Beginning
ALAM MO yung feeling na gusto mo manakit dahil halos lahat nang maka-salubong mo ay may ka-holding hands, ka-akbay at sa bawat pagtingin mo sa mga restaurant na madaanan may makikita ka na magkayakap? Iyong gusto mong sumigaw nang walang forever at maghihiwalay din kayo dahil sa sobrang ka-bitter-an mo sa mundo. Gano’n yata talaga kapag certified member ng NBSB o no boyfriend since birth. Mapapatanong ka na lang na isang araw, ano ba ang hindi kamahal mahal sa ‘yo at hanggang ngayon wala ka pang boyfriend? Malalim na napahinga si Coffee bago hinayon ang tingin niya sa kabilang dulo ng pedestrian lane na kinatatayuan niya.
Zero, zilch, nada, olats, ‘yan ang apat na salita na makakapaglarawan ng lovelife ni Coffee ngayon. Sa edad niyang bente siete, wala pa kahit sino ang nagtangka na mangligaw sa kanya. Lahat ng dating apps mula Tinder hanggang Bumble, nasubukan na siya ngunit wala talaga yata siyang swerte pagdating sa pag-ibig. Muli siyang napabuntong hininga at nakuha noon ang atensyon ng matandang nasa tabi niya. Kinalabit siya nito at inabutan ng isang pink na fortune cookie.
“Thank you po,” wika niya sa matanda. Dinurog niya muna iyon bago binukas para makuha ang papel na nasa loob noon.
Love is like a war. Easy to start, hard to end.
Iyon ang mga salitang nakasulat doon. May punto iyon, naghahanap siya ng taong mamahalin niya pero ang malaking tanong handa na ba siya? Marahil nadadala lang siya ng pressure dahil sa kaliwa’t kanang pagkakaroon ng boyfriend ng mga kaibigan niya at pagpapakasal ng ilan. Ang iba matagal nang kasal at ngayon ay nabiyayaan naman ng anak. Gusto niya magka-boyfriend, bumuo ng sariling pamilya na pinagkait sa kanya at maging isang ina. Pero hindi sapat na gusto lang niya dahil kailangan handa siya kapag dumating ang panahon na iyon. Muli siya napatanong, handa na nga ba talaga siya?
“Isang araw, makikilala mo ang lalaking magpapatibok diyan na sa puso. At kapag dumating ang araw na iyon, huwag ka sana matakot sa alay niyang pag-ibig,”
Nalipat sa matanda ang kanyang atensyon. Manghuhula ba ito? Maniniwala pa ba siya? Nag-walk signal na ang pedestrian sign at isa isa nang lumakad ang mga kasabay niya. Ang ilan ay nabangga pa siya dahil ni-hindi man lang siya tuminag mula sa kanyang kinatatayuan. Naging dahilan iyon upang mabitiwan niya ang hawak niyang clearbook at payong. Mabilis lang na naging stop signal na ulit ang pedestrian sign at hindi niya nagawang tumawid. Someone pick up the things she accidentally drop for her. Nang magsalita iyon at napukaw siya mula sa kanyang pagka-space out.
“Miss, are you okay?”
Hinayon niya ang kanyang tingin sa lalaking nagtatanong sa kanya. Her lips parted upon recognizing who the guy was. She stop again and stared at him and noticed that nothing’s changed. Nanatili pa rin ito gwapo, maganda at nangungusap pa rin ang mga mata nito. Matangos na ilong at mapupulang labi. Iyong ngiti nito na bukod tanging nakakapagpaganda sa kanyang araw. Simpleng navy blue polo shirt, jeans at white sneakers ang suot nito ngaunit angat pa din ang ka-gwapo-han. Kahit yata ano isuot nito at hinding hindi mawawala ang ka-gwapo-han nito. Sobrang perpekto at napaka-unfair para sa ilan. Sinabi niya sa sarili two years ago, kung magkaka-boyfriend siya, si Jam dapat iyon kaso mukhang hindi yata tinadhana.
“Miss?” Kinaway nito ang kamay sa harap dahilan para bumalik siya sa realidad.
“S-sorry, nag-space out ako,” aniya dito. “O-okay lang ako. Thank you!” Dagdag niyang sabi saka kinuha dito ang clearbook at payong na nalaglag dahil sa bumangga sa kanya. Akma siyang tatawid ngunit napigil siya nito.
“Naka-go pa ang mga sasakyan,” anito sa kanya.
Mariin siya napapikit dahil hindi niya naisip iyon. Baka akala nito, suicidal siya o may sira sa pag-iisip kaya bigla na lang tatawid kahit naka-go pa ang mga sasakyan. Matama niyang binaling ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa mga balikat niya. A sudden jolt of electricity came crashing and gives her unexplained chills down to her spine. Kahit gusto niya ang pakiramdam na hawak siya nito ay kailangan niya ipa-alis iyon.
Tumayo siyang sa tabi nito at matamang pinagmasdan ang countdown sa pedestrian sign. Gamit peripheral vision niya nagawa niya sipatin muli si Jam. Hindi talaga siya maaring magkamali. It was Justin Angelo Manalo o Jam sa mga ka-close nito. Pero kahit di sila close iyon ang tawag niya dito. How come he didn’t recognize her? Bigla bumalong ang lungkot sa kanyang dibdib. Sobrang laki – as in malaki literally ang pinagbago niya. Kasalanan iyon ng stress sa trabaho at sa mundo dahil naging best friend niya ang pagkain.
Coffee, he didn’t recognize you. Ikaw lang ang hindi nakalimot sa una mong pag-ibig…