Chapter 15: Idol

2170 Words

MABILIS akong tumayo nang marinig ang tilaok ng manok ng kapitbahay namin. Hindi pwedeng malaman ni Mama na sa labas ako ng bahay natulog magdamag, hindi niya pwedeng malaman na hindi ako nakapasok ng pintuan. Agad kong kinuha ang walis at nagkunwaring nagwawalis nang marinig ang boses ni Mama sa loob ng bahay. Pinatay na ang ilaw sa labas ng gate, ibig sabihin gising na silang lahat sa loob. “Noem—” natigilan sa pagsigaw si Mama, siguro para gisingin ako nang makita niya akong nagwawalis pagkatapos buksan ang pintuan. “Oh? Ang aga mo ata?!” tanong niya sa akin. Ngumisi ako at pumameywang sa harap niya. “Luisita! Kaka-cellphone mo ‘yan kaya ka inumaga ng gising?!” tanong ko sa kanya, ginaya ko ang boses niya tuwing umaga. “Aba’y ang taas na ng sikat ng araw at hindi pa kayo nagwawalis di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD