Chapter 13: I like you as a Person

2145 Words

HAWAK-hawak ko ang aking phone habang naglalakad sa kalsada kung saan nakaparada si Sir Matt. Halos dumugo ang labi ko habang kinakagat ang aking dila. Sabi nila sumpa daw iyon para hindi ka kagatin ng aso. Ewan ko kung totoo ‘yon, effective naman siguro. Hindi ako tinatahulan ng aso. Naalinag ko si Sir Matt na nakaupo sa harapan ng kanyang sasakyan habang ang dalawang kamay ay nakatago sa kanyang magkabilang bulsa. Kumaway ako para maagaw ang atensyon niya. Tumayo siya at sinalubong ako nang makalapit sa kanya. “Ang gabi niyo naman nagyaya, Sir. Himala rin na nagyaya kayo.” Ani ko at nahihiyang ngumisi. Kinamot ko rin ang batok ko kahit wala namang makati. “Sakay,” aniya sa tonong naghahamon. Mabilis kong sinunod ang kagustuhan niya hanggang sa tuluyan na kaming umalis doon sa lugar na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD