Chapter Five : this might be a little awkward

1945 Words
Nakatingala ako ngayon sa kisame ng kwarto ko. Iniisip ang mga sinabi ni North kanina. Buong buhay ko nga naman sinunod ang lahat ng bagay na plinano sa akin ng Dad ko. Bawat pag-galaw ko dapat naka-ayon sa gusto nya. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng sarili kong desisyon, ni hindi ko nga alam paano magdesisyon ng para sa sarili ko naman. Hindi ako natuto paano maging ako sa sarili ko. Pumikit ako, huminga ng malalim at inimagine ang sarili ko kung sakaling pagsulat nga ang kunin ko sa college. Nakaramdam ako ng saya, ng excitement na kaninang hinahanap ni North sa mga mata ko. Yung gusto kong maramdaman talaga, yung contentment, yung hindi ako nakakaramdam na obligasyon ko 'to, at yung ako yung may hawak sa sarili kong buhay. Napangiti pa ako habang nai-imagine ang sarili kong totoong nakangiti habang naglalakad ako sa campus nilalanghap ang simoy ng hangin, at mas lalo pang lumaki ang ngiti ko nang maimagine ko ring excited akong papalapit sa isang puno doon kung saan nakangiting naghihintay sa akin si North. Iminulat ko ang aking mga mata. Naalala ko yung mga halik niya kanina... ngayon ko lang naramdaman itong nararamdaman ko ngayon. Hinawakan ko ang aking labi at para bang dumikit na sa memorya ng labi ko ang bawat lapat ng labi ni North. Ipinikit kong muli ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni North habang hinalikan niya ako kanina. Matagal ko nang gusto si North… matagal ko na siyang tinitingnan sa malayo. Matagal ko nang pinapangarap na kausapin niya ako o kahit tingnan man lang niya ako, yung tingin na kagaya ng mga tingin niya sa akin kanina. Matagal ko na rin siyang gustong kausapin pero, hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kanya. But tonight felt like the night I won the lottery. I wasn't expecting this night to come. Ang akala ko matatapos na lang ako at lahat sa high school ay hindi ko parin siya nakaka-usap nang kagaya kanina. It's not like I’m avoiding him or anything. It's only… that I find it hard to talk to him because I like him so much, fearing I may freeze again or baka himatayin pa nga ako and also I thought, he's usually with someone, so I don't really have a chance or anything to say to him, so I didn't really talk to him before, but tonight I feel like a whole new person to have the confidence to talk to him, kaya sobra akong naging masaya ngayong gabi. – "Did you have fun last night?" Hillary asked as she poured hot water into my mug. Nginitian ko siya, "Yeah. I did." A lot of fun actually, I will never forget that night. "You should have gone to the dance last night rather than driving and swimming in the ocean late at night," my father commented as he sipped his coffee. "Ronan." saway ni Hillary kay Dad. "What? I just thought she should hang out with her friends more—" "I don't have friends, Dad." putol ko sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. "Exactly, how can you win an election if you don't have any friends and don't want to have at least one." Bumuntong hininga ako, "I don't actually want to be a mayor, Dad." Naramdaman ko ang matalas niyang tingin sa akin at ang nag-aalala na tingin ni Hillary. "What did you say, Rosheen? Did I hear you correctly?" he asks, his voice is calm but frightening. Tiningnan ko siya ng diretso. "I want to take a creative writing course." diretso sa mga mata niyang sabi ko. "What?!" tumaas na ang boses niya. "I don't want to take PolSci because I don't want to be a Mayor. That would not make me happy." He scoffed, "Happy?! Are you hearing yourself right now Rosheen?" "Yes, Dad, I'm not even a boy, so if I married someone, my name would change and I'd no longer be a Blair." "We discussed this years ago, and I suggest that you don’t change your surname once you marry; it's no longer a problem." he said. "Please, Dad, let me live my life the way I want." ramdam ko na ang mga luha kong nagbabadyang tumulo. "Rosheen, this has to stop right now. I'm going to Canada this summer and I don't want to hear this nonsense again when I get back. You're taking PolSci whether you like it or not." he commanded. Hindi na niya ako hinayaang magsalita ulit at umalis na siya sa hapag-kainan kahit hindi pa niya natatapos ang kinakain. Kahit kailan ay hindi pa nangialam si Hillary sa aming dalawa ni Dad, at never siyang nag-suggest kung paano ako palalakihin ng Dad ko. Siguro alam niya ring hindi niya iyon pwedeng panghimasukan. But she's always on my side. "Do whatever makes you happy, Rosheen." nakangiti niyang advise sa akin. Nginitian ko siya at tumayo siya para yakapin ako. "Thanks, Hillary." - Dad and I never spoke until he left for Canada. He'll go for some seminars there. I'm not sure what those are, but I'm sure it's still related to politics. Hindi man lang nga siya nagpaalam o kahit tapunan lang ako ng tingin nung umalis siya. Para sa kanya dapat malinaw na sa akin na tapos na ang usapang iyon at wala na kaming dapat pag-usapan pa about that kapag bumalik siyang muli. Hillary didn't go with him because she said she would spend the entire summer in her hometown. She goes there every summer, most of the time she's with Dad, but if Dad needs to be here hindi siya nakakasama kay Hillary. Mga tatlong beses pa lang ata ako nakakapunta sa hometown ni Hillary at masasabi kong sobrang sarap tumira doon kaya siguro gusto rin ni Hillary na bumalik-balik every summer. Her parents passed away the same as Dads but some of her Aunts are still there kaya yun ang inuuwian niya. Minsan naman nasa mga lolo at lola ko sa part ni Mama ako nagi-stay kapag summer pero madalas nandito lang din ako sa Autumn Island naglalagi dahil palagi naman akong pinagsu-summer class ni Dad, and not about the lesson for next school year but about politics, buti nga at pinagpahinga niya ako ngayong taon at hinayaan niya akong gawin ang gusto ko. Siguro naubos na din yung ituturo sakin about sa politics. Taon-taon ba naman. Pwede na ngang ako na ang magdesisyon para kay Dad sa dami ng alam ko sa pulitika. - I spend most of my summer days reading the books I bought before vacation started. Ito lang ang plano ko buong bakasyon. Ang magbasa ng magbasa. My Dad's right. I don't really have friends. Or maybe I do, pero pili lang, but others just aren’t true to me. They're only friends with me because their parents tell them to, because they either work for my Dad or compete with him. Kaya ngayong wala si Dad at wala naman kami sa school hindi namin kailangan mag-kunwari sa isa't-isa. I'd rather have my feet rooted here at home than spend time with them and I'm sure they feel the same way too. Kukuha sana ako sa kusina ng merienda habang hawak ang librong plano kong basahin habang nakahiga sa duyan namin na nasa garden, kasi hindi na masyadong mainit ang araw at mahangin kaya tamang-tama iyong spot to read, nang may marinig akong umiiyak. “Anak pasensya ka na, hindi talaga ako pwedeng umuwi ngayon dahil mag-isa lang si Rosheen dito sa bahay.” pakiusap ni Manang Rosalin sa anak niya na kausap niya ngayon sa telepono. “Paano naman ako? Mag-isa rin naman ako dito ah, hindi ka ba nag-aalala para sa akin?” malakas ang boses ng anak niya sa kabilang linya kaya rinig na rinig ko. “Nandyan naman ang mga tiya mo, hindi ka mag-isa diyan, Anak. Intindihin mo naman si Nanay.” “Intindin? Hanggang kailan kita kailangan intindihin, Nay? Kailangan kita ngayon. Hindi ba pwedeng ako muna ang unahin mo bago si Rosheen? Ako ang anak mo, hindi siya.” “Wilma—” “Kung hindi ka uuwi bukas, mas mabuti pa sigurong wag ka na lang magpakita sa akin kahit kailan!” Nalaglag ang kamay ni Manang Rosalin ng putulin ni Wilma ang linya. Dalawang taon lang ang tanda ko kay Wilma at isang beses ko pa lang siya nakikita ng imbitahan sila ni Dad na dito kumain ng noche buena nung nakaraang taon. I'm always aware that she despises me. She despise me dahil pakiramdam niya ay inaagaw ko si Manang Rosalin sa kanya. Manang Rosalin has always been by my side since my mom passed. Parang siya ang mas tumayong second mom ko kaysa kay Hillary kasi asikaso niya ako mula sa pinakamaliliit na bagay hanggang sa pinakamalalaki. Mas nakakapagsabi ako sa kanya ng mga nasa saloobin ko at nabibigyan niya ako ng advice na galing sa isang ina. Kaya naman gusto ko maranasan din ni Wilma ang nararanasan ko, and she deserves that kasi siya naman talaga ang dapat inaalagaan at minamahal ng nanay niya. After dinner, I plan to talk to Manang Rosalin about her going home. - "Manang Rosalin. Kung gusto mo umuwi ka muna sa inyo. I can take care of myself here." I said after she cleaned up everything in the kitchen and I was just sitting here at the counter watching her do it. Tiningnan niya ako, nagtataka siguro siya sa biglaan kong sinabi, "Rosheen, hindi pwede." natatawa pero nahihiya pa niyang sabi. But I know deep inside her she really wants to go home. "Alam ko. Hindi naman natin ipapa-alam kay Dad, and besides malapit lang naman ang bahay niyo. I'll just call you if I need something." nakangiti kong suggestion sa kanya. "Hindi pa rin pwede.” umiwas siya ng tingin pero halatang pinag-iisipan na rin ang sinabi ko. "Okay, ganito na lang. Pumunta ka na lang dito every night or every other night. Para naman makasama mo si Wilma ngayong bakasyon. Bakasyon din niya ngayon, diba?" napapa-isip na siya lalo sa mga sinasabi ko. Alam ko naaalala niya ang pinag-usapan nila kanina. "Wala ka naman pati kailangan linisin dito everyday. Maiinip ka lang." patuloy kong pangungumbinsi sa kanya. Ngumiti lang siya pero hindi pa rin pumayag si Manang Rosalin sa isinuggest ko kaya naman hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. My offer still okay kung sakaling magbago ang isip niya. Ayoko na siyang pilitin pa, kasi gusto ko siya ang magdesisyon ng kusa. - I'm lying now on my bed with my feet on the headboard. Looking through every page of the book I just finished reading. It's really good. I can literally relate to the characters. Well, kagaya nga ng mga kanta kahit hindi naman tungkol sayo pakiramdam mo ay isinulat ang bawat lyrics nun para sayo, just like in books. Kahit magkaibang-magkaiba naman kayo nung protagonist sa kwento ay inirerelate mo pa ring maigi ang sarili mo sa sitwasyon niya. I suddenly thought of North. North and I last spoke two days ago, and I haven't heard or received anything from him. I'd be lying to myself if I said I wasn't expecting a call from him. Siguro nga hanggang dun na lang yun. I'm the only one thinking that he had fun talking to me until midnight and has plans on asking me to hang-out again. He asked for my telephone number kaya nag-expect ako. But, it's been two days. I remember how cute he was when he asked for my number. - "Uh, this might be a little awkward, but... can I get your telephone number?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD