Matteo’s POV
“RAPIDO, ang name ng banda. Marami silang napanalunang battle of the band sa Pilipinas. Recently, they joined X-factor Philippines and secured a spot in the final round.” Ani ni Mr. Ramirez o mas kilala ko bilang Rammy matapos naming panuorin ang video na kanyang kinuha sa naturang band.
They were singing seven years by Lukas Graham in their own style. The song suits their atmosphere—gloomy and angsty. Napa-isip ako nang mabuti. Ang kanilang kinakatanta ay masyadong madilim para sa Cheerful and elegant ng name ng Iconic Records. If they are willing to change their style, then there will be no problem. Marami din silang fans, most of them are youth kasi siguro nakakarelate sa kinakanta nila about sa paano mag-isip ang kabataan and rebellion. “What are you planning?” tanong ko sa kanya.
“Invite them like the usual routine. Malaking opportunity ito para sa kanila to get invited by one of the prominent records in the Philippines. It’s a win-win situation, since marami silang fans. Selling their albums in the market is a piece of cake.” Aniya at tumaas-baba ang kilay. Tumango naman ako at napatingin sa lalaking kumakanta sa harap. Ordinary and similar voices I heard most of the time on the radio. Hindi ideal para sa akin.
“Okay, ipakilala mo na lang sa akin kung pumayag sila.” Ani ko na lamang at inubos ang aking tequila. Ang masaya niyang mukha ay biglang nalungkot. Tumaas ang isa kong kilay sa pagtataka. “Mr. Ramirez, what’s the matter again?” kapag narinig ko na hihingi siya ng incentives sa pang-i-invite niya ng mga talents, maglalakas loob akong sisantehin siya.
“I already talk to them, pero mas binigyan nila ang chance ang kabila.” Aniya.
“So, it means you’re method is a failure.” Ani ko sa kanya at nilaro ang bote ng tequila sa aking kamay. I don’t f*****g care if no one accepts his offer. Alam ko na kung bakit. He’s pretty rude, and his method of inviting ay parang nag-iimbita sa investment scheme.
Umiling naman siya. “Since they are all boys, parang mas nakukuha ang kanilang atensyon sa babaeng agent.” Pahayag niya. Kumunot naman ang noo ko at napangisi.
“Dahil babae ang agent, they choose the local recording company that won’t help them settle at the top instead of prominent records that help millions of successful artists worldwide? That’s bullshit.” ani ko. Hindi ko yata matanggap. Halos lahat ng musikero sa bansa ay gustong magka trademark sa amin, tapos may grupong ganito mag-isip?
“Wala ba tayong ahenteng babae?” tanong niya sa akin. I don’t like female agents. They are annoying. “Sa tingin ko kasi hindi siya nangangarap nang mataas kaya ang pangalan ng company ay hindi importante sa kanila.”
“Okay, fine.” ani ko at umirap. Mukhang kailangang ma orient ng grupong iyon na what they could benefit from when the world learns about their music. Sa tingin ko masyado silang bata at walang pakialam sa pera habang ang iba ay gumagapang sa trabaho may mapakain lang sa pamilya. “Let’s talk tomorrow. I fvcking need to take a rest. Sumakit ang ulo ko sa tequila.” ani ko at tumayo na.
Pag-alis ko ng bar ay ko si Ms. Viotto ang aking nakita na naghihintay sa daan. My blood boiled after seeing her with a singer. Akala niya ba isang pucho-pucho ang company ko? Hindi niya ba alam na nag-aabang lang sa giliran ang mga taong mahilig gumawa ng issues? Mukhang kailangan ata ng babaeng ito ng isang malupit na leksyon, pero naisip ko na pwede siya maging agent. She’s not that pretty pero ang potential niyang mang-akit sa akin ang rason kung bakit ko nasabi. At isa pa, hindi ko na gustong mag-hire pa ng bago.
This girl is my gem.
Noemie’s POV
NAGHANDA ako ng kape para sa aming dalawa ni Sir Matt. Nang umupo siya sa desk niya, sa harap ko ay uminom ako ng kape.
“Pwe!” bulalas ko nang mapaso ang aking dila. Napaangat ang paningin ko kay Sir Matt na tiningnan lang ako na parang kuting sa kalye at binalik din agad ang mga mata sa kanyang mga papers sa harap niya. Hindi man lang siya concern. “Ang sakit, grabe!”
“Okay, Ms. Viotto.” Sabi niya at pinagsalikop ang kanyang mga kamay. Hindi talaga siya insensitive sa mga employees niya. Malas ko na lang at siya pa naging boss ko, hays kainis! “Alam mo bang bilang sekretarya ko ay may kailangan mong gawin ang kagustuhan ko sa ayaw mo man o sa gusto. Kapalit ng 5% na pagtaas sa sahod mo.”
“5% lang, Sir?” pagrereklamo ko.
“Kung maka reklamo ka! Bakit? May binubuhay ka bang labing pitong anak?” tanong niya at umirap. Wala akon binubuhay na anak pero ipon mayroon. Mayroon akong iniipon na malaki.
“Ano nga pala gagawin ko, Sir?” tanong ko pa. Kung tataasan niya ang sahod ko, siguro napakachallenging nito. Inilapit niya sa akin ang isang litrato. Sa litratong iyon ay may banda na may limang members. Lahat sila may mga tattoo at may piercing sa mukha. Napalunok ako, papakain niya ba ako dito? Ibebenta? “Sir, maawa ka naman sa akin. Virgin pa ako!” reklamo ko.
Bali balita sa show-business na kapalit ng katawan mo ang pera o kasikatan. Kung ganito scheme ay mas mabuti pang hindi ko na ipagpatuloy ang mission ko!”
Tumaas ang isang kilay niya sa reaction ko. “You are not going to sell your body, Ms. Viotto. You will be my very own female agent.” Aniya at ngumiti nang matamis. Mas lalong lumaki ang question mark sa ulo ko. “RAPIDO ang name ng grupo nila. Simple lang ang gagawin mo, invite them to our company pero bago ang lahat, kailangan mo ng total makeover.” Patuloy niya.
Dahil sa plano iyang pag-invite sa RAPIDO ay agad niya akong dinala sa isang fashion botique. Napasulyap ako sa sarili kong ayos. Sabi niya kasi mukha akong manang, e’ sa style ito ni Mama at sabi ng iilan na maganda raw manamit si Mama. So, may mali sa style ni Mama, hindi niya lang alam.
“Ano po gagawin natin dito, Sir?” tanong ko sa kanya. Napansin ko na sobrang mahal ng mga damit, parang isang buwan na sahod ko na ata iyon. “Bibili ba tayo ng damit ko?”
“Hindi. Ibebenta kita sa kanila.” Aniya at umirap. Ang hilig niyang umirap talaga, baka gusto niya tusukin ko iyong mata niya. “Kapag nalugi company ko, ikaw ang ibebenta ko.” Alam ko namang biro niya lang iyon, pero seryoso kasi ang mukha niya kaya may parte sa akin na natakot.
Palihim akong umirap saka niya tinapon sa akin ang damit. “Aray!” sigaw ko nang tumama ang hanger sa mukha ko. “Aray ko naman, Sir!” reklamo ko nang hinagis niya ang iba pang mga damit. Humalukipkip siya pagkatapos at nakataas pa ang noo.
Inalalayan ako ng sales lady sa fitting room. Una kong isinuot ang Dior Montaigne Bar Jacket na kulay itim at Chanel na slacks saka ako lumabas. Napansin ko ang pagpipigil ng tawa ni Sir Matt. Tinago niya sa kanyang palad ang kanyang labi habang pinagsasadahan ako ng tingin.
“Mukha kang…” hindi niya matapos-tapos ang sinabi niya.
“Sinampay,” napatingin ako sa sales lady na nagpatuloy sa sinabi niya. Umiwas naman ito ng tingin saka ako bumalik sa fitting room. Padabog kong inalis ang suot suot ko. Nag change clothes ako ng iba’t ibang formal wear pero parehong reaksyon pa rin ang ipinapakita ni Sir Matt.
“Seryoso ba ito? Bakit parang walang bumabagay sa ‘yo?” tanong niya at tumaas ang kilay. Napangiti naman ang sales lady sa kanya. Ngiting akala mo nakakapan-akit tingnan. Huh! Kung alam niya lang, pareho sila ng type ni Sir Matt.
“Wala po siyang dede,” bigla niyang sabi at tiningnan ang harapan ko. Tinakpan ko naman ng braso ang hinaharap ko at tumikhim. “Pero maganda ang hubog ng pwet niya. Sa tingin ko, Sir. Mas maganda sa kanya bodycon dresses.” Aniya at ngumiti sa akin. Kinuha niya sa hanger ang pulang dress na tinutukoy niya. Naka-V cut ang kwelyo nito at long sleeves.
“Try mo, Miss.” Aniya. Tinanggap ko at tinapunan siya ng dagger-look, kapag pinagtitripan ako ng bruhang ito makikita niya talaga hinahanap niya. Lalampasuhin ko ang mukha niya hanggang kuminang ang sahig ng botique nila.
Paglabas ko ng fitting room ay nag-iba ang reaksyon ni Sir Matt sa akin at tumango. His eyes drifted on my butt nang tumalikod ako at nahuli ko siya sa repleksyon ng salamin sa aking harapan. “Hmm, not bad. Sige, we’ll buy that one. Kung may iba pang bodycon dresses, bilhin na rin namin ang kakasya sa kanya.” Aniya. Huwag niyang sabihin na susuotin ko mga ganitong damit?!
Pagkatapos namin doon at bumili kami ng foot wear na babagay sa mga dresses na binili namin. Kapag ito kaltas sa sahod ko, goodbye Philippines na siguro. Hindi ako naglakas ng loob na magtanong at baka mabigyan ko pa siya ng ideya.
“Hindi ko alam paano mag makeup, Sir.” Ani ko nang napako ang tinitiningnan niyang makeup brand nang pumasok kami sa restaurant para magpahinga. Para kasing may balak siya bumili. Bumaling naman siya sa akin at itinaas ang kanyang kilay.
“Sino sabi na I let you do your own makeup?” tanong niya at kinuha ang menu. “I’ll do it,” wika niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
“Marunong ka, Sir?” tanong ko.
“Yes, of course!” aniya at umirap. Pumalakpak ako na mukhang baliw na binigyan ng ayuda. Manghang mangha ako sa kanya, akalain mo ‘yon. Ang laki ng katawan pero marunong mag-makeup.
“Na-try mo na bang mag-makeup ng ibang babae, Sir?” tanong ko pa.
Mga ilang segundo siyang natahimik bago tumango, pero ang tingin ay nasa menu pa rin. “Sa first girlfriend ko,” sagot niya sa kaswal na tono.