Tumayo si Sir Matt at mariin akong tiningnan. Ang kanyang kausap ay nagtataka rin sa sinasabi ko.
“What are you talking about?” mataray niyang tanong. Nilagay ko sa magkabilang beywang ang kamay ko at tumingala sa kanya. Kung sana ay hindi siya pianganak na kawayan e’ di ko kailangang tumingala nang ganito. Nanlilii tuloy ako sa sarili ko.
“Umuwi na tayo!” wika ko sa kanya at hinila ko siya sa aking kamay. Nagpadala siya pero mayamaya ay napabitiw siya. Humarap naman ako sa kanya.
“Ano ba ang problema mo?” tanong niya sa akin. Nangingibabaw ang kanyang boses, baritonong baritono. Iyong tipong maskuladong ready makipagbakbakan sa wrestling.
“Sir! Ano ba ang iniisip mo? Nakikipag-usap ka sa lalaki. Kung di ako dumating baka mamaya pag nilasing ka na niyan saka ka dadalhin sa damuhan!” sigaw ko rin. Ang nakapatinis kong boses sa kabila ng maingay na musika ay nangingibabaw. “Sir, hindi ka pwedeng ma-involve sa ganito. Nakasalalay sa ‘yo ang pangalan ng mga artist mo!”
Umawang ang kanyang labi na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “Ms. Viotto, Mr. Ramirez is one of my agents.” Aniya sa mariin ngunit mahinahong boses.
“Sir?” nagmaang maangan kong tanong. Kitang kita ko ang kamay ng lalakeng iyon na gumagapang sa upuan na sinasandalan ni Sir Matt. Hindi ako pwedeng magkamali, laking bar ako at mga kaibigan ko ay halos mga lalake. Ganoon ang scheme nila sa tuwing may tipo silang chix. Samahan mo pa iyong dila niyang lumalabas na parang asong naglalaway. “Sir! Nagkakamali ka!”
Hinawakan niya ako nang mariin sa kamay at marahas na inilayo sa kanya. “Ikaw ang nagpapahiya sa akin. We’re talking about a talent he saw this afternoon. Go away, stay away from me. You’re embarrassing.” Aniya at inirapan ako saka bumalik sa kanyang kausap.
Hindi ako umalis. Nakipagsiksikan ako sa mga taong nasa dance floor upang marinig ang pinag-uusapan nilang dalawa. Kaso hindi ko talaga marinig kasi malakas ang kinakanta niya. Hindi ko talaga gusto ang awra ng lalaking iyon, parang may hidden agenda lalo na noong humihingi ng tawad si Sir Matt sa kanya sa ginawa ko.
“Nandito ka lang pala!” hinampas ako ni Beatrice nang pagkalakas lakas sa braso. Mabilis akong bumaling sa kanya saka niya tinuro ang hinahanap niya sa ikalawang palapag. “Wala siyang babaeng kasama pero ayaw niya naman ako kausap. Bahala nga siya diyan.” Patuloy niya at ngumuso.
Umiinom si Logan pero sa tingin ko hindi naman siya lasing. Nakahanap ako ng paraan para marinig ang pinag-uusapan nina Sir Matt. Sabi ko naman kay Ms. Aubrey na gagawin kong lalaki ang kapatid niya, so dapat hindi siya nakikipag usap sa lalaking kung makatingin sa kanya e’ parang may ibang binabalak.
Mabilis akong naglakad sa direksyon ni Logan at sumunod naman sa akin si Beatrice. “Ano gagawin mo?” tanong niya sa akin. Humihingi siya ng tawad sa mga nababangga ko.
Napangiti naman ako sa kanya. “Matagal ko ng hindi naririnig si Logan na kumakanta. Alam ko naman na nahihiya lang siya iparinig ang talent niya sa mga kabanda namin kaya tahimik siya always.” Ani ko sa kanya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Beatrice.” Marunong siya kumanta?!” tanong niya, hindi makapaniwala. Tumango ako. Ako lang ata nakarinig noon, noong nagpapraktis siya mag-isa sa na composed kong kanta para sa gig namin noon sa La union. “Duda ko na hindi iyon papayag. Alam mo naman introvert iyan tapos ang sungit pa.”
Nagtago si Beatrice sa aking likuran nang tumayo ako sa harapan ni Logan. Namumula ang kanyang labi pagkatapos lagukin ang isang bote ng beer. Napatingin naman si Logan at napataas ang isang kilay. Inaantok na ang kanyang mga mata pero parang keri pa naman. “Ano ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin.
Umupo ako sa upuan sa kanyang harapan. “Ang pangit ng boses ng vocalist nila. Mas maganda pa ang boses mo, sa totoo lang.” Pahayag ko at napatingin sa stage, partikular sa lalaking kumakanta na mas mahaba iyong bigote sa buhok niya. Iyong tinatapon niyang jacket niya sa mga kababaihan, ay tinatapon sa kanya pabalik sa stage.
“Bakit?” tanong niya at naglabas ng phone.
“Gusto mo bang kumanta?” tanong ko sa kanya. Umangat ang paningin niya sa akin. Napatingin siya kay Beatrice bago ibinalik sa akin ang atensyon. Kumurap ako, hindi ako kyut pero beke nemen, madale ko.
Tumayo siya na parang iiwasan ako pero mabilis kong hinawakan ang braso niya at tumayo na rin. “Please, Logan. Gusto ko lang marinig at isa pa…” Bumaling ako kaliwa’t kanan. “Wala naman dito tropa natin. Ako lang makakarinig sa ‘yo.” Ani ko at ngumiti. Alam niyang alam ko ang sekreto niyang magandang boses. Napatingin naman siya kay Beatrice.
“Hayaan mo siya, makakalimutan niya rin ito.” Pero duda ako sa sinabi ko. Kilalak o si Beatrice, hindi siya makakatulog kapag narinig niya si Logan na kumanta. Ano pa bang aasahan mo sa babaeng patay na patay sa kanya?
“Ano kapalit?” nakalimutan kong hindi nagpapalibre si Logan. Dapat may hinanda kang kapalit.
“Wala akong pera e’, pero pwede kitang ilibre ng Chicken wings sa bahay.” Ani ko at tumaas-baba ang kilay. Huminga siya nang malalim at isunuksok ang kamay sa bulsa.
“Unli?”
“O-oo! Kahit sa bahay ka pa kumain!” sagot ko naman. Patay ako kay mama nito pag nalaman niyang may nilibre na naman ako sa unli unli na ‘yan.
Hindi nagtagal ay pumayag siya. Nag request kami sa Manager ng bar at sa banda na tumutugtog. Pumayag naman sila kalaunan. Napaupo si Logan sa isang stool habang hawak hawak ang isang Acoustic Guitar. Inayos niya ang tunog nito bago nag strum.
Iniwan ko si Beatrice na nasa harapan niya at nagsisimula nang mag heart heart ang mga mata habang nakatingin kay Logan. Iniwan ko siya roon nang hindi niya namamalayan at pumusisyon sa bar counter malapit sa inuupuan ni Sir Matt at ng kausap niya.
“A new singer?” tanong ni Sir Matt. Napasilip ako sa kanya at lumalagok siya ngayon ng tequila.
“Probably,” kibit balikat na tugon naman sa kanya ni Mr. Ramirez. Nag-order ako ng tequila. Naramdaman ko agad ang init sa aking lalamunan nang lumagok ako. Napapikit ako pero agad naman akong naka recover. Hindi kasi ako weak.
Napatingin ako kay Logan nang una siyang kumanta at two seconds nagsimula siyang mag strum ng gitara. Napangiti ako nang kinanta niya ang kanyang kinompose noon.
Mga babae sa baba ng stage at panay tingin sa kanya. Sino ba naman ang hindi matutulala sa kanya? Boses pa lang niyang napapaos at baritono, mukha, at perpektong katawan; walang babaeng hindi magkakagusto sa kanya.
Napatingin siya sa akin nang kantahin niya ang ikalawang stanza. Itinaas ko naman ang aking dalawang kamay at nag thumbs up sa kanya. Saka siya napapikit habang pinagpatuloy ang kanta.
Bumaling ako kay Sir Matt na ngayon ay nakatingin sa kanya. “Good voice. Pwede nating kuning talent.” Wika ni Mr. Ramirez, dahil sa kanta ni Logan ay nagiging malinaw na sa akin ang kanilang boses.
“Kulang pa, Mr. Ramirez. I can’t let anyone in my company who can’t control his voice.” Biglang sabi ni Sir Matt at napainom ng tequila. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Tinutukoy ba nila si Logan? Obvious naman na Logan is an idol material! Hindi din masama sa tenga ang boses niya. Napakuyom ang aking palad habang nakayuko.
“A little bit of training can make him improve.” ani naman ni Mr. Ramirez. “Look at the girls over there. They are drooling over him.” Dagdag niya at umagik-ik.
“It’s natural for a handsome guy singing at the front with female audiences.” Mayabang na sabi ni Sir Matt. “Kahit hindi magaling.” At nagtawanan silang dalawa.
Napatingin ako kay Logan. I felt bad for him. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang naririnig ang pangungutya sa amin. Hindi lang kay Logan, pati kay Zach, sa akin, at sa lahat ng kabanda ko. Masakit para sa akin na ilang taon kaming nag ensayo at kulang pa rin kami sa iba, masakit dahil hindi lang sa mga katulad nina Sir Matt nanggaling ang pangungutya na siyang CEO ng dream recording company, pati na rin sa mga kaibigan o magulang namin na inaasahan kong susuporta sa amin.
Muli akong bumaling kay Logan. Nakatingin pa rin siya sa akin na para bang kanina niya pa hindi inaalis iyon. Gumuhit ang ngiti sa aking labi kahit nanginginig ito dahil gusto kong umiyak. Muli akong nag thumbs up sa kanya para bigyan siya ng lakas ng loob kung sakaling nahihiya siya.
Huling kanta niya at ginawaran din ako ng ngiti sa labi. Tinapos niya ang performance sa pag strum ng gitara. Pumalakpak ang lahat, sumisigaw naman si Beatrice pero tumakbo ako palabas ng Bar. Napansin ko ang pagsunod ng tingin ni Sir Matt sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka pero hindi ko na pinansin.