You're my Sunshine

2166 Words
NANG DUMATING si Coffee sa bar na sinabi sa kanya ni Liv via text ay nag-alangan siya pumasok agad. Inisip pa muna niya kung paano magiging approach niya kung sakaling kausapin siya ni Jam. Akma siyang papasok ngunit agad ding napabalik sa kinatatayuan. Hindi niya yata kaya na pumasok doon. Mariin siya napapikit at pilit na winaksi sa ang mga tumakbo sa kanyang isipan. Kaya mo ‘yan, Coffee! Intimidating na client nga nahaharap mo, si Jam pa kaya? She heaved a deep breath. Paulit ulit siyang ng mga salitang kaya mo ‘yan sa isip. Akma niyang hahawakan para pihitin ang door knob ngunit may nauna nang gumawa noon. Paglingon niya bumungad sa kanya si Jam. Napa-awang ang mga labi niya at nanlaki ang mga mata. Ni-hindi niya magawang ihakbang ang kanyang mga paa para umatras palayo dito. Na-estatwa siya sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatitig dito. “Stop staring, I’m melting, Coffee,” wika nito sa kanya. Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Kahit hindi siya tumingin sa salamin, alam niyang namumula na iyon. Agad niya tinakip ang hawak na bag sa mukha niya. Doon, nakagawa siya nang paraan para unahan itong pumasok sa loob. Agad siya nagtago sa pader kung saan may nakatayong bouncer na namimintog ang mga muscles sa katawan. Napa-atras tuloy siya dahilan para bumangga siya sa taong nasa likod niya. Nanghingi siya ng sorry sa nabangga niya at mabilis na umalis doon. Hayy, Coffee, you’re really a walking disaster. Sita niya sa sarili. Ginala niya ang tingin sa paligid upang hanapin si Liv. Bakit ba wala ito kapag kailangan niya? Pinagpatuloy niya ang ginagawang pag-scan sa paligid. Natigil lang iyon ng may maulinigan siyang familiar na kanta. Agad na napadpad ang tingin njya sa stage at doon nakita niya si Jam – katabi si Vixen na may hawak na gitara – na kumakanta. The other night, dear, as I lay sleeping I dreamed I held you in my arms When I awoke, dear, I was mistaken So I hung my head and I cried It was the song she dreamed that Jam would sing to her and its happening now. Hindi niya magawang makagalaw sa kinatatayuan niya. Nanatili lang na nakatuon ang pansin niya sa stage na kinaroroonan ni Jam. Iyong moment na sinabi na nang lahat na kapag nakita mo na ang nakalaan sa ‘yo, time will just stop. Pakiramdam niya, siya at si Jam lang ang naroroon. Walang ibang tao o ingay na madidinig. The only sound she’s hearing was Jam’s voice. You are my sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are grey You’ll never know, dear, how much I love you Please don’t take my sunshine away His gaze met hers and on cue, her heart starts to beat fast than its normal beating. Isang ngiti ang nag-flashed sa mukha ni Jam na lalong nagpabilis nang t***k ng puso niya. Everything he does is illegal and its not good for my assuming heart, sambit niya sa isipan. “Coffee,” ani nang pamilyar na tinig na nagpabalik sa kanya sa realidad. It was Liv. Kanina pa niya ito hinahanap at ngayon lang niya nakita ito kahit hindi naman kalakihan ang lugar na iyon. Nilapitan niya ito at niyakap naman siya nito. Inaya siya nito maupo sa lamesang okupado nito at ni Vixen. She heard Liv asked one of the for two more chairs and food. “Akala ko ‘di ka sisipot. Kanina pa kaya kita hinihintay.” “Hinahanap din kaya kita,” aniya dito. “Jam said he saw you awhile ago, but you run away.” Gusto niya mapangiwi nang madinig iyon. Kahit naman sino mapapatakbo palayo kapag nasa harapan nila ang crush nila. Lalo na’t hindi siya prepared sa pagkikita nila. Mukha pa naman siyang bagong baba sa bundok kanina sa front door. Bakit ba sa gano’n pagkakataon sila palagi nagkikita ni Jam? “Inaya siya ni Vixen na kumanta ngayong gabi at tingnan mo yung crowd,” wika pa ni Liv. Napatingin sa paligid si Coffee at totoo nga ang sinabi ni Liv. The crowd of young girls we’re swooning over Jam and Vixen. Muling napadako ang tingin niya sa kaibigan. “Okay lang sa ‘yo na pinagkakaguluhan ang boyfriend mo?” “Hmm, medyo hindi but in the end of the day naman sa akin pa din siya,” sambit nito sa kanya. She suddenly cringed over Liv’s statement. Engaged na ang dalawa kaya kampante na ang mga ito na wala kahit sino ang magloloko. “Two years MIA ang crushie mo and guess what good news ang sasabihin ko?” “Just spill it. Ayoko na manghula,” “Sungit nito, hmp!” Inirapan siya si Liv ngunit muli siya nitong hinarap. “Single na ulit si Jam kaya may pag-asa ka na landiin siya,” “Sira ka talaga. Bakit ko naman gagawin ‘yon?” “Crush mo siya and until now same pa din nararamdaman mo sa kanya,” Sasagot na dapat siya kaso napigil nang magkasabay na naupo sina Jam at Vixen sa tabi nila. Vixen planted a kiss on Liv’s forehead that gives hee cringy worthy feelings. Wala talaga pasintabi ang dalawa dahil alam naman ng mga ito na sanay na siya. She witnessed more than forehead kissing at ayaw na niya maulit iyon. “Super busy ka ba sa pagpapayaman kaya ngayon ka lang lumabas ulit, Coffee?” untag sa kanya ni Vixen. Sana nga yumayaman ako in terms of pera, sagot niya sa kanyang isipan. Sinipat niya ang sarili, mayaman siya sa taba at pimples. Stop it, Coffee, aniya pa sa sarili. “Hindi pa nga ako yumayaman,” tugon niya. “Mayaman ka sa work load,” tuya sa kanya ni Liv. Kaibigan niya ba talaga ito? Inirapan niya lang ito at tila wala naman iyon epekto kay Liv. “Si Jam din nag-MIA ng dalawang taon.” Nadinig niyang puna naman ng kaibigan niya kay Jam. “Ah, pagbalik ko galing US nagfocus na ako sa negosyo at clinic,” sabi ni Jam. “Literal na busy,” komento ni Liv. Narinig niyang tumawa si Jam at Vixen. Busy din naman ako. Kung alam lang ng mga ‘to araw araw ko na kalbaryo, angil niya sa isipan. “Part ‘yon nang moving on process niya at effective din naman,” ani naman ni Vixen. Kahit ‘di niya tingnan ng diretso, nakikita naman niya mula sa gilid ng mata niya ang pagngiti nito. Another illegal smile from him. Pwede ba niya bawasan iyon para hindi ako ma-fall? Tanong niya sa sarili. Hindi niya alam paano i-a-approach ito dahil wala naman siya maisip na itatanong dito. Nalunok na yata niya ang dila niya at hindi naman siya gano’n katahimik kapag sina Vixen at Liv ang kasama niya. Madaldal din siya noong una nilang kita, sadyang iba lang ngayon. Dinampot niya ang basong may laman na tubig at uminom doon. Mukhang mapaparami siya ng inom ng tubig para sa gabi na iyon. Maya maya pa’y may lumapit sa table nila at tinawag sina Vixen at Liv. Naiwan tuloy sila doon ni Jam. What to do? What to say? Nagpapanic siya sa isipan. Pwede ba unuwi na lang? Isa na namang tanong niya sa isipan. Isang tikhim mula sa gawi ni Jam ang kanyang nadinig dahilan para mapatingin siya dito. Hindi na gaano ka-ingay sa kinaroroonan nila at halos kwentuhan na lamang ng mga tao ang kanilang nadidinig. Muli ito ngumiti sa kanya na lalong nakadagdag sa riot na meron sa dibdib niya. Kailan ba iyon kakalma? Pag wala na siya, sambit niya. Pero, gusto ko pa tingnan ang mukha niya, aniya sa kabilang bahagi ng isipan. “I think those two leave us intentionally,” anito sa kanya. “Huh?” sambit niya nang hindi ma-gets agad ang sinabi nito. “Vixen and Liv, both of them leave us alone here.” Napalinga siya sa paligid. Totoo nga na wala kahit saan doon ang anino ng dalawa. Naisahan na naman siya ng mga ito. “Shall we go find some other place or you want to go home? Ihahatid na kita if gusto mo na umuwi,” Gusto pa kita makasama. Iyon sana ang nais niya sabihin kaso para na namang nalunok niya ang kanyang dila. “Hey, ‘di mo kailangan mahiya. Ang tahimik mo unlike sa Twitter na very opinionated ka,” puna nito sa kanya. Naalala niya pina-follow nila ang isa’t isa sa social media platform na iyon. Alam niya din na matagal na siyang walang nakikitang post nito doon. Gayunpaman, active pa din siya at doon siya madalas na maglabas ng mga sama niya ng loob sa trabaho at sa buhay. Crush kasi kita pero wala naman ako balak sabihin sa ‘yo iyon, aniya sa isipan. Wait, nakikita niya mga post ko? Bakit? Any moment, pwede na siya sumabog sa kilig. Kahit pala papaano ay napapansin siya nito. Napalabi siya at kahit hindi niya tingnan ang sarili sa salamin alam niyang mula pa kanina ay namumula na ang mukha niya. “S-sige, lipat na lang tayo. Mukhang ‘di na babalik yung dalawa,” aniya sa binata. “There’s a coffee shop nearby. Doon na lang tayo or you have other place in mind,” wika pa nito. Mahalaga talaga dito ang opinyon niya at nakikita niyang nais nito na maging komportable siya sa company nito. “Doon na lang.” tugon niya. Ngumiti ito at inaya na siya palabas. Binukas nito ang pintuan at pinauna siya. Gano’n din ang ginawa nito nang marating nila ang kotse nitong naka-park sa open parking ng food park. Bago iyon at hindi iyon ang unang sinakyan niya. Ang bilis naman niya magpalit ng sasakyan, sa isip isip niya. “IT’S THE SONG AGAIN,” wika ni Jam sa kanya. Napatingin siya dito habang pinakikinggan ang kanta. Tama ito, iyon na namang kanta na ni-revive ni Moira dela Torre ang kantang pumapailanglang sa buong coffee shop na siyang kinaroroonan nilang dalawa. “This is the fourth time that I heard this song.” Dagdag pa nitong sabi sa kanya. Siya? Pangatlo na iyon at pakiramdam niya may ibig sabihin na iyon. Ayaw muna niya mag-jump into conclusion. Mahirap na, Coffee baka hindi mutual mahirap magsettle sa one sided, aniya sa sarili. “Pang-apat?” Curious niyang tanong. “Yes. One is while walking in BGC, ‘yan yung nagplay sa playlist ko nung masalubong kita. Second was in the first event I attended before attending Vixen’s gig, that’s why I sung it awhile ago.” Pag-e-explain nito sa kanya. Napatango tango lang siya sa sinabi nito. “You seem like the song too,” puna nito sa kanya. “Ah, favorite at palagi yan kinakanta ni Papa kay Mama noong buhay pa sila,” “I’m sorry,” “You don’t have to say that, its okay.” A smile flashed on her face. “Gusto mo ba malaman kung ano history ng name ko?” “Curious nga din ako dyan buti na-bring up mo,” “Yung mama at papa ko, nagkakilala sila sa coffee shop. Part time barista si mama noon tapos regular customer ng coffee shop na iyon sa papa. Halos araw araw nagkikita silang dalawa. Hanggang sa may maipit si papa sa isang scenario kung saan may babaeng habol ng habol sa kanya. Lawyer kasi si papa, gwapo at smooth talker pa kaya madami nahuhumaling.” Mahaba niyang kwento. “What happened next?” Napangiti siya sa pagka-curious nito. “Para maiwasan ni papa yung babae, sinabi niya na may asawa na siya at buntis ito. That girl was my mom.” “Woah, unexpected and smart moves,” “Totoo at doon nag start ang lahat. Twenty lang si mama noon habang si papa twenty seven. Pinag-aral ni papa si mama at nang makatapos, nagpakasal na sila dalawa. Nabuo ako at yung coffee shop na sila mismo ang nagtayo,” May tila bagay na bumikig sa lalamunan niya. Pinigil niya ang sarili sa napipintong pag-iyak. “But just like every love story, may problem silang hinarap. Nagkasakit si papa at naubos sa chemotheraphy nito ang savings namin kaya pati iyong coffee shop naibenta na nila.” Tuluyang tumulo ang luha niya. Papahiran niya dapat ngunit naunahan siya ni Jam. He wiped away her tears and cupped her face. “If it still hurts you, huwag mo na ituloy,” wika nito saka muling pinahiran ang luha niya. Ang init kamay nito ay tila may kung ano iyong nasaling sa loob niya at muli bumilis ang t***k ng puso niya. Nang masigurong wala nang luha, binitiwan na nito ang pisngi niya. “I’m sorry, I got emotional again,” aniya. “Its okay,” tugon nito. “They named me Coffiana derived from my mom’s name, Ana and her favorite drink, coffee.” “Ang ganda ng love story ng papa at mama mo. Can we visit that coffee shop some other time?” “Huh? Ano? Hindi ko alam kung bukas pa ‘yon saka nasa may Bulacan ‘yon,” “Okay lang. Isingit mo na ‘yan sa schedule mo,” Muli itong ngumiti sa kanya. Kahit nagtataka, pinagpatuloy niya ang pakikipag-usap dito. Tuluyan na siyang naging komportable sa company ni Jam at naging dahilan iyon upang lalong itangi ng puso niya ang binata. Wala na yata makakapigil pa doon at kahit iwasan niya, doon at doon pa din ang bagsak niya. Kalma ka lang, Coffee, don’t be too obvious yet…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD