Chapter 7: Makeup

1756 Words
NASA giliran ako ng daan naghihintay ng masasakyan. Iniwan ko doon si Beatrice, marunong naman ‘yon umuwi mag-isa at alam kong hindi rin ako pauuwion no’n kapag hindi pa umuuwi si Logan. May trabaho pa ako bukas ng umaga kaya hindi ako pwedeng malate. “Aaalis ka na?” napatalon ako sa gulat at napalingon sa likuran nang marinig ang boses ni Logan. Nakatago ang kanyang isang kamay sa kanyang bulsa.Tumango ako at ngumiti sa kanya. Hindi pala ako nagpapa-alam. “Ang ganda ng boses mo. Kita mo ba ‘yong mga babae kanina? Parang gusto ka pag-agawan.” Umagik-ik kong sabi. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya kasabay ng pagkamot niya ng kanyang ulo. “Hindi naman,” nahihiya niyang sabi. “Iyong kaibigan mo pala, hinahanap ka.” Patuloy niya. Alam kong kilalan niya si Beatrice at obvious naman na may gusto si Beatrice sa kanya. Alam kong alam din iyon ni Logan, pero dedma lang ang mokong. “Ipaalam mo na lang ako sa kanya. Alam mo naman ‘yon makulit, at isa pa kailangan ko pang paghandaan ang speech ko kay Mama sa kung bakit kailangan kitang ilibre.” Ani ko naman at ngumiti. Ngumisi naman si Logan at napaiwas ng tingin. “Kahit hindi mo na ako ilibre, basta samahan mo lang muna ako uminom sa loob.” Aniya. Napataas ang dalawa kong kilay sa pagtataka. “Eh?” tanong ko. I mean iinom pa siya? Balak niya bang magpakalasing? Aba! “Gusto mo bang gumapang pauwi?” Tumawa naman siya at umiling. “Kung gusto mo na umuwi. Sige ihahatid na lang kit—” “Ms. Viotto,” hindi natuloy ni Logan ang kanyang mga sinasabi nang marinig namin pareho ang boses ni Sir Matt sa likuran ni Logan. Napalingon kami pareho sa kanya. Hindi na niya kasama si Mr. Ramirez at mukhang nag-iisa na lamang siya ngayon. Napatingin siya kay Logan bago siya bumaling sa akin. “I thought you already went home. Bakit nandito ka pa?” tanong niya sa akin. “Uh, S-sir.” Bigla akong nautal. Tae! Nandito si Logan. Baka magtaka siya kung bakit kilala ko ng lalakeng ito at kung makautos e’ may-ari ng buhay ko. “Are you flirting with him?” tanong niya pa at tumaas ang isang kilay. Mabilis akong umiling. “Hindi mo ba nabasa ang librong binigay ko? It contains the rules and regulations of my company, at ang lahat ng employees under my management are not allowed to involve in a s****l relationship with a person they consider a stranger.” Paliwanag niya. Napasinghap naman ako sa aking narinig. Matapos niyang magsalita kay Logan nang masama, e’ pahihiyain niya ako sa harap ng kaibigan ko?  “Sir, hindi po siya stranger at lalong wala po kaming relationship… I mean, s****l relationship. Kaibigan ko po siya!” ani ko sa kanya. “Huh? Lahat ng naririnig kong may tinatagong relasyon ay sinasabing magkaibigan lang.” Humalukipkip siya. Sa gestures niyang iyon ay napapanghalataan na may pusong babae siya. Pinagsadahan siya ng tingin ni Logan mula ulo hanggang paa. “Sir?” tanong ni Logan sa akin. Sinasabi ko na nga ba! Hindi tanga si Logan, tahimik siya pero hindi siya tanga hindi katulad ni Seb. “Nagtatrabaho ka na?” “Uhm,” mas lalo kong kinamot ang aking ulo. Wala akong masabi! Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Kailangan kong itago sa kanila ang sekreto ko para hindi magalit sa akin si Zach, pero paano ito? Malalaman na ata ni Logan! Napatingin ako kay Sir Matt. Kung hindi sana siya lumapit sa akin nang basta basta. Kasalanan niya ‘to. “Yes, she is my secretary.” Si Sir Matt ang sumagot. Kumunot ang noo ni Logan sa pagtataka. Naglakad si Sir Matt sa sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa kinatatayuan namin at binuksan ang pinto. “Hop in,” aniya sa napakabossy na boses. Nagkatinginan kami ni Logan. “Magpapaliwanag ako sa susunod na araw. Uh, sabay na kayo ni Beatrice umuwi o uminom.” Ani ko at nahihiyang ngumiti. Ang kaninang ngiti sa kanyang labi ay napawi at dahan-dahan na lang tumango. “Mag-iingat ka,” aniya.  Halos hindi ko marinig ang boses niya sa sobrang hina. Naglakad na ako palapit kay Sir Matt habang hindi nilulubayan ng tingin si Logan na naglalakad patungo sa kabilang direksyon, at walang planong bumalik sa loob upang samahan si Beatrice.  “The best ka, Logan! Ikaw ang lalaking may pinakamagandang boses sa lahat ng narinig ko!” compliment ko sa kanya para mawala ang sama ng loob niya sa pang-iiwan ko sa kanya saka ako pumasok sa loob ng sasakyan at umikot naman si Sir Matt sa kabila. Pumasok na rin siya sa sasakyan. “Ihahatid mo ako, Sir?” tanong ko sa kanya. Aba’y! Hindi na ako tatanggi, sana pala niyaya ko na rin si Logan para wala na siyang kailangang gastusan sa pamasahe. “Pinakamagandang boses, huh.” Aniya at umirap sa akin. “Kung hindi kita nahanap. Malamang sumama ka na sa kanya and base on my judgement, hindi siya mapagkakatiwalaan.” Aniya habang nakatingin kay Logan. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan, nilampasan si Logan. Nagkaroon ako ng pagkakataon to take a glance on Logan na ngayon ay nakatingin lang din sa amin. Wala siyang sariling sasakyan at sa pagkakaalam ko ay may motor siya pero ewan kung bakit hindi niya ginamit. “Mabait si Logan. Bata pa lang kami, kilala na namin ang isa’t isa.” Sagot ko sa kanya. May ugali siyang wala siyang pinipili sa kanyang hinuhusgahan, binabase niya lang ang kanyang mga judgement sa tao base sa kanyang impression dito. Aminado akong naging hypocrite ako kasi nanghusga din ako kay Mr. Ramirez at sa kanya kanina, pero hindi magbabago ang nasa-isip ko na may hidden agenda si Mr. Ramirez sa kanya. “Kaya ka ba hindi agad umuwi kasi kakanta ang kaibigan mo? At isa pa, bakit mo sinabi iyon? Hindi mo ba alam kung anong kahihiyan ang ginawa mo?” tanong niya sa akin at sumulyap. Binalik din naman sa daan ang mga mata pagkatapos.  “Ah basta, Sir!” tugon ko na lamang. Hindi naman kami magkatulad. Mahirap mag judge ‘pag hindi ko pa napapatunayan sa kanya ang iinisip ko kay Mr. Ramirez na iyan. “And Ms. Viotto. Starting today, you are only allowed to talk to anyone unless you ask permission from me.” Order niya. Mas lalo akong nagulantang sa kanyang sinabi. “Sir?” tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala, saan naman ang rights ko bilang employee nito o kahit bilang tao na lang? “Pinoprotektahan natin ang pangalan ng kumpanya. Sa akin, sa ‘yo bilang sekretarya ko, at sa lahat ng employee ng iconic records nakakasalalay ang pangalan ng kumpanya at reputation ng artists natin. Entendies?” aniya. Buntong hininga ang aking pinakawala. Nanatili akong tahimk sa loob ng sasakyan hanggang makarating kami sa kalsada na malapit sa amin matapos kong ituro ang address ko. “Huwag mo ding bigyan ng malisya itong pagsakay mo sa akin. I did this because I want my company safe from controversy.” Aniya at umirap.  “Hinahatid mo rin ba ang ibang employees, Sir?” tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at tumaas ang isang kilay. “They know the rule. Ikaw lang ang hindi.” Aniya matapos kong lumabas ng sasakyan. Tumango naman ako at lumabas na rin. Bakit hindi niya na lang ako ihatid sa harap ng bahay namin? Nakalimutan kong may aso pa lang tumatambay dito tuwing gabi!  Napaisip naman ako sa sinabi niya habang naglalakad ako at tinatahulan ng mga aso papasok sa amin. Kung ayaw niya palang protektahan ang pangalan ng company niya dapat he stick to his own rule. Hindi dapat siya nakikipag-usap kay Mr. Ramirez nang ganoon kalapit.  KINABUKASAN ay muntik na akong ma late sa trabaho. Nakasabay ko ang empleyadong babae sa Financial department sa elevator.  “Kumusta si Sir Matt sa ‘yo?” tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako habang yakap yakap ko ang bagpack ko. “Ayos lang naman,” sagot ko sa kanya. Arogante siya, pero kumpara sa mga babaeng employees hindi naman siya malupit sa akin. “Naku! Sinasabi ko na nga ba, namimili si Sir Matt ng susungitan!” singhal niya. Napakurap-kurap naman ang aking mga mata sa pagtataka.  “Bakit?” “Iyong mga magaganda sa Finance Department parati niyang binubungangaan. Tapos malalaman namin sa iyo mabait si Sir Matt?” aniya, problemadong problemado. “Kung sabagay, maraming nagsabi na galit daw siya sa mga magaganda. Alam mo na kapag may nakikita siyang lumalamang sa beauty niya, sinusungitan niya para umalis ng kumpanya. Edi sana hindi na sila nag-hire ng magaganda.” Dagdag niya at umirap.  “Bakit? Maganda ka ba? Este sinusungitan ka din ba?” tanong ko sa kanya.  Tumango naman siya. “Oo, minsan.” Aniya.  Nanatili ang tingin ko sa kanyang makeup, kaya ba sinasadya niyang kapalan ang makeup niya para magmukhang horror mukha niya at hindi siya pagalitan? E’ sa tingin ko naman kahit hindi na siya mag-makeup, hindi siya pagagalitan e. Lumabas kami pareho sa elevator. Nanlaki ang mga mata ko nang halos sa nakasabay ko na mga taga-Finance Department ay makakapal ang makeup. Ang kapal ng makeup nila ay parang naputol na tulay sa haba at halos magkadugtong na. Iyong namumulang pisngi naman ay parang sinampal paulit ulit ng matsing.  “Totoo ba sila?” tanong ko sa sarili.  “Hindi na tayo papagalitan ni Sir Matt.” Ani ng isa at humalakhak. “Te! Para ka namang kangaroo sa suot mo.” aniya sa isang naka plain brown ang skirt at pang-itaas. “Ikaw nga mukhang gasul, nagreklamo ba ako?” pagsusungit naman ng isa. Nahinto kami sa paglalakad nang makasalubong namin si Sir Matt na kunot ang noo at naiinis habang pinagsasadahan ng tingin ang mga empleyadong naglalakad patungo sa kanilang opisina. “All of you!” sigaw niya, galit na galit habang nakatingin sa mukha nila. Umalingawngaw ang boses niya sa buong pasilyo. “Leave this building immediately!” Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang sila’y naguunahan papasok ng elevator. “Sir, kasama ba ako?” turo ko sa sarili ko. Maayos naman ang makeup ko, skirt ko lang na lampas tuhod sa haba. Overall hindi naman siguro masama. Bumaling si Sir Matt sa akin. “No, stay in my office. May pag-uusapan tayo.” Sagot niya at naunang pumasok sa opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD