Chapter 12: Friends

2239 Words

NAPASILIP ako sa opisina ni Sir Matt. May katawag siya sa telepono pero hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Tungkol ata sa trabaho katulad ng madalas kong marinig. Lumabas ako ng opisina at pinagtimpla siya ng kape. Kumukunot naman ang kanyang noo at hinihilot ang kanyang sentido. Siguro may problema na naman siyang haharapin. Nakakatakot kapag ganyan hitsura niya, para bang gusto niyang sumabog pero pinigilan niya sarili niya at kapag hindi niya napigilan pati kaming mga lumalapit lang e’ nadadamay. “Balita ko hindi ka raw pinapagalitan ni Sir Matt?” napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng kasamahan ko sa trabaho. Nakasandal siya sa sink habang ako naman ay naglulugay ng kape. Hindi ko man lang naramdaman na may lumapit na dambuhalang nilalang sa pantry. Sobrang l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD