabi, si Jam pa kaya na pangarap mo,” wika ni Liv sa kanya. “Vixen will meet him tonight, gusto mo sumama?”
Teka, tonight? Tanong niya sa sarili.
Ready na ba siya ulit? Kanina habang nasa crosswalk sila halos ipalamon na niya sa gintong kalsada ng BGC ang sarili. Paano pa kaya kung makaharap niya itong muli?
“Pass. Saka na lang at mag-o-overtime ako ngayon,”
“Jusko ka, yung sahod mo dyan hindi ka kayang ipatayo ng rebulto.”
“Baliw. Kailangan lang mag-OT ngayon.”
“Sinabi mo din ‘yan last week, girl.” Napaisip siya bigla at doon na naalala niyang inaya din siya ni Liv pero nag-pass siya sa parehong dahilan. Nasapo niya ang kanyang noo. Gano’n yata siya ka-stress sa lahat ng bagay ultimo dahilan niya ay consistent na din. “Girl, try to loosen up once in a while, okay? Baka sa susunod tayong magkita nasa ospital ka na.”
“Sira ka talaga. Sige na, bye. May tatapusin pa ako dito pero te-text kita kung sasama ako sa inyo ni Vixen mamaya.” Tinapos na niya ang pakikipag-usap dito at muling nag-focus sa trabaho.
Hours passed and she took a quick break outside her working place, dinampot niya ang cellphone at tinungo ang office veranda nila. Smoking area din iyon kaya may mangilan-ngilan na nakatambay doon para magpahangin. They’re office is more like a house and its actually situated in a residential area in Makati City. May dinala lang naman siyang document sa BGC kaya napadpad siya doon kaninang umaga.
Napansin niyang madilim kaya agad niya sinipat ang orasan, pasado ala sais na pala ng gabi. Magmula nang bumalik siya mula sa BGC, iyon lang ang naging break dahil tuloy tuloy siya nagtrabaho. Ni-hindi na nga nagawang maglunch dahil sa sobrang dekikasyon niya. Sinabihan na siya ni Liv na ‘wag masyado magpaka-bibo dahil hindi naman lahat na-a-appreciate. Humanap na lang daw siya nang mapaglilibangan at muling na-open ang listahan nito ng mga lalaking gustong ipa-date sa kanya. Sinipat niya ang hawak cellphone at muling binukas ang messaging app kung saan nag-i-intay ng reply ang chat ni Jam.
Naghihintay nga ba talaga? Kastigo niya sa isipan.
Nagsimula siyang mag type ng reply at nang ilang beses na ma-check saka niya lang iyon na sinend.
Coffiana Manalastas
18:11pm
Hi! I'm fine, thanks for asking. You've been super busy I guess.
She waited for a reply from Jam but there's none. Disappointed niyang pinatay ang data connection ng cellphone saka bumalik na sa working cubicle niya. Upon entering, she heard a familiar song playing. Its Moira dela Torre’s rendition of You’re my Sunshine. Themed song iyon ng mga magulang niya at walang oras na hindi iyon kinanta ng papa niya sa mama at sa kanya na din. Bigla niya naalala yung sign na hiningi niya noon.
Kapag nadinig ko ang kanta na ‘to habang kasama isa mga naka-date ko, he’s the one…
Napailing siya pagkatapos maalala iyon. Paano niya mangyayari iyong sign na iyon kung hindi naman siya nakikipagdate? Then, she remembered again what the old lady in the crosswalk said to her,
Isang araw, makikilala mo ang lalaking magpapatibok diyan na sa puso. At kapag dumating ang araw na iyon, huwag ka sana matakot sa alay niyang pag-ibig,
Sana sinabi na lang din ni Lola kung sino at ano pangalan para hindi na siya nahihirapan. Habang tumatagal nagiging big deal na sa kanya ang pagiging consistent member niya ng samahan ng mga NBSB. Lalo pa tumindi iyon nang madinig niya sa huling date nina Vixen at Liv ang plano ng mga ito na magpakasal. Gusto niya sumabog nang mga oras na nadinig niya iyon. Hindi naman sa ayaw niya na maging masaya si Liv, ginugupo lang talaga siya ng inggit at insecurities kaya kahit gusto niya sumama sa dalawa ay pinipili niyang mag-decline. Baka kasi matusta na siya sa sobrang pagkikimkim ng inggit.
Lord, take this kind of feelings away from. Hindi na po ito healthy. Panalanging nausal niya.
Mukhang kailangan niya nga mag-loosen up. Dinukot niya mula sa bulsa ang cellphone at tinext si Liv. Tinanong niya kung saan kikitain ng mga ito si Jam at agad naman sumagot ang kaibigan niya at binigay ang kumpletong address sa kanya. Ramdam niya ang excitement ni Liv kahit text lang iyon dahil puro all caps ang pagkaka-type ng mga salita. Habang siya hindi niya alam kung na-e-excite ba siya o natatakot na harapin muli si Jam. Wala naman siya kasalanan dito at lalong wala siyang utang. Ito pa nga ang dapat na magbayad sa kanya dahil sobra siyang na-fall dito.
Kung nasisingil lang ang mga feelings na hindi nasusuklian baka ang yaman ko na…