Chapter 10: Hand on a butt

1604 Words
HINIHIMAS ko ang ilong kog napuruhan ng helmet. Nilapag ni Sir Matt ang ice bag sa mesa na nasa harapan ko nang makarating kami sa Condo niya. Kinuha ko ito at nilagay sa ilong ko. “Ang hirap talaga kapag matangos ang ilong,” reklamo ko at umiling. Napangisi naman si Sir Matt at pumasok sa kanyang kwarto. Sumilip ako sa banda roon, ngunit dahil madilim hindi ko maalinag kung ano ang disenyo. Paglabas niya ay may dala dala na siyang makeup kit.  Kumuha siya ng hairpin at inipit ang bangs niyang gumugulo sa kanyang mata. Palihim akong napangisi. Iyong ang laki ng katawan pero barbie. Umupo siya sa silyang walang sandalan sa aking harapan at naghanda ng brush. “Hindi ko na ito ginagamit. Tell me if you need all of these so I can teach you how to use.” Aniya. Nagsimula siyang punasan ang mukha ko para maalis ang pulbong nilagay ko, saka niya sinunod ang parang tubig na spray pero mabango ang amoy. Napapakit ako matapos niya ako applyan ng primer and color correction, tapos sinunod niya ang foundation at concealer. “I like your skin,” puri niya. Napadilat ako upang tingnan siya. Naalala ko na ang panaginip ko na ganitong ganito din kalapit ang mukha naming dalawa bago niya laplapin ang lips ko kaya napapikit ako ulit at pinilit ang sarili na kalimutan iyon.  Sinunod niya ang eyeshadow at eyeliner. “Ngayon ko lang napansin na mukha kang pusa.” Aniya at mahinang tumawa. Hindi ko alam kung compliment iyon or dapat ba akong ma-offend. Nahanap ko na lang ang sarili ko na tumatawa kahit wala naman nakakatawa sa joke niya.  “Pwede bang kulay pink, Sir?” tanong ko nang naghahanap siya ng lipstick. Napaangat ang mukha niya sa akin at tumaas ang kilay. “Darling, hindi basta basta pinipili ang lipstick sa gusto mo lang na kulay, dapat babagay sa makeup mo at damit mo.” Sabi niya at kinuha ang pulang lipstick. “Nganga!” bulalas niya na ikinanganga ko naman. Lumapit ang mukha niya sa akin, kaya lumayo ako nang kaunti pero mas lalo lamang siyang lumapit. Hinawakan niya ang aking panga at dahan-dahang inilapit sa kanya.  Umangat ang paningin niya sa aking mga mata saka binaba ang lipstick. Hindi niya pa inaalis ang pagkakahawak sa aking mga panga kahit natapos niya ang paglalagay ng kulay sa labi ko. Saka niya binaba muli ang paningin sa labi, at hinimas gamit ang hinlalaki niya. “S-sir,” bulong ko. Dinilat ko nang husto ang mga mata ko. Ngayon hindi na ‘to panaginip! Hindi na rin ako nag-i-imagine. Inipit ko ang palad ko para makasigurong hindi ako nananaginip. Hindi talaga! Peksman! Mamatay pa si Cardo Dalisay. Tinagilid niya ang ulo niya at dahan-dahang lumapit sa akin nang… “Pizza Delivery!”  Mabilis niyang tinulak ang mukha ko hanggang mapasandal ako sa sofa. Bumukas ang pintuan at pumasok doon si Ms. Aubrey, ang ate niya. Nanlaki ang mga mata namin pareho nang makita muli ang isa’t isa. Tumikhim siya at bumaling kay Sir Matt, agad kong nakuha ang gusto niyang iparating. Dapat hindi malaman ni Sir Matt ang tungkol sa usapan namin.  “Why are you here?” pagtataray ni Sir Matt at sinundan ng tingin si Ms. Aubrey nang ilapag niya sa mesa ang tatlong boxes ng pizza.  “Sorry for the abrupt visit,” sabi niya at humarap sa kanya. “Hindi ka na kasi umuuwi ng mansyon, kaya dinalaw na lang kita dito.” Sabi niya at lumingon sa akin. “G-girlfriend mo na? I mean, girlfriend mo?” tanong niya. Nasisiyahan. “No! Nakalimutan mo na ba? Siya ang hi-nire mong sekretarya ko!” sigaw ni Sir Matt na para bang inis na inis kapatid niya. Lumapit naman si Ms. Aubrey sa akin at hinawi ang buhok ko.  “She’s pretty,” aniya at kumindat sa akin. “Ano ang pangalan mo, hija?” kunwari, ngayon lang kami nagkita. Pwede na siya pang best actress sa reaksyon niya. Maawardan nga. “Noemie Viotto,” sagot ko naman.   “Ms. Viotto, come here. Let’s eat, huwag mo pansinin mga baliw na pumapasok dito.” Sabi ni Sir Matt at hinawakan ang pulso ko. Napatingin naman ako kay Ms. Aubrey na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa amin. “Umalis ka na nga. Tatawagan ko talaga si Mama, sasabihin kong nakatakas sa mental anak niya.” “Grabe ka naman, parang hindi mo ako kapatid. Si Noemie lang ba ang yayayain mong kumain? How about me?” tanong niya. Siya nagdala ng pizza kaya dapat niyayaya siya ni Matt. ginalaw ni Sir Matt ang upuan palayo sa mesa. Akala ko doon ako umupo, napakamot na lang ako ng ulo nang siya ang umupo roon at nagsalin ng kanin sa kanyang pinggan. “Hindi kita kilala,” sabi niya. Umupo ako sa harap ni Sir Matt. Nakaharap kay Ms. Aubrey, ganito ba sila mag bonding na magkapatid? Parang nagtatakwilan. Ngumuso naman si Ms. Aubrey at lumapit sa amin. “Naparito ako para sabihin sa iyo na inatake si Papa sa sakit niya. Gusto niya na pumunta ka roon para sermonan.” Anito at tumawa. Dapat malungkot siya kasi inatake Papa niya pero sa palagay ko ikakatuwa pa nila na matigok ito. Sino bang anak na tumatawa at nagawa pang magbiro sa gitna ng kalagayan ng kanilang magulang.  Kung ako sa sitwasyon ng papa nila, ah baka si Mama pa ang magbibiro sa akin. Alam ko na sasabihin niya “wala kang kalalagyan si Impyerno, hindi ka rin VIP sa langit.” Naimagine ko ang boses niya habang sinasabi ito.  “Pupunta ako pag uuwi ka,” sabi ni Sir Matt. “Thanks sa Pizza.” Kinumpas niya ang kamay niya na parang tinataboy kapatid niya. Ngumiti ako kay Ms. Aubrey nang kumaway siya sa akin para magpaalam.  “Isama mo na rin ang future girlfriend mo.” Aniya at kumindat sa akin. Parang paglalamayan si Ms. Aubrey nang tinapunan siya ng masamang tingin ni Sir Matt. “Oh, by the way. Inside is a bunch of contracts for new talent. Please sign all of them.” Aniya at nilapag sa sofa ang envelope na naglalaman ng kontara saka siya umalis. Nagkaroon ng katahimikan nang umalis si Ms. Aubrey. Tumikhim siya at nagpatuloy sa pagkain. “Hindi po ba kayo worried?” tanong ko sa kanya, “Sa papa niyo po.” “Hindi,” sabi niya at binilisan ang pagkain. “Mag-ayos ka na at pupunta tayo sa gig nila.” Patuloy niya at tumayo na. Nararamdaman kong hiya niya. Siguro dahil sa muntik naming kissing scene. Napahinga ako nang malalim, sana kung matuloy huwag naman ‘yong laplapin ang labi ko katulad ng nangyari sa panaginip ko, ano. Sayang ‘yong lipstick, medyo mahal pa naman. NAKARATING kami beer festival kung saan imbitado ang RAPIDO mag-perform. Maraming tao, karamihan ang mga kabataan at mga lalake. Napapalingon ang iba sa akin dahil sa ayos ko. Ako naman panay ng baba ng skirt sa may bandang pwetan kasi feeling ko masisilipan ako. Pumwesto si Sir Matt sa likuran ko at hinawakan niya ang aking balikat. Napatingin ako sa kamay niya kasi nagdulot iyon ng bolta boltaheng kuryente na dumaloy sa aking katawan. Mamaya magiging Volta ako dito, lagot na. Mainit ang panahon pero malamig naman ang simoy ng hangin kaya keri lang, pero feeling ko napaka-over ng ayos at makeup ko para mag invite lang ng banda.  “I’ll wait here,” sabi ni Sir Matt at umupo sa counter. Malapit sa dressing room kung saan naghahanda ang mga artist. Tumango ako at pumasok na lamang doon. Namangha ako sa dami ng artist na nakita ko. May VIP pass ako kaya pwede akong pumasok sa dressing room at saka nasa pangalan ko ang trademark ng Iconic Records. “RAPIDO?” tanong ko sa kanilang manager. Agad napatingin sa akin ang lahat ng mga miyembro ng RAPIDO. Napalunok ako at binalot ng takot nang mapansin ang angas ng kanilang mga hitsura at ang paraan ng pagtitig nila sa akin. Pero kung ikukumpara ko sila sa aso na nakakasalamuha ko tuwing gabi, mas nakakatakot ang mga aso. “Hi! I’m Noemie Viotto from Iconic Records. It’s nice to meet all of you,” pakilala ko at inabot ang kamay ko. Napangisi naman ang isa na may piercing sa giliran ng labi at humakbang palapit sa akin. Binaba ko ang kamay ko nang hindi nila tinanggap.  “Iconic Records? Ilang agent ba ang ipapadala ng bossing mo para makuha kami?” tanong niya.  Naalala ko ang tinuro sa akin ni Sir Matt. “you have to seduce them para makuha ang loob nila.”  How can I do that if they don’t even find me attractive? Ang paraan ng pananalita niya ay parang hindi niya nagustuhan ang presensya ko. Pinaganda ba talaga ako ni Sir Matt? O ginawa lang clown sa harap nila? Naalala kong wala siyang reaksyon matapos niya akong i-makeover. Lumapit naman ang isang member. Tipong sobrang lapit na parang kahit hangin ay nahihiyang dumaan sa pagitan namin. “Babae ang pinadala nila. Mukhang alam ko na kung bakit?” sabi niya at napasinghap ako nang maramdaman ang paghawak niya sa pwet ko.  Lumayo ako nang kaunti, habang pinipigilan ko ang sarili kong manuntok ng lalake. Kailangan kong i-manage ang temper ko lalo na’t may kumpanya akong dinadala. Nagkaroon ng matinding katahimikan at napansin ko ang pagbaling nila sa aking likuran.  Napalingon din ako at nakita ko ang pagtingin ni Sir Matt sa kamay ng lalake sa pwet ko dahilan ng pagbitiw niya sa pagkakahawak sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD