GINIYA siya papasok ni Liv sa isang food park na matatagpuan sa Fairview, Quezon City. Naisipan nila magkita na dalawa upang magtanggal ng stress at makinig sa mga live bands. Malayo ang lugar na iyon sa inuuwian niya pero sinuong pa din niya ang traffic para lang makapag-unwind. Matagal tagal na din mula nang huli sila magkita ni Liv. Magkaiba kasi ang schedule nila nitong mga nakaraang buwan at ngayon lang nagtugma. Pareho nilang ginala ang mga mata nila upang humanap ng mauupuan. Liv pointed a vacant seat near stage.
Tinungo nilang dalawa iyon saka naupo ngunit ‘di pa ‘man sila nakakatagal na naka-upo’y muling tumayo ang kaibigan niya at nagpaalam na bibili lang ng makakain at maiinom nila. Naiwan siya doon at tinutok ang atensyon sa stage kung saan nakita niya ang isang performer na naghahanda para sa set nito. Lima ang performer doon para sa gabi na iyon at ang kasalukuyang nasa stage ang ikaapat na performer. Sa sobrang traffic ay hindi na nila nagawang simulan ang naturang live event.
“Is this seat taken?” Napatingin siya sa pinanggalingan ng tanong. Anghel ba iyong nasa harapan niya? Nasa langit na ba siya? Napabalik siya sa kamalayan nang iwasiwas ng lalaki ang kamay nito sa harap niya.
“No, you may use it.” Nalipat ang tingin niya kay Liv nang banggain nito ang balikat niya. Naupo ito sa bakanteng upuan sa tabi niya habang iyong lalaki naman na nagtanong kanina naupo sa kabilang bakanteng upuan kaya napagitnaan siya. “Ang gwapo naman niya,” bulong sa kanya ni Liv pero parang hindi bulong iyon. Sa tingin niya nadinig iyon ng lalaki dahil napatingin ito sa kanila.
Pinamulahan siya ng mukha at napayuko. Siniko niya si Liv para tumigil na ‘to ngunit walang talab iyon. Panay pa rin ang papuri nito sa lalaking katabi niya at siya tuloy ang nahihiya sa pagiging madaldal ng kanyang kaibigan. Liv introduced her to the guy whose name is Jam. Kaibigan pala nito ang singer na kumakanta sa stage. Wala na sa singer na kumakanta ang atensyon niya kung ‘di kay Jam. Hindi niya magawang iwaglit ang titig niya dito. Tila may pwersang siyang nag-ma-magnet sa kanya para hindi maialis ang tingin dito.
“Singer ka din?” She managed to ask after practicing that question in her mind multiple times. Mahina pa nga ang pagkakatanong niya pero napa-usal siya nang pasasalamat dahil narinig ni Jam iyon.
“I do sing sometimes but not like my friend whose profession is singing.” He answered her.
Napatango tango siya habang nakatingin dito. Nalipat kaibigan niya ang atensyon ni Jam dahil may tinanong ito kaya malaya niya napapagmasdan ang binata. Hindi niya kasi magawang titigan ito gaya ng ginagawa ni Liv. Naiilang siya at pinamumulahan ng mukha kahit ngumiti lang ito. Natapos ang set ng kaibigan ni Jam at naki-table din sa kanila at nakipag-kwentuhan. Sa sobrang dami ng pinag-usapan nila halos hindi na nila namalayan ang oras.
Pinakilala ni Jam ang kaibigan nito si Vixen na signed artist pala sa isang recording label sa ilalim ng malaking TV network. Dahil nga madaldal ang kaibigan niya, madami itong natanong kay Jam at kay Vixen pero mas interesado siya sa impormasyon tungkol kay Jam. Nalaman niyang isa pala itong speech pathologist at may sariling clinic na school set up. May negosyo din ito at katuwang ang mga kapatid at magulang sa pagpapatakbo noon. Sa Isabela ang hometown nito at tatlong beses sa isang buwan ito kung umuwi doon. Nakikita niyang mabait at responsible itong anak at kapatid. Ang swerte ng babaeng mamahalin nitong babae.
Mali ba na hilingin na sa ako ‘yon? Tanong ni Coffee sa sarili niya. Ayan, madaling ma-fall. Baka masaktan ka sa bandang huli. Kastigo naman niya sa kabilang bahagi ng kanyang isipan.
“Kung ice cream si Jam, kanina pa siya lusaw. Yung mga tingin mo, eh.” Sambit sa kanya ni Liv. Inirapan niya lang ito at pinilit inalis kay Jam ang tingin. Masyado na palang obvious na nakatingin siya dito at napadasal siya na sana si Liv lang ang nakapansin noon. “Type mo?”
“Ilakas mo pa, girl. Hindi pa niya nadidinig, eh,” Liv chuckled. Inakbayan siya nito saka dinikit ang ulo sa ulo niya. “Tingin mo may girlfriend na siya?” Curious niyang tanong sa kaibigan.
“Itanong natin,” Nakakalokong sagot ni Liv saka tinawag si Jam. Tumalikod naman siya saka yumuko para itago ang namumula niyang mukha. Minsan hindi na niya talaga mabiro ang kaibigan niya. “Jam, may girlfriend ka na?” diretsahang tanong ng kaibigan niya sa binata.
“Meron. She’s studying in US right now,” tugon ni Jam.
Shattered dreams para kay Coffee ang nadinig, na para bang bumagsak ang langit at lupa sa kanya. May girlfriend ito at napaka-swerte ng babaeng iyon para magkaroon ng boyfriend na kagaya ni Jam. Her three seconds love at first sight suddenly fades away into thin air. Yes, she fell in love with Jam in a span of three seconds. Pero napalis lahat nang iyon matapos sabihin nitong hindi na ito single. Mga salitang back off at move on ang unang sumagi sa isipan niya. Kahit crush lang iyon, may karapatan pa rin siya mag-move on.
Nakita niya ang pagbagsak ng mga balikat ni Liv. Gaya niya disappointed din ito dahil mula pa kanina, panay ang pang-bi-build nito sa kanya kay Jam. Pulos positive lahat ang nadinig niyang salita na nabanggit nito. Takang taka nga siya sa inasal na iyon ni Liv at parang hindi niya kaibigan ang kasama niya ngayon. Alam nitong minsan lang siya magkagusto pero ayon na nga taken pa. She is a certified member of NBSB o No Boyfriend Since Birth. Madaming beses na na siyang nireto ni Liv sa mga katrabaho nito ngunit ayaw niya. Hindi naman kasi siya naghahanap sa ngayon.
“Girl, girlfriend palang naman saka LDR silang dalawa. Bibihira ang nagiging successful na long distance relationship.”
Pinapagaan ba ni Liv ang loob niya o dinedemonyo ang utak niya? She choose the latter. Minsan talaga isang malaking sulsol ang kaibigan niyang ito. Mas matured ito mag-isip kaysa sa kanya at kadalasan ito pa ang nagpipilit sa kanya na lumabas sa lungga niya. Sa klase ng work environment na meron siya, tulog na lang ang escape niya sa mundong pabago bago. Iyong gawain na bihira niya magawa dahil sa panay panay na pagpapa-OT sa kanya ng kanyang Manager na hindi yata tao ang tingin sa kanya. Iyong eye bags niya, ga-maleta na sa lalim. Dry at may mangilan ngilan ding pimples sa mukha niya dahil sa kakulangan niya sa sun exposure at vitamins C. Pulos hangin na lang galing sa aircon at alikabok galing sa mga papel na araw araw niyang pina-file ang nalalanghap niya.
Sobrang deprived na siya sa lahat ng bagay. Kung pwede nga lang niya pakasalan ang mga papel ay nagawa na niya. Tingin niya wala na pag-asa na makabuo siya ng pangarap niyang pamilya hangga’t nasa kumpanyang iyon siya. Maluluma at mawawalan ng silbi ang matres niya doon. Ngunit hangga’t wala siya malilipatan kailangan niya magtiis dahil mahirap mawalan ng trabaho sa panahon ngayon.
“We have to go. Saan ba kayong dalawa?” tanong sa kanila ni Vixen.
“I live nearby while Coffee resides in Makati.” Sagot ni Liv kay Vixen.
“I see. Ano sa tingin mo, Jam?” Nakita niyang binalingan ni Vixen ang kaibigan. Hindi siya kumibo sa umpisa.
“Maybe, I can drop Coffee in the nearest bus stop.” Tugon ni Jam.
“Naku, wag na. Okay lang naman –“ Liv cut her off and pinch her arm.
“Cool idea. Sasabay na lang ako kay Vixen,” wika ni Liv saka kinindatan siya.
Desidido talaga ang kaibigan niya na ilapit siya kay Jam. Close din ito kay Vixen at sa tingin niya hindi matatapos ang gabi na iyon na hindi naaya ni Liv si Vixen na makipag-date. Gano’n ka straight forward ang kaibigan at wala itong pakialam kung off na iyong babae ang unang gumagawa ng move. Palagi nitong sinasabi na modern days na at hindi na in ang mga babaeng pa-maria clara.
“I think those two will hook up tonight,” wika sa kanya ni Jam habang ang atensyon ay nasa daan. Sinipat siya nito saglit kaya nakita nito kung paano manlaki ang mga mata niya. She heard him chuckle. “Liv’s kinda straight forward and nosy.” Paglalarawan nito sa kaibigan niya.
Iyon ang pagkakaiba nila ni Liv. Perfect representation nga silang dalawa ng yin and yang symbol pero balanse ang klase ng friendship na mayroon silang dalawa. May something in common sila nito kaya nag-click sila. Pareho silang mahilig mag-travel na tanging escape nila sa nakaka-stress na trabaho. Minsan magkasama sila sa isang trip ngunit madalas na solo flight sila palagi. Puro travel ang usapan nila sa tuwing magkikita sila sidetrack na lang ang tungkol sa mga boys. May nabanggit nga itong mahabang listahan ng pwedeng ipa-date sa kanya, magkaroon lang siya ng boyfriend.
“I think its more than that,” aniya dito.
“Vixen is not serious type of guy but maybe he’ll change because of Liv.” She shrugged and they both laugh. Nagkwentuhan sila habang nasa byahe tungkol sa iba’t ibang topics. He’s a good listener. Kahit kakikilala palang nila, nag-click sila agad. Dahil doon, hindi na niya namalayan na nasa Quezon Ave Bus Stop na pala sila. “Sure ka na dito lang kita ibaba?”
“Yes. Thank you sa pag-drop off mo sa akin.” Aniya sa binata.
“I can drop you straight to your house if you want,” Huwag na baka lalo lang ako ma-inlove sa ‘yo, tugon niya sa isipan.
Umiling siya saka ngumiti dito. “Okay na ako dito. Thank you ulit. Ingat ka sa byahe mo,” aniya dito.
“See you when I see you, Coffee. It's nice meeting you.”
“It’s nice meeting you, too, Jam.” Tuluyan na siyang bumaba sa sasakyan nito. She wave to bid goodbye to him.