Chapter 4: Lunchdate

1666 Words
Napatingin ako sa direksyon ni Sir Matt. Ang aga aga naririnig ko ang boses niyang sinisigawan ang isang babae. Napailing ako habang isa isa kong pinupulot ang mga papers na pinalipad niya sa ere kanina. Hindi niya raw gusto ‘yong gawa ng isang member ng marketing team, kaya niya tinapon. May basurahan naman sa gilid ng desk niya, bakit hindi niya doon itapon? Mema lang? “Wala akong pakealam! Ako ang mapapahiya at hindi ikaw!” sigaw niya. Natural na malakas ang boses niya kasi lalaki siya pero mas lalo niya pang nilalakasan. Napapansin ko ang panginginig ng mga staff. Ang babae sa kanyang harapan at umiiyak na rin habang nakayuko ang ulo. “Do you job or baka huling pagkikita na natin ito.” Lumapit ako sa kanila. Hindi naman ako takot sa kanya, mga tulad kasi niya siguro mataas ang tingin sa sarili at dahil nagtatrabaho ang babaeng pinapagalitan niya sa kanya malaya na niya itong sinisigaw sigawan. “Excuse me, sir. Malapit na po ang meeting niyo with Mr. Avellino.” Singit ko sa kanila. Sisigaw sigaw ka na lang ba d’yan o makikipag meeting ka sa kliyente mo.   Bumaling naman siya sa akin saka niya binigay sa akin ang bag niya at naunang naglakad. “Pasensya ka na, may PMS.” Bulong ko sa babaeng napagalitan. Tumango naman siya pero humagulgol pa rin. Tumakbo ako para maabutan ang masungit kong boss sa elevator. “I don’t tolerate your behavior, Ms. Viotto. You should respect me lalo na’t you’re inside my office.” Sabi ni Matt sa akin pagkasara ng pintuan. Hindi abot ng height ko ang balikat niya. Ang laki ng taong ito para pumapatol sa mga magaganda. Buti na lang hindi ako kagandahan.  “Sorry, sir!” malakas na boses kong sabi at napangiti. Sabi nila, dapat maging professional ako kahit ilang beses akong sigawan ng aking boss. Pasok sa tenga, labas sa kaliwang tenga. Kunot noo namang bumaling sa akin si Sir Matt. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya na siyang ikina-roll ng eyes niya. Sungit talaga! NAKAHALUKIPKIP siya, ang kanyang paa ay naka-de-kwatro habang naghihintay kay Mr. Avellino sa isang mamahaling restaurant. Ako naman ay nakaupo lamang sa kanyang tabi, nagkaroon ako ng oras para pagsadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Maganda ang kanyang pangangatawan, para siyang modelo ng brief at sabon dahil sa flawless niyang skin. Matangos din ang ilong pati ang lips ay napakagandang kurba. Hindi naman siya tipong feminine kung manamit, nakasuot siya ng white shirt na nakatupi hanggang siko ang dalawang sleeves. Walang duda kung bakit pinagtitinginan siya ng mga babae sa kabilang mesa. Siguro noong nagpaulan ng kagandahan ang diyos, rainbow na lang naabutan ko. Hindi ko alam kung bakit may pinanganak na perpekto, habang ako ay pinanganak lang. Hindi na nga matangkad, wala pang dede. “Tapos ka ba sa pangju judge mo sa akin sa isipan mo?” bigla niyang tanong. Napalunok ako at napaiwas ng tingin nang bumaling siya akin. Nakasuot siya ng sun glass kaya hindi ko makita ang buong pagmumukha niya. “Ano napansin mo? Mas maganda ba ako sa iyo?” tanong niya pa. Yabang! Noong nagpaulan din siguro ng kayabangan nasalo niya lahat. Dahil ayaw kong masesante at inaalala ko ang misyon ko sa kanya, binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Ngiting kahit panty ni Lola mahuhulog sa sampayan niya. “Singtamis ng wine, singtatag ng sunshine.” Sagot ko naman. Kumunot ang noo niya ay binaba nang kaunti ang kanyang eyeglass. “Labas ka ba sa mental?” tanong niya.  “Bakit?” tanong ko sa kanya. Paano ba kasi lumandi? Hindi naman ako na train kung paano gawin iyon. Ah, bahala na nga si Darna dito. “Mukha ba akong baliw na baliw sa iyo?” tanong ko pa sabay wink ng aking mga mata. Lumayo siya nang kaunti sa akin. “Ms. Viotto seems you forgot to take your maintenance medicine this morning.” Aniya at bumaling na lang sa labas. “Para kang siraulo sa paningin ko and it’s not impressive.” Sabi niya. Ang sabi niya kanina. Respect him during the office hours. Wala naman ako sa opisina niya, hindi ba? Pwede akong magsalita ng informal sa kanya. “Sir, ikaw dapat ang mag take ng maintenance medicine.” Mahinahon kong sabi. Mabilis siyang bumaling sa akin at masama akong tiningnan. Itinaas ko naman ang dalawa kong kamay na parang sumusuko sa pulisya at ngumiti. “Don’t get me wrong, sir. Ang ibig kong sabihin, mas maganda po kapag hindi kayo galit parati.” Ani ko. Like this morning, alam niya bang nakakasira siya ng morning? Kung ako walang misyon, nako kanina ko pa siya nasipa sa ‘egg’ niya. “Anong koneksyon sa maintenance medicine?” tanong niya ulit. “Trip ko lang sir.” Kibit balikat kong tugon. Huminga siya nang malalim at napailing. “Sino sabi sa iyo na pagsabihan ako? Are you my mom?” tanong niya sa akin kasabay ng pagtaas ng isa niyang kilay.  “Bakit, sir? Magkamukha ba tayo? O kami ng mommy niyo ?” tanong ko ulit. Napayuko siya na parang sumusuko na nang inangat niya ang paningin niya sa akin, nanlilisik ito at nanggigigil na parang kakainin niya ako ng buhay! Teka, wait. Kailangan ko munang maligo. “Better watch your mouth, Ms. Viotto. Palalagpasin ko ang pagkakataon na ito na pagsalitaan mo ako ng ganyan huh!” aniya. Medyo umangat ang boses niya dahilan ng paglingon sa kanya ng mga ibang customers. Nang napansin niya iyon ay inayos niya ang pag-upo niya at tumikhim.  Dumating si Mr. Avellino ilang sandali. Nag shake hands sila at nag iba ang awra ni Sir Matt habang kaharap siya. Ako naman ay nasa giliran lamang niya at sinulat ang details na kanilang pinag-uusapan. Mas lalo akong na-e-eganyo sa trabaho ko dahil tungkol sa musika ang kumpanyang ito at marami akong natututunan sa mga artist na nagkakaroon ng appointment kay Sir Matt. Doon ko nalaman na si Mr. Avellino ay isang manager ng banda na sumikat kamakailan dahil sa pagsali sa battle of the band.  MAGTATANGHALI na pero hindi pa sila natatapos sa pina-uusapan nila. Nagugutom na rin ako at ang lunchbox ko ay nasa opisina. Hindi naman pwedeng hintayin ko sila dito, hindi ko naman pwedeng gutumin ang sarili ko para lang sa trabaho ako. Lumapit ako kay Sir Matt kaya nakuha ko ang atensyon nilang dalawa. “Sir, hindi pa ba kayo kakain?” tanong ko sa kanya at ngumiti. Kanina pa ang inorder nilang kape at sigurado akong malamig na iyon. “Magtu-twelve na po.” Napatingin naman si Sir Avellino sa kanyang wrist watch at bumaling kay Sir Matt. “Napasarap ata ang kwentuhan natin.” Wika nito. No wonder kung bakit hindi na bo bored si Sir Matt sa kanya, sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa boses niyang parang bagong gising? Hindi naman kasing gwapo ni Sir Matt, pero pwede na. Kung sa ulam pa, pwede ng walang sahog. Napangisi ako sa aking naisip. Kinuha ni Sir Matt ang menu at inilapag ito tapat ni Sir Avellino. Ngumiti naman si Sir Avellino sa kanya at sa akin. “No, thank you. I’ll be eating with my girlfriend.” Napawi ang ngiti ni Sir Matt. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. “But, we’re not done with our meeting yet.” Ani ni Sir Matt. “We are already done actually. Natapos na natin pag-usapan ang tungkol sa kontrata.” Nakangiting sabi ni Mr. Avellino POLITELY. Sa huli ay napatango na lang si Sir Matt at saka sila nagpaalam sa isa’t isa. Tumayo si Sir Matt kaya nagtaka ako. “Sir, hindi ba tayo kakain dito?” tanong ko sa kanya pero dapat syempre, libre nya. Bumaling siya sa akin wearing his usual emotionless at parating galit na ekpresyon. Kinuha niya ang menu at ibinigay sa akin na tinanggap ko naman. “Kumain ka nang mag-isa mo.” Aniya at naunang umalis. Binuksan ko ang menu at napa dilat nang husto ang mga mata nang makita ang presyo ng steak. “Black Onyx Angus, Two Thousand Four Hundred Fifty pesos?!” sigaw ko at binitiwan ang menu saka sumunod sa aking boss. “Busog pa pala ako, Sir.” Nahihiya kong sabi. SUMAPIT ang gabi. Humikab ako pagkatapos kong ikawit ang aking sling ng aking bag sa aking balikat. Antok na antok ako, ginawa ko lang naman buong araw ay mag photocopy at mag timpla ng kape niya. “Ms. Viotto!” napatalon ako sa gulat nang tawagin ni Sir Matt ang aking pangalan mula sa opisina niya. Tatlong hakbang ang ginawa ko saka ako sumandal sa pinto habang nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. “Sino sabing pwede ka na umuwi?” tanong niya sa akin. Nawala ang antok ko at napatuwid ng tayo. “Po? Mag-aalas sais na eh!” gusto kong magmaktol. Gusto ko ng magpahinga, nag text na nga ako kay Zach na hindi ako makakasama sa practice eh.  “One of my rules, Ms. Viotto. Na kapag nandito pa ako ay hindi ka pwedeng umuwi.” Aniya. Aba! Against iyan sa human rights ah! “Paano kung bukas ka pa uuwi, bukas din ako uuwi?” tanong ko sa kanya. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at tumango. “Aba!—” “Black coffee, please?” utos niya ulit. Nakakawalong kape na ata siya ngayong araw. Bumalik ako sa aking mesa at nagmaktol papasok. Iniisip ko na lang na para sa pangarap ko ito kaya kailangan kong sipagan at magtiis. Ginulo ko ang aking buhok sa inis, ngunit natigilan ako nang marinig ang boses niya mula sa likod. “Let’s spend the night together.” Aniya at itinaas ang mga dokumento. Iba ang dating sa akin sa mga sinabi niya o sadyang pinanganak akong greend minded. Umiling ako at nilagpasan siya.  “Okay, sir. Magpakapagod tayo.” Sagot ko nang wala sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD