Chapter 5: Bar

1779 Words
INAANTOK na talaga ako, pero itong lalaki sa harap ko hindi pa rin tapos sa ginagawa niyang trabaho. Bakit ba kailangang magpakasipag ng tao kung hindi naman nag i increase sahod nila dito. “Magkano po ang sasahurin ko sa overtime?” tanong ko sa kanya. Sulit naman kasi nagpadeliver siya ng pagkain pero mas gusto ko pa rin talaga ‘yong luto ni Papa o ni Mama sa bahay.  “500 pesos?” sagot niya. Napaawang ang labi ko at nagbilang mula uno hanggang tatlo bago ako magreklamo. Tangina naman ‘yan! Kulang pa ‘yan pamasahe ko at pagkain sa isang araw e’. “Parusa mo ito sa ginawa mong pagsingit sa amin ni Mr. Avellino kanina. Hindi ba? I told you  to learn some manners especially you’re working with me at nagtatrabaho ka sa akin.“ Paliwanag niya at umirap. “Kung hindi ko naman ginawa iyon, manginginig sa gutom si Mr. Avellino at magtatampo sa kanyang girlfriend niya.” Tugon ko naman. Napatalon ako sa gulat nang ibagsak niya sa akin ang isang libro. “Exactly my point!” aniya sa malakas na tinig. Napataas naman ang kilay ko. Exactly my point? So ibig sabihin gusto niyang manginig sa gutom si Mr. Avellino at magtampo girlfriend niya sa kanya. Marahan akong tumango, so ibig sabihin sinasadya niya iyon para masira relasyon nila at walang choice si Mr. Avellino kung hindi ang sumabay sa kanya sa pagkain.  Walang duda. Bakla nga…  “Pero sir, kung hindi ko naman ginawa iyon magugutom ka rin.” Ani ko naman sa kanya. “Gusto mo ‘yon? Mangangayat ka, mawawala ang handsomeness mo. Walang magkakagusto sa iyo.” Patuloy ko. Masama niya akong tiningnan na para bang may mali sa mga sinasabi ko. “Kaibigan ba kita? Ate? Ina? Wala ka ba talagang manners kaya ganyan ka kung magsalita sa akin?” tanong niya at nagpatuloy sa pagta-type. Napaiwas naman ako ng tingin at muntik ng makalimutan na dapat kunin ko ang loob niya o mas maganda kung i seduce ko siya. “Hindi baleng mangayat ka, tanggap naman kita.” Nakangiti kong wika. Napatingin naman siya sa akin na gamit ang nagtatakang mga mata.  “Pwede ka ng umuwi.” Baritono niyang aniya at tumayo. Hindi man lang pinansin ang mga sinabi ko. Napatayo rin ako at lumapit sa kanya.  “Talaga, sir?” tanong ko at sumunod. “Ihahatid mo ba ako, sir? Kasi madaling araw na tapos nakakatakot sa lugar namin.” Tumaas ang isa niyang kilay at dahil mas mataas siya sa akin, dumungaw siya upang tingnan ako. “Why would I do that?” tanong ni Sir Matt. Lumapit siya sa akin na siyang ikinaatras ko. May kung ano sa mga mata niya na nakakatakot. Malakas din ang tahip ng aking dibdib na para bang hinahabol ako ng kabayo. Natural na nangungusap ang kanyang mga mata. Napapikit ako at napayakap ng aking sarili. Ito na ba? Matitikman ko na ba ang halik ng isang lalaki? Akala ko ba babae ang puso niya? Bakit niya ako pinagnanasaan? “Huwag, sir! Maawa ka. Virgin pa ako no touch no glory este no experience!” ani ko sa kanya. “What?!” tanong niya. Napadilat ako ng aking mga mata at napansin ang pagkunot ng kanyang noo. He then grabbed my collar at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi ko nagustuhan ang paghapit niya ng kwelyo ko na para bang naghahamon siya ng away sa akin. Hindi niya ba alam na naging black belter ako ng taekwondo bago ako pumasok sa musika? “Stop your delusion, Ms. Viotto. Kahit anong gawin mo, hinding hindi ako magkakagusto sa iyo. I don’t like a woman who acts nice and becomes a b***h when I’m out of her sight.” Marahang sabi niya sa akin. Nakatingin lamang ako sa kanyang mga mata. He’s arrogant, hindi ko maipagkakaila iyon pero parang kung may ano sa kanyang mga mata kung bakit siya nagiging arogante. Para bang nagiging defense mechanism lamang niya ang pagiging iritable. “Hypocrite.” Pagtatapos niya at saka ako binitiwan. Tumalikod siya at naunang umalis.  Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko siya pinatulan. Mg ganitong bagay, iyong nagiging bayolente ay hindi ko pinalalampas. Imbes na magalit sa kanya, hinayaan ko lamang siya. Sinundan ko lamang ng tingin ang kanyang likuran hanggang maisara niya ang pinto. Buntong hininga ang pinakawala ko at napapikit. “May araw ka rin sa akin.” Ani ko at kinuha ang aking bag. “Noemie! Hindi ka pa ba babangon d’yan? Magtatanghali na ah!” sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko. Bigla kong naimulat ang mga mata ko at napatingin sa labas ng bintana. Mainit na ang sikat ng araw na tumatama sa aking balikat. Mabilis akong bumangon at napatingin sa orasan. “Ten o’clock AM?!” sigaw ko at mabilis na kinuha ang twalya at lumabas ng kwarto. “Ma! Bakit hindi mo ako ginising nang maaga!” pagrereklamo ko. “Aba’y ! ako pa ang sinisisi mo, mala ko bang papasok ka ngayon.” Ani naman ni Mama habang abala sila sa pagluluto ng mga orders. “E’ sabi ng auntie mo baka daw kaya ka late na umuwi kagabi dahil nagyaya mga katrabaho mo mamasyal. Ganyan naman daw kapag weekends at walang pasok kinabukasan.” Patuloy niya. Napataas ang dulo ng isa kong labi at hindi sinasadyang napatingin sa kalendaryo. Napagtanto kong wala ngang trabaho ngayong araw. Tumatango ako kay Mama habang natatawa.  “Tatanga tanga.” Sabi naman ni Mama at umirap sa akin. Kinamot ko na lamang ang aking ulo pagkatapos ay pinantakip ko sa katawan ang twalya.  Lumapit naman si Papa sa akin pagkatapos kong maligo. Binigyan niya ako ng pera na siyang ikinagulat ko. Ang isa niyang hintuturo ay itinapat niya sa kanyang labi. “Huwag kang maingay sa Mama mo.” Sabi niya. Tumango naman ako sabay tawa nang mahinhin saka niya ibinigay sa akin ang isang box na naglalaman ng mga friend chicken. “Order ng kaibigan mo, si Zach. Ikaw daw ang magdala, isama ka daw sa order.” Patuloy ni Papa.  Tumango naman ako. Minsan tinatamad ako magdeliver ng mga order pero sa dahil miss ko ang mg kabanda ko, hindi na ako nakipagtalo pa. SA isang studio kami nagkita kita. Naroon din si Beatrice, sumama sa akin at nakikipaglumpungan kay Logan. Pinatugtog ni Seb ang kanyang gitara at pagkatapos ay tinabi ito nang magyaya si Zach na kumain. “Logan, dito ka tabi na tayo.” Malanding yaya sa kanya ni Beatrice.  Hindi siya pinansin ni Logan at tumabi ito kay Adriel. Napawi ang ngiti niya sa labi at napailing na lamang ako.  “Hindi na kita nakikita lately, Noemie. Saan ka ba nagpupunta?” tanong ni Zach sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi dapat nila malaman na sa Iconic records ako nagtatrabaho. Alam nilang mahirap ang makapasok doon lalo na kung walang kakilala. Magtataka sila at baka malaman  pa ni Zach ang tungkol sa pakikipagsundo ko kay Aubrey Iglesias, knowing them, hindi nila gustong matatapakan ang pride nila. Kung gusto nilang sumikat at makapasok sa recording company, dapat sa pamamagitan ng sariling sikap at hindi dahil sa isang condition.  Pangarap ko ay pangarap din nila, pero doon ako sa madaling paraan. Hindi na baleng matapakan ang pride ko. Alam ko naman na masisiyahan sila kapag nakapasok kami mismo sa dream company namin.  “Ah, ako? Tumutulong lang kina Mama mag deliver ng fried chicken.” Sabi ko naman at nahihiyang ngumiti. Makahulugan akong tiningnan ni Logan. Sa lahat ng mga kaibigan ko siya lang ay napakatahimik pero observer. Kailangan kong mag-ingat sa mokong na ‘to. “Weee! Hindi ako naniniwala. Ikaw? Tumutulong?” tanong ni Seb at sinundan ng tawa. “Baka may chix na ‘yan, wala lang sinasabi. Pakilala mo naman kami!” umirap ako at sinubo nang buo ang boneless chicken feet. “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi katulad niyo si Noemie. Babae pa ‘yan sa akin!” pagtatanggol ni Beatrice sa akin.  Napatingin si Logan sa kanya bago nito inilipat ang paningin sa akin. “Baka nga may gusto na ‘yang lalake e’.” Patuloy niya. Bigla akong nabulunan. Kinuha ko ang bottled water ko at tumayo para uminom.  “‘Di ako naniniwala,” ani ni Seb at tumawa. Nakitawa na rin si Zach at si Adriel sa loob, habang si Beatrice ay patuloy akong pinagtatanggol sa kanila. Napatalon ako sa gulat nang makita ko si Logan na nakatayo sa giliran ko at nakamasid sa malayo. “Ano ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya na nagtataka. “Totoo ba sinasabi niya?” tanong niya sa marahang tono. “Ang alin?” tanong ko ulit sa kanya.  “Na may gusto kang ibang lalake?” tanong niya. Umiling ako at ngumisi. Wala namang reaksyon sa kanyang mukha, tinignan niya lang ako nang seryoso. “Asa!” singhal ko at sinadya kong sagain siya sa balikat. “Diyan ka na nga. Naniwala ka naman sa soulmate mo.” GABI nang  nagsiuwian kami pagkatapos ng practice namin. Sana lang sa susunod na Jam ay wala akong pasok sa trabaho at kung mayroon man ay sana payagan ako lumiban muna.  “Dito muna tayo!” biglang hila sa akin ni Beatrice papasok ng bar. Sinalubong naman kami ng malakas na tugtog at amoy ng sigarilyo sa loob.  “Ano bang ginagawa natin dito?” tanong ko sa kanya. “Papagalitan ako ni Mama kapag hindi ako umuwi agad!” sigaw ko para marinig niya. “Para namang hindi immune tenga mo sa sermon ng nanay mo.” Tugon niya. “Dito daw parati si Logan umiinom kasama mga kababata niya.” Sabi niya. Hinahanap naman namin si Logan sa buong paligid. Sa dami ba naman ng tao ay mahahanap namin iyon? “Dito ka lang,” biglang sabi ni Beatrice at nag order sa counter ng inumin. Umirap ako at pinagpatuloy ang paghahanap sa soulmate niya, pero iba ang nahagip ng mga mata ko.  Si Sir Matt ay nakaupo sa isang stool katabi ng isang hunk. Pag sinabi kong hunk, malaki pangangatawan at mas maliwanag pa sa ilaw ang ulo sa sobrang kintab. Nakangiti siya at namumula ang pisngi niya na parang lasing na lasing na. Hindi dapat siya magkagusto sa isang lalaki o magkagusto ang lalaki sa kanya! Iyan ang dapat kong pagtuonan ng pansin! Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso na siyang ikinagulat niya… Pati ng hunk. “Hinahanap ka ng anak natin. Dito lang pala kita makikita?” tanong ko sa kanya na siyang ikinakunot ng noo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD