Chapter 3: The Offer

2212 Words
Matt’s POV “UNCLE, you have to eat at least two cups of rice in a day para lumaki ka naman!” ani ni Kayla, ang ampon na anak ng nakakatandang kong kapatid na si Aubrey. Ten years old pa lang parang matanda na kung magsalita.  Hindi kailanman nagkaroon ng anak si ate Aubrey nang magkaroon siya ng ovarian cancer noon kaya nag adopt na lang sila ng asawa niya. Malas lang hindi matino ang inampon nila. “I don’t need your suggestion,” ani ko at umirap. Maarte kong kinuha ang hotdog sa plato, dinilaan hanggang sa tuktok bago kinain ito nang buo. Nakita iyon ni Kayla dahilan kung bakit ang sama ng tingin sa akin na para bang nandidiri sa ginawa kong pagkain nang buo ng hotdog. Tumaas ang isang kilay ko. “Ew, it’s so gross talaga seeing you eat like that.” aniya sabay labas ng dila niya. “Ew! Mas gross ka. Ten years old ka na, umiihi ka pa rin sa kama mo. Mapanghi na nga matulog, mapanghi pa pag gumising.” Ani ko. Ngumuso ako at nilagok ang tubig nang makita siyang bumusangot. There, I feel satisfied. “Matt, stop it. Batang bata pinapatulan mo.” Ani ni Dad habang nag-aayos ng kanyang necktie. “Kaya hindi ka nakakahanap ng mapapangasawa dahil sa ugali mo.” Patuloy nito. “Honey, let Matteo live his own life. If he’s a gay, then what?” kumbinsi ni Mommy nang makababa siya mula sa ikalawang palapag. Pareho silang ayos na ayos, siguro naghahanda para sa business conference. Bumaling si Daddy sa kanya at problemadong umiling. “Hindi ko kayang tanggapin.” Aniya, April Boy Regino? Ikaw ba ‘yan? “Tayong mga Iglesias ay walang ninunong bakla.” Dugtong niya at saka naunang lumabas ng bahay. Nagkatinginan kami ni Mommy. Agad siyang sumunod kay Daddy nang sinalubong sila ng kanilang driver. Napahinga ako nang malalim at bumaling kay Kayla na ngayon ay nasisiyahan na pinagsabihan ako ni Daddy. Kami lang dalawa ni Ate Aubrey ang anak ni Mommy and Daddy. Natatakot si daddy na hindi ako makahanap ng mapapangasawa kasi wala akong ipapamana sa aming business na fifty years ng buhay sa market. Dapat daw nananalantay sa dugo ng susunod na henerasyon ang Iglesias kaya hindi pwede ang ampon na anak ni Ate Aubrey na si Kayla. Pwede naman akong mag undergo ng artificial insemination e’ kung hindi talaga ako magkakaroon ng girlfriend habambuhay, pero ayaw ni Daddy ng gano’n. Hindi bukas ang kanilang isipan sa mga modernong bagay. Nakakahiya raw para sa mga kamag-anak namin at sa lipunan. Kaya ayon, pinipilit nila akong maging ganap na isang lalake. Kasalanan nila kung bakit ako binibilhan ni Mommy ng barbie noong bata pa ako, kasalanan nila kung bakit nila ako kay Ate Aubrey na gawin akong model ng makeup niya.  At isa pa, ano ba ang feeling ng maging isang ganap na lalake? Feeling ko naman lalake ako, ayaw ko lang makakita ng babaeng pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. Nakakabadtrip talaga kasi ng araw.  “May nahanap na akong bagong sekretarya na tatagal sa ugali mo,” ani ni Ate sa telepono habang abala ako sa paglilinis ng aking kuko.  “Who is it?” bored kong tanong. “Magiintern siya sa Iconic records,” aniya. Napairap ako at napatayo. Humalukipkip ako at dumungaw malakin bintana ng akin opisina. Kasing ganda ng panahon ang mukha ko pero sinira lang ng bruha kong ate ang lahat.  “Intern?!” “E’ bakit, Matt? Kahit wala namang tumatagal na sekretarya sa ‘yo ah? Mapamaganda man o pangit, pag-iinitan mo pa. Kapag lalaki naman at may asawa, pinag-iinitan mo rin.” Ani ni Ate. Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga sa kabilang linya. “Gusto ko nga single!” “Mas lalong hindi pwede! Hinahanapan ka nga ni daddy ng mapapangasawang babae e’.” Aniya naman. Umirap ako at napailing.  Isa sa mga hinahandle naming negosyo ang Iconic records. Sa lahat ng negosyo under Iglesias Empire, dito lang ako komportable. Bukod sa marami akong nakakasalumuhang artists at bigating pangalan mula sa entertainment industry, love ko rin ang music. Mayamaya ay may kumatok ng pintuan. Umupo sa ako sa aking swivel chair at nagtimpa na lang ng records na kakailanganin para sa report. Hindi ko pa binibigyan ng pahintulot na pumasok ang bruhang kumakatok ay binuksan na niya ang pintuan. Agad na nagtama ang mga mata namin ng babae. May dala dala siyang folder at mga libro. Agad na tumaas ang aking kilay at pinagsadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Agad akong umirap nang makitang wala man lang kahit na anong taba sa bewang niya. ‘Di na bale, may mga tao talagang binabawi lang ang kapangitan ng mukha sa katawan. “Noemie Viotto, your new intern secretary.” Aniya at naglahad ng kamay sa aking harapan. Nahimigan ko ang irita sa kanyang boses. Ano ang kinaiinisan niya sa akin? May atraso ba ako sa kanya? O pagiging mayaman ko kinaiinisan niya? O dahil ba mas maganda ako kaysa sa kanya? Ngumuso ako at pinagsalikop ang aking dalawang palad sa ibabaw ng aking desk. “Hindi ako nakikipagshake hands sa mga hampaslupa.” Mataray kong sabi at bumaling sa aking desktop. Nasulyapan ko ang paglaglag ng kanyang panga sa aking sabi. There, I don’t like you. Kaya kung hindi mo ako kaya, chupe! Noemi’s POV HINDI ako halos mapakali sa suot ko. Buong-buhay ko ngayon lang ako nakapagsuot ng skirt na maikli at sobrang hapit sa balakang. Panay hila ko pababa nito, sinisigurong hindi ako makikitaan ng kaluluwa.  Tagaktak ang pawis ko nang makarating sa Iconic Records. Feeling ko nalulusaw na ang polbo at lipstick na ninakaw ko pa sa bag ni Mama. Agad akong napatingin sa mga staff na sobrang ganda. Mapuputi ang legs, maaliwalas ang mukha, at sexy. Nanliit ako sa sariling ayos, mukhang kailangan ko ng magdalaga para hindi ako ma behind sa ganda nila dito ah. “Excuse me, Miss. Saan po ang office ni Sir Matteo Iglesias?” mariin kong wika sa pangalan. Siya ang bakla na arogante na kairingan ko kamakailan. Pangalan pa lang sinusumpa ko na. Kung hindi dahil sa misyon at sa condition ay hindi ko naman papatulan ang trabahong ito. “ID,” hingi niya. Mabilis kong ipinakita ang school id ko. May binuksan siyang makapal na notebook at agad na tumango saka ako iginiya sa  opisina ng mayabang na bakla. “Nakakapagtaka. Wala pang bachelor’s degree ang kinuha nila Ma’am Aubrey.” Biglang sabi ng babae habang sinasamahan niya ako sa elevator. “Eh?” Napatingin ang babae sa akin. Mabilis akong na conscious sa sarili nang makita ang kumikinang niyang lipstick. Hindi ko nakikita ang mukha ko sa salamin, baka namumulta ako. Bahala na nga mag re retouch na lang ako ‘pag nakarating na ako sa designated area ko. “Siguro dahil hindi ka naman magtatagal. Mga college graduate na naging sekretarya nga niya tatlong buwan lang na tumatagal sa ugali niya.” Aniya at ngumisi. “Bakit? Masahol ba ugali no’n?” “Galit sa magaganda,” ani ng babae. Napasinghap ako. Mukhang pag-iinitan ata ako. “Pero sa tingin ko naman hindi iyon magagalit sa ‘yo.” Patuloy niya. Pinapagaan ang kalooban ko para ‘di ako matakot. Parang sinabi na niya rin na hindi ako maganda ah. “Salamat ha,” sarkastiko kong sabi. “Walang anuman,” aniya pa na nakangiti. Tumunog ang elevator at lumabas na kami pareho. Iginiya niya ako sa labas ng pinto ng opisina ni Matteo Iglesias. “Ikaw na magpakilala sa sarili mo.” Aniya at nag-aalangang ngumiti.  “Hindi mo ba ako sasamahan?” tanong ko sa kanya.  Umiling naman siya, “Ah busy ako, sige bye!” aniya at mabilis na kumaripas ng takbo.  Gusto ko siyang hilahin pabalik para samahan ako. Ano ba una gagawin ko dito ngayon at iniwan ako ng bruhang iyon? Bakit? Maganda ba siya para pag-initan ng boss niya? Huminga ako nang malalim bago kumatok. Ano ngayon kung galit nga sa maganda ang magiging baklang boss ko? Kaya kong tiisin ‘yan! Para sa pangarap ko… “Noemie Viotto, your new secretary.” Pakilala ko at ngumiti nang mabuksan ko ang pintuan at lumapit sa kanya. Maaakit ko kaya to sa ngiti ko? Feeling ko talaga nagmumukha akong elephant sa ngiti ko e’. Dapat pala nag retouch na lang muna ako bago pumasok.  Ngumuso siya at pinagsalikop ang kanyang dalawang palad sa ibabaw ng mesa. Nilagay ko naman ang aking curriculum vitae ko sa tabi ng kanyang kamay niya saka ko inilahad ang palad ko. Napatingin naman siya rito, ang paraan ng paninitig niya e’ parang nagtatanong kung bakit ko gusto kong makipagshake hands sa kanya. Ibababa ko ba? Nagdadalawang isip tuloy ako.   “Hindi ako nakikipag shake hands sa mga hampaslupa.” Aniya at umikot sa kanyang swivel chair para ituon ang atensyon sa tinitimpa sa keyboard. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at umabot hanggang sahig ang baba ko sa pagkabigla sa kanyang sinabi. Laki ng topak ng lalaking to ah, kung hindi lang talaga sa condition namin ng Ate Aubrey niya ay pasukin ko ang trabaho at siya ang magiging main target ko! Two days earlier… “MY name is Aubrey Iglesias-Moore. Kapatid ako ng nakaalitan mong lalake noong isang araw sa tapat ng Iconic Records Building.” Bungad sa akin ng sexy’ng babae pagkatapos ng gig namin sa isang bar. Umupo ako sa high stool, sa tapat niya.  Nangingiting kabayo ako, ito na ba ang big break namin sa industriya ng musika? Sayang at hindi ko kasama ang mga kabanda ko, matapos ang gig ay nauna na silang umuwi. Nagpaiwan ako kasi may kasunduan kami ng babaeng ito. “Hindi ko na papatagalin pa at may anak akong naghihintay sa akin sa bahay,” aniya. Buong atensyon ko ang ibinaling sa kanya. Ready’ng ready na ako sa susunod niyang sasabihin nang bigla niyang sinabing “Akitin mo ang kapatid ko para maging tunay na lalake.” Napakunot ang noo ko. Kilala ko ang kapatid na tinutukoy niya. Iyong aroganteng bakla na munting ng makasagasa sa akin tapos imbes na mag sorry siya pa itong may ganang magyabang. Kapag nagkita kami ulit noong baka magulpi ko lang iyon tapos aakitin pa ang gusto niyang mangyari? “Scam ba ito?” tanong ko. Umiling siya at ngumiti saka niya kinuha ang ID niya upang ipakita sa akin. Iglesias lang ang alam kong last name ng Iconic Records, pero middle name na niya ito dahil nag-asawa na siya. “Bakit ko naman siya aakitin? Ano ang bilang niya sa buhay ko para akitin ko siya. Ni crush ko nga ‘di ko maakit akit e!” naiinis kong sabi. “Marami. Bibigyan kita ng opportunity. Magdedebut ang band niyo on stage under Iconic Label once nakita ko ang improvement ni Matteo.” Aniya. Hindi bakas ang biro sa kanyang boses. “At paano ko naman po ‘yon gagawin? Hindi ko naman madalas na nakikita ang brother mo?” tanong ko sa kanya. Magiging maid ako ng kuya niya? Maging babysitter? Magpapakain? Magpapaligo? Manghuhugas ng pwet?  Nakakatempt. Pangarap namin iyon e’, ang anak ng may-ari na mismo ng pangarap kong record label ang nag alok sa akin, kaso nga lang may kondisyon. E’ ano ngayon kung mayroon, Noemie? Kaya mo naman tiisin lahat makuha lang ang opportunity na matagal mo nang inaasam-asam. Hindi ba’t may ipagmamayabang mo pa ang success mo sa industriyang ito sa mga magulang mo at sa buong mundo? “Napag-alaman ko’ng hindi ka pa nakakaundergo ng OJT. Gusto mo ba sa record label? Gagawin kitang sekretarya ni Matteo.” Aniya. Aba! Interested nga sa akin ang babaeng ito. Ano ba nakita niya at ako napili niya? Unti-unti siyang ngumiti. “Kung ayaw mo madali lang akong kausap. May sasahurin ka na, malaki pa ang pag-asang mage-stage debut kayo under Iconic Labels. Baka gusto mo ring i enumerate ko ang mga attainment ng IL worldwide?” taas-kilay niyang tanong. Hindi ko naman papangarapin ang maging singer under Iconic Labels kung hindi ko kilala ang records label na ito. Marami silang artist na pinasikat at umabot hindi lamang sa Asia kung hindi pati na rin sa Europe at USA.  “Bago ang lahat, gusto ko lang itanong, bakit ako ang napili mo?” hanggang ngayon hindi maproseso sa aking isipan kung bakit ako e’ dami dami namang babaeng mas sexy at kaakit-akit d’yan! Lumapit siya at ngumiti. Ngiting may malalim na pinaplano. “Unang una sa lahat, hindi ka girlfriend material.” Aray naman, namemersonal naman siya e’. “Pangalawa, may maiooffer akong big break sa ‘yo. Sa iba pera lang e’ kaya baka hindi magtagal kay Matt. Pangatlo, nakikita kong may potential ka sa paglalabas ng totoong pagkatao ng kapatid ko.” Aniya.  “Isa lang at lagi mong tatandaan, Noemie, kung sakali mang papayag ka…” “...Hindi mo siya pwedeng mahalin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD