Chapter 2: Arrogance

1194 Words
MABILIS akong tumayo at pinagpag ang sarili kong pants. Binalot ako ng inis, hindi lang dahil ginawa niya kung hindi dahil hindi man lang siya humingi ng tawad sa ginawa niya. Tinuturo ko ang mga pagkaing nakalatag sa sahig. “Alam mo ba kung magkano ‘yan?” masaya si Mama dahil nakakuha sila ng order ng sing laki nito at kung malalaman nila ang nangyari ay siguradong malulungkot sila. At ang malubha, kung hingian niya ako ng pera. Napatingin siya rito at humalukipkip. Tinaas niya ang kanyang isang kilay at ngumuso. “Three thousand Pesos!” singhal ko at pumameywang. Hindi ako pwedeng umalis dito na hindi ako nababayaran. Kung ayaw niya akong bayaran e’ isasama ko siya at siya ang haharap upang ipaliwanag kay Mama ang nangyari. “Too cheap,” aniya sa maarteng tono sabay kawit ng kanyang buhok sa likuran ng kanyang tainga kahit maikli at nakataas naman ang ayos ng kanyang buhok.  “Bayaran mo na kasi para makauwi na tayo.” Napalingon ako nang marinig ang boses ng isang babae. Halos makita ang buo niyang kaluluwa dahil sa suot niyang parang tinipid ng tela. Umupo siya sa harapan ng sasakyan at nagsindi ng sigarilyo. “Of course, b***h. Money is the only solution to get rid of all mess.” Aniya sabay kuha ng kanyang wallet sa kanyang bulsa. Napakayabang na baklang ‘to. Mga kaibigan kong may pusong babae sa school e’ kahit na maarte ay hindi naman ganito kayabang.  Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha siya ng card at binigay ito sa akin. “I don’t have enough cash, do you have a p*****t terminal?” tanong niya, taliwas sa laki ng kanyang katawan at sa ayos niya ang kanyang pananalita. “Nah?” kumpirma niya sabay balik ng card sa kanyang wallet. “Pera… Kailangan ko ng cash.” Mariin kong sabi. Itinaas niya ang kanyang sunglass at tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago siya umirap. “Tsss… Di naman maganda.” Mahinang aniya pero sapat na para marinig ko. May gana pa siyang insultuhin ako e’ siya nga itong may kasalanan. Anong sabi niyang wala siyang pera kung nakahugot naman siya ng pera sa parehong wallet.  He extended his arm para iabot sa akin ang pera pero nang tanggapin ko ay mabilis niya itong tinapon sa ere at sinabayan ng ngisi sa kanyang labi. Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Bakit pa pinanganak ang mga taong katulad nito? Nagiging polusyon lang sila sa hangin. “Bye,” maarte niyang paalam nang makapasok siya sa kanyang sasakyan. Mabilis niyang pinaharurot ito at muntik pa akong masagasaan.  “AHH! Nakakainis talaga!” singhal ko sabay sipa sa gitara.  “Hoy! Noemie, ‘wag mo nga masipa sipa ang alaga ko.” Wika ni Sebastian sabay himas ng kanyang gitara na aking sinipa. Bumaling siya sa akin at masama akong tiningnan. Siya si bass guitarist ng banda, parang bata kung magsalita taliwas sa katawan height niyang halos hindi makapasok sa pintuan sa sobrang tangkad. “Ano ba kasi ang nangyari?” tanong naman ni Zach habang inaayos ang tunog ng kanyang gitara at binabasa ang lirikong sinusulat ko. Sa tingin ko hinahanapan niya ng magandang himig ang kanta ko.  “Iyong bakla kanina sobrang yabang. Akalain mo, tinapon sa akin ang pera? Porket mahirap lang ako e’ at hindi kasing yaman niya, i lo-look down na ako.” Reklamo ko sabay busangot. Ngumisi naman si Adriel sa likuran ko at ginulo ang aking buhok gamit ang drumstick na kanyang hawak. “Ano ba ‘yong buhok ko!” sigaw ko. Medyo sensitive ang buhok ko, ayaw kong may humahawak dito lalo na’t kakagupit ko lang kamakainlan. “Baka maging jowa mo ‘yon. The more you hate the more you love daw.” Aniya. Ngumisi ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. “Hindi kami talo, ano. Pareho kami ng tipo.” “Hindi ka naman babae, Noemie. Para kang lalake kung kumilos.” Sabi ni Zach at ngumisi. Inirapan ko siya at hindi na dinugtungan ang kanilang sinabi. Kahit hindi ako marunong mag-ayos, hindi katulad ng mga babaeng mga tipo ng mga kabanda ko, nai insecure pa rin ako sa sarili ko. Gusto kong mag glow up pero feeling ko pagtatawanan nila ako… Pagtatawanan nila na makita akong nagmake-up at magsuot ng bestida. Ginawa ko na ‘yan dati sa prom, ang kinalabasan, ginawa akong clown ng mga kaklase ko.  Pinangako ko sa sarili kong hindi na ako uulit pa. Kuntento na ako sa t-shirt, pants, at sneakers. Kahit ganito ang ayos ko, naghahanap pa rin naman ako ng abs at daks.  Bumukas ang pintuan at pumasok si Logan. Namumula at naniningkit ang kanyang mga mata na halatang kakagaling niya lang mula sa mahimbing na tulog. “Sino nag-iwan sa akin na natutulog sa labas? Pinagdiskitahan ako ng aso.” Aniya sabay himas ng kanyang pisngi. Napuno ng tawa ang studio. Ang leader naming si Zach talaga ang may pakana no’n. BUMALIK ako ng bahay nang sumapit ang hating gabi. Mabuti na lang at hindi ako nagpatempt na bumili ng sapatos sa perang binigay ng bakla kanina sa akin. Natutulog na sila pero ang ilaw sa salas ay bukas pa.  Sinubukan kong pumasok at bumungad sa akin si Papa na nanonood pa ng T.V sa mga oras na ito. Walang pagdadalawang isip na binigay ko ang ibinayad ng bakla kanina sa kanya at saka ako tumalikod. “Nakalimutan mong mag mano, Noemie.” Aniya. Nahinto ako at muling bumalik sa kanya upang gawin ang sinasabi niya. Tahimik si Papa pero kapag nagagalit siya, mas pipiliin mong huwag ng bumalik ng bahay. “Kailan ang gig niyo?” tanong niya sa akin sabay ngiti. Sa kanilang dalawa ni Mama, siya lamang ang nakakaintindi sa akin. “Sa September two po.” Sagot sa mahinang tono.  “Kapag nanood ba ako, mag-aaral ka na nang mabuti?” tanong niya. Bakit ba nila ako pinipilit na tapusin ang pag-aaral ko? Gusto kong mag shift ng course, iyong related sa passion ko pero pinipilit nila akong tapusin ang nasimulan ko kaya wala akong magagawa kung hindi ang sundin ang kagustuhan nila. Hindi ko siya sinagot. Alam kong naiintindihan ni Papa kapag walang salitang lumabas sa aking bibig. Pumunta na lamang ako sa itaas ng kwarto at nagkulong. Nagbihis ako, binuksan ang computer, at kinuha ang aking gitara. Magtrabaho kaya ako para may pangtustos ako ng tuition kapag nag shift ako ng course?  Pero bihira lang ang raket namin, madalas kaming hindi kunin sa mga fiesta. Hitsura lang daw mayroon kami at wala talaga kaming talent. Napangisi ako at umiling. I’ll show you what we’ve got… Napatalon ako sa gulat maya maya nang biglang may message na nag pop up sa aking personal account.  “Aubrey Iglesias?” tanong ko nang may isang babaeng gustong makipagkita sa akin. Sinend niya ang litrato ng gig namin na nagpe perform sa isang bar. Niyaya niya akong makipagkita at nang mabasa ko ang ‘Offer’ ay sumigaw ako sa saya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD