Chapter 1: Iconic Records

1528 Words
2018 PAMILYA Viotto. Nakabusangot ang mukha ko habang tinitingnan ang Door hanger na nakakabit sa aming pintuan. Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng aking bag at ngumisi. “Ang badoy,” sambit ko at marahas itong kinuha at tinapon sa mga alagang bulaklak ni Mama. “I’m home!” sigaw ko nang makapasok ako ng pinto. Napatingin si Mama at si Papa sa akin na kasalukuyang nagluluto ng fried chicken… negosyo iyon ni Mama pero dahil mahal ‘raw’ ni Papa si Mama, kahit abala siya trabaho ay tinutulungan niya ito. “Hindi mo naman kinuha ang sapatos mo. Ilang ulit ko bang sabihin na bago ka pumasok ng bahay ay alisin mo muna ang sapatos mo!” singhal ni Mama. Kumunot ang kanyang pekeng kilay na pinatattoo niya last week. “Kumusta ang pag-aaral, anak?” tanong ni Papa at ngumiti. Hinubad ko ang sapatos at tinapon sa labas nang hindi ito nililingon. “Okay lang, Papa. Malapit akong gumraduate.” Sabi ko at ngumiti, pero ang totoo niyan, nagpraktis kami ng mga kabanda ko para sa gaganaping gig namin sa isang bar sa Maynila.  “Sus! Sinabi mo na rin ‘yan dati e’.” Sabi ni Auntie Hellen, kapatid ni Mama, nag mamanicurista ng kanyang client s***h chismosang kapitbahay of the day. “Last two years na nga ata.” Ngumiwi siya at dismayado akong tiningnan. Napahawak ako sa hagdan at ngumisi. “Alam niyo kasi, people on earth, hindi madali ang Accountancy. Limang taon, minsan nag e extend pa nga e’. Ang pinakamatagal na estudyante doon mga fifteen years na sa kolehiyo.” Paliwanag ko. “At hindi sa nagmamayabang, ako ang may shortest years na irreg student ng Accounting course sa unibersidad namin.” Nakahalukipkip kong sabi sabay tango. Mga six years pa lang naman ako sa college. Napailing si Papa at bumalik sa kanyang pinagkakaabalahan. “Shortest… Mukha mo! Paanong hindi ka tatagal e’ hindi ka naman pumapasok. Mag-e-enroll lang para i ghosting ang prof mo.” Ani ni Mama, ganito siya kapag nagsasalita. Pagalit, akala mo may kaaway parati. “24 years old ka na, Noemie. Anong plano mo sa buhay?” seryosong tanong ni Papa. abala siya sa pagpiprito ng orders.  “E’ bakit iyong dalawang panganay mo, ate. Hindi rin naman madali ang course nila ah, bakit naka graduate sila on time?” tanong ng magaling kong auntie. Umirap ako at ngumiwi.  Ang tinutukoy niya ay aking mga kuya. Si Kuya Jouvel na chef ngayon sa cruise ship at si Kuya Angelo na doktor ngayon sa Cebu. Kitang kita ko ang pag ngiti ni Mama nang tumingin siya kay Auntie. “Syempre! Mga matatalino ang anak ko.” Aniya at sinundan ng tawa. Si Auntie Hellen ay makahulugang tumingin sa akin. “Si Noemie ba matalino rin?” nagtatanong pa e’, alam naman niya ang sagot. Maya maya ay dumaing ang kliyente niya. “Sorry! Sorry!” paulit ulit na sambit ni Auntie. “Ayan! Nangengealam kasi ng buhay e’ may sarili namang buhay na mas kailangang pagtuunan ng pansin.” Diniin ko ang huling salita. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit sa sinabi ko kaya tumakbo na lang ako paitaas para hindi niya ako maabutan kung sakaling dadalo siya sa akin. Katulad ng ginagawa niya noong bata ako, kapag naabutan niya ako ay papaluin niya ako ng walis. Sinara ko ang pinto at nilock. Sermon ang aabutin ko kapag hindi ko ito i la lock. Binuksan ko ang personal computer. Sakto naman na tumatawag ang hinayupak kong kaibigan at nagre-request ng video call. Agad ko itong sinagot habang nagbibihis ako ng pambahay. “Hoy, gaga! Bakit ka nagbibihis na nakabukas ang bintana mo?” tanong ni Beatrice. Kumakain siya ng chips habang nakatingin sa monitor niya. Bumaling ako sa bintana at saka ko tinakpan ng kurtina bago umupo sa aking mesa.  “Tara Pubg tayo,” yaya ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at halos hindi mailunok ang chip na kinakain. “Si Beatrice tong kausap mo at hindi ang mga ka banda mo.” Tugon niya. Ngumisi ako at saka ko tinaas ang isa kong paa sa upuan. Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan, hindi pala mahilig sa mga online games si Beatrice. Hilig niya ang fashion, babaeng babae. Naging kaibigan ko siya sa college pero dahil sa takot siya sa parents niya, ayon! Naunang gumraduate. “Bakit mo ba ako tinawagan?” tanong ko sa kanya habang nag ba browse sa social media upang mag upload ng litrato namin ng mga kabanda ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang may mabasang komento kung kailan kami mag ste-stage debut. “Kumusta si Logan?” tanong niya. “Kumusta ang asawa ko?” ang tinutukoy niya ang ang rhythm guitarist namin na wala namang interes sa kanya. Umirap ako at sumandal sa aking upuan. “Ayon! Hindi ka pa rin type.”  Huminga siya nang malalim at sinungitan ako. Totoo naman ang sinasabi ko e’ at isa pa normal na sa amin akin ang lahat ng ito. Kung hindi napapansin ang passion ko sa pagkanta dito sa bahay, sa labas naman ay mas kapansin pansin ang aking mga kabanda, ekis naman sila sa bokalistang babae na hindi naman kagandahan pero malakas ang loob kumanta sa harap nila. Pero hindi naman mabubuo ang EX-tasy kung wala ang boses ko at sa hilig kong magsulat ng liriko.  “Kailangan niya kaya ako kikilalanin na asawa niya?” tanong niya pa, sa malungkot na tono. Humalakhak ako at umiling na lamang. Maraming nagpapantasya kay Logan, hindi lang siya. Sa aming lahat, siya ang may pinakamaraming fans.  “Huwag mo ng asahan si Logan. Marami namang lalake diyan.” Sabi ko. “Mabuti ka pa’t nakakasama mo siya araw-araw.” Sabi niya naman sa madramang tono. Umiling ako at ngumisi. Nagsimula ito dahil sa panunukso ni Seb sa kanya kay Logan, isa ko ring kabanda na kanyang kababata. Malay ko ba na mahulog ang loob niya kay Logan.  Napahinga na lang ako nang malalim. Babae nga naman, ang dali daling mainlove pero hindi marunong mag let go ng nararamdaman. Mabuti na lang at pinanganak akong may kalahating pusong lalake. “Noemie!” tawag sa akin ni Mama. Napayukom ang aking kamay at napapikit nang mariin. Siguradong uutusan naman ako magdeliver! “Pakideliver nga ito!” sigaw ni Mama sa baba. Mukhang narinig naman ni Beatrice ang boses ni Mama kaya napahalakhak siya sa aking reaction. Ang dami naman diyan kasing food courier, ba’t hindi na lang kontakin. “Bakit ako pa! Kararating ko lang galing ng school at pagod pa ako!” singhal ko at umiling. “Wee? Galing school baka mo o practice?” tanong ni Beatrice. Kunot noo akong napatingin sa kanya at saka ko mabilis na pinatay ang video call. Siguradong aasarin ako buong araw ng babaeng iyon pag di ko pa ‘to pinatay. “Ma! Natutulog na ako!” sabay bagsak ng katawan ko sa aking kama. “Humihilik na nga ako oh!” at gumawa ng ingay na kunwari tulog na tulog.  “Tanginang batang ‘to! Ang bilis mo manghingi ng pera, pero kapag inuutusan ka tatamad tamad ka.” Aniya at feeling ko nakaabot na siya ng pintuan dahil lumalakas ang boses niya. Ang hinala ay naging tama nang kumatok siya sa pintuan. “Malapit lang naman ang pagdedeliveran mo.” Umirap ako, sinabi niya ‘yan dati pero umabot ako ng kabilang bayan kakahanap ng exact location. “Sa Iconic records!” Mabilis akong napaupo sa kama nang marinig iyon.  Iconic Records? NAPAANGAT ang mukha ko sa taas ng gusali pagbaba ko ng motor na minaneho ko. Kinuha ko ang dalawang box ng fried chicken na inorder ng isa sa mga nagtatrabaho rito. Binasa ko ang nakasulat na pangalan sa papel.  Noon pa man, pangarap ko na ang record label na ito. I mean, ng mga kabanda ko. Malawak ang sakop nila, ang mga artist na hinahandle nila ay kilala hindi lang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa. Minsan kaming nag submit ng performance video sa kanila pero wala kaming natanggap na email mula sa kanila.  Hindi ako sumuko. Alam kong kulang pa ang kaalaman namin sa musika kaya gagawa at gagawa ako ng paraan para mapansin kami ng buong mundo.  Patungo ako sa direksyon ng entrance nang marinig ang busina ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis itong tumatakbo sa direksyon ko, nang makailang pulgada ang layo ay napahiyaw ako kasabay ng pagbitaw ko ang aking kahon na dala. Napaupo ako sa sahig habang napatingin sa mga pagkaing nagkalat sa mainit na sahig. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Patay! Patay ako kay Mama nito, siguradong hindi nila pa paniwalaan ang rason ko kapag sinabi ko sa kanila ang totoo!  Nanlilisik ang mga mata kong bumaling sa sasakyan nang bumukas ang pinto nito. Nakasuot ng puting shirt at malaking pangangatawan ang una kong nasilayan. Napauwang ang labi ko at tila may dumaang anghel nang makita ang magandang mukha ng isang…. “‘Wag ka ngang haharang harang sa daan ko.” Aniya, sa baritonong boses ngunit malambot ang pagkakasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD