Chapter 9: Pantasya

1855 Words
“SA first girlfriend ko,” aniya sa kaswal na tono. Medyo nagulat ako sa binulgar niya. Ang sabi sa akin ng ate niya, babae ‘yong puso niya pero bakit nagka-girlfriend siya? Umangat ang kanyang paningin sa akin at masama akong tiningnan. “Bakit natameme ka diyan? Ano pala akala mo sa akin?” tanong niya at binaba ang menu at tiningnan ako nang mabuti.  Sumandal ako sa upuan at nahihiyang ngumiti, “Gusto mo ba maging honest ako sa ‘yo, Sir?” tanong ko sa kanya. Baka kasi ma-offend siya kapag sinabi ko ang first impression ko sa kanya. Mula sa pagbangga sa akin, sa pang-ju-judge ng kaibigan ko, pang-aaway sa mga magaganda sa opisina, at sa pagsasalit sa akin nang masama. Tumango naman siya habang nakatingin pa rin nang direkta sa aking mga mata. “Akala ko kasi, pareho tayo may pusong babae. Alam mo na, parati kang galit sa mga babae, umiirap, yung gestures mo parang ano... Alam mo na.” Kibit-balikat kong sabi.  Tumaas ang isang kilay niya at lumayo nang bahagya sa akin. “You mean, gay?” tanong niya pa. Nahihiya akong tumango at nag-aalangang ngumiti. “Kapag ba iba ang kasarian sa mga mata ng tao, ay hindi na marunong magmahal? I don’t force myself, hinahayaan ko lang ang sarili ko kung sino ang mamahalin ko.”  Aniya. Tumango naman ako sa sinabi niya. “Pero boyfriend, Sir? Nagkaroon ka na?” tanong ko sa kanya. Umiling naman siya. “s*x, Sir? Sa both gender?” tanong ko ulit.  Mas lalong nadepina ang reaksyon sa kanyang mukha. “Of course, wala pa! I have never been engaged in any s****l intercourse.” Aniya. Nagulat ako sa boses niya, wala naman siyang pakialam sa ibang kumakain. May isang matanda ba nabulununan sa narinig niya. “Hindi ako interested. You know what, Ms. Viotto. alam ko naman na hindi mo itatanong ‘yan kung hindi ganyan tingin mo sa akin.” Patuloy niya. “Ah eh,” kinamot ko ang ulo ko. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. “Ikaw ba? May experience ka na?” tanong niya. Mas lalo akong natameme, hindi ba siya nahihiya sa mga pinagsasabi niya? Ang baritonong boses niya ay sobrang lakas na halos may gamit siyang microphone. May isang waiter ang lumapit at nilapagan kami ng tubig sa harap. Agad akong nagsalin sa baso ko at uminom. Umiling naman ako. “Gusto mo i-try?” tanong niya na dahilan kaya nabulunan ako. Ang tubig na mula sa bibig ko ay dumaloy sa aking dibdib at dede.  Kumuha siya ng tissue at akala ko ibibigay niya sa akin pero laking gulat ko nang siya mismo ang nagpunas nito sa leeg ko, dahan dahan paibaba sa dibdib. Uminit ang pakiramdam ko kaya binalak kung kunin. “A-ako na, Sir!” utal kong sabi at kinuha sa ang tissue sa kamay niya pero pumaibaba pa ito hanggang tyan.  “Sexy,” he smirked. Napaiwas ako ng tingin nang uminit ang pisngi ko. “Biro lang,” Bigla niyang bawi at tumawa. “Huwag mong sabihin na horny ka sa sinabi ko? Tsk tsk...” Agad umatras ang init sa katawan ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Tumaas ang isang dulo ng labi ko at pasimpleng umirap sa kanya. Mayamaya bumalik na may dala-dalang pagkain. Nagsimula kaming kumain nang kumalam ang tyan ko.  “I’m sorry,” bigla niyang sabi.  Napaangat ang paningin ko sa kanya. “Dahil sa pagtapon ko ng pera noong nag-deliver ka ng food sa company. I was in a bad mood at that time. Wala akong gana kaya ganoon ang nangyari.” Paliwanag niya. Teka, hindi ako nananaginip, hindi ba? Nag-so-sorry siya? Sa akin! “Totoo na ba, Sir? Hindi ba ako nananaginip?” tanong ko na lang at sinampal ko pa sarili kong pisngi. Ngumisi naman siya at umiling. Napapansin ko ang pagiging masculine niya the way he says sorry, at sa pagpili ng damit naman kanina. Lahat naman siguro may bad side, at hindi problema kung ipakita niya ito kaya siya kinatatakutan. Ang akin lang hindi ko nagustuhan ang first meeting namin. Masyado siyang mayabang at mapagmataas. Nananapak ng pagkatao kapag galit. “Pero bakit ka galit sa mga babae sa opisina, Sir?”  “I don’t like them. They’re pabebe. Minsan I caught them staring at me like an underwear model. I don’t like it, and it’s creepy.” Aniya. “To be honest, I don’t like you too, but I find your innocence cute.” Aniya at tumaas ang isang kilay. “Hindi ko gets,” sabi ko na lang. “You’re like a little enemy sister to me.” Aniya at pinagpatuloy ang pagkain. Uminit ang aking pisngi at upang mabawasan ang namumuong hiya sa kalooban ko ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.  PAUWI na kami. Nakasakay ako sa sasakyan niya at nasa harapan ako nakaupo, katabi niya. Hindi niya gusto sa likod ako umupo dahil magmumukha daw siyang driver. Dahil sa haba ng traffic, nakatulog ako sa loob.  Pagmulat ng mga mata ko ay nasa tapat na kami ng kalsada kung saan mahahanap ang bahay namin. Niyugyog ako ni Sir Matt sa braso para magising nang tuluyan. “Tumutulo,” sabi niya. At tinuro ang giliran ng labi ko. “Tumutulo, punasan mo.” Patuloy niya. Napangisi naman ako at kinalas ang setbelt ko. “Halikan mo na lang ako para maalis.” Aniya at pumikit habang ngumunguso. Dinilat ko nang kaunti ang mga mata ko at napansin ko at pagkagat niya ng ibabang labi at pagtaas-baba ng kilay niya. Saka niya ako sinunggaban ng halik.  “S-sir,” utal kong sabi nang diniin niya lalo ang mukha ko sa kanya na halos lunurin ako ng malalalim niyang halik. “Noemie!” sigaw ni Mama.  “S-sir,” “Noemie! Magtatanghali na!” gulantang akong napabangon sa aking kama at napatingin kay Mama na may dala-dalang arinola na walang laman. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang pagtulo ng tubig sa aking mukha patungo sa aking damit.  “Ma?! Ba’t mo ako pinaliguan ng ihi?!” sigaw ko sa kanya at halos maiiyak na. “Mama ba kita talaga o ampon lang ako?!” tanong ko. “Ba’t naman ako mag-aampon ng walang kwenta?!” sermon niya. “Hindi ‘yan ihi pinaligo ko sa ‘yo, tubig lang yan.” Aniya. Matinis ang boses ni Mama at masakit sa tenga kapag nagsesermon. Dinaig niya pa ‘yong nagpapataya ng sugal sa sabungan. Huminga ako nang malalim, “Salamat naman. Akala ko ihi talaga.” “Huwag kang mag-alala. Fresh naman na tubig ‘yan galing sa katawan ko,” aniya at malakas na tumawa. Tinapunan ko siya ng masamang titig. “Ano ba kasi panaginip mo at nakanguso ka? Akala ko binabangungot ka e’, medyo natakot ako, kasi kwento sa akin ni Aling Nena. Iyong asawa niyang namatay nakanguso din ‘yon at hindi na nagising. Sabi ng manghuhula, nilaplap daw ng engkanto kaya gano’n.” Kwento ni Mama habang paalis ng kwarto ko. Naalala ko naman si Sir Matt na hinahalikan ako sa panaginip ko. “Ibig sabihin no’n mas gusto ng asawa niya ‘yong engkanto kesa sa kanya.” Natatawang dagdag ni Mama at bumaba na ng hagdan.  Huminga ako nang malalim at napatingin sa sarili kong basang-basa. Inamoy ko pa ito at hindi naman amoy, ihi. Sa tingin ko binibiro lang ako ni Mama.  Totoo ngang may traffic kagabi pagkauwi namin, binaba niya ako sa kanto at nakipaglabanan naman ako ng pride sa mga asong tumatahol.  Napatingin ako sa kalendaryo at sa oras. Hindi ako papasok ngayon dahil may usapan kami na Sir Matt na magkikita sa condo niya para sa aking makeup. Kinuha ko ang paper bag ng damit  at sapatos na binili niya kahapon at pumunta muna ako sa cafe kung saan niya ako susunduin. Bumili ako ng kape para painitin ang nanlalamig kong katawan. Grabe, hindi ako maka-get over sa bangungot na ‘yon. Parang engkanto nga na nagpanggap lang na si Sir Matt ang humalik sa akin. Kung hindi ako tinapunan ni Mama ng ihi edi sana pinakasalan na ako ng engkantong ‘yon. Dito na me Starbucks. FYI  Sabi ko sa text saka ito si-nend kay Sir Matt. K.  Tipid niyang reply. Napa-irap ako at tinago na lang ang phone ko sa aking bag. Mayamaya  ay umupo sa harap ko si Logan. Nanlaki ang mga mata ko sa presensya niya. “Nakita kita pumasok dito.” Seryoso niyang panimula. “Hindi mo pa pala nasasabi sa akin ang trabaho mo at napag-alaman kong anak ng may-ari ng Iconic Records ang boss mo.” Pahayag niya. Nakalimutan kong malapit lang din ang Condo ni Logan dito, kaya malaki nga ang tyansa na magkikita kami. Napangisi naman ako at napakamot ng ulo. “Huwag mong sasabihin kay Zach at Seb, sekreto lang natin ito.” Ani ko sa kanya. Hindi ko pa pala siya nalilibre ng chicken namin, medyo nakokonsensya talaga. Hindi siya tumango o nagsalita. Hinintay niya na dudugtungan ang sasabihin ko. “Ang paniniwala ng pamilya ni sir Matt sa kanya ay hindi siya ganap na lalake, kaya binigyan ako ng ate niya ng mission na gawin siyang lalake, kapalit stage debut natin under their management.” Ani ko na nakangiti. “Magagalit si Zach pag nalaman niya ‘yan.” Aniya at huminga nang malalim. “Kaya naman natin kahit hindi mo ibababa ang dignidad mo.” Sabi ni Logan at bumaba ang paningin sa kawalan. “At isa pa, paano mo naman gagawin ang mission mo? Make him fall in love with you?” mahina niyang tanong. Nag-aalangan akong sumagot pero tumango pa rin. “P-parang ganoon na nga,” Napalunok siya at natahimik. Bumaling siya sa labas at pinagmasdan ang kalsadang unti unting napupuno ng sasakyan at naglalakad na mga tao.  “Hindi ko sasabihin, huwag kang mag-alala.” Wika niya. “Siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama sa ‘yo.” I’m outside Hindi pumasok sa isipan ko ang huling sinabi ni Logan nang tumunog ang aking phone. Mabilis kong binasa ang text ni Sir Matt at saka ako tumayo. “Aalis na ako, Logan. Salamat!” paalam ko at kumaway at dali daling tinulak ang pintuan saka ako tumungo sa sasakyan. “Ahh!” sigaw ng babae sa passenger seat habang hinahalikan ng matandang lalake na malaki ang tiyan. “Sorry po! Akala ko sasakyan ng boss ko!” panghihingi ng paumanhin ko. Asar na isinara ang babae ang pinto ng sasakyan at saka sila umalis.  Napalingon lingon kung saan nakaparada ang sasakyan ni Sir Matt. Nahinto na lang ang paningin ko sa nakapadarang kawasaki Ninja sa aking giliran. Inalis ni Sir Matt ang kanyang helmet at napatingin sa akin. Kinabog ng libo-libong martilyo ang puso ko sa sobrang lakas ng dating niya. Parang nag-slow mo ang kapaligiran at nakatitig lamang ako sa isang bathala. “Sakay,” tipid niyang sabi at hinagis sa akin ang isang helmet niya na siyang nagpatigil sa aking pantasya nang tumama ito sakto sa aking mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD