“SIR! Maawa ka sa akin, Sir. Papagalitan ako ni Mama ‘pag di ako umuwi sa amin!” bulalas ko habang niyugyog ang balikat niya. Sinubukan ko siyang buhatin pero pakiramdam ko mababalian ako ng spinal cord. Kung itutulak ko ang kotse patungo sa amin? Tapos sisigaw ako bote, bakal, plastic— Hindi! Noemie. Ano ba! Mag-isip ka nga ng paraan! “Sir may gwapo!” sinubukan ko siyang gisingin. Kunwari may gwapo, baka biglang dumilat ang mga mata pero wala pa rin. “Sir, May macho papa!” subok ko ulit pero wala pa rin. Tumayo ako at napameywang. Tumingala ako sa langit at baka mahanap ko sa mga bituin ang mga kasagutan. Tumikhim ako at muling lumuhod upang pantayan si Sir Matt na nakaupo sa semento. “Hello, pretty.” Wika ko, sinubukan kong gawing lalake ang boses ko. “Hello, beautiful.” Wika ko uli