Chapter Four : unspoken agreement

1946 Words
Kinuha niya ang towel sa bag niya at nilagay iyon sa buhangin. "Dito ka umupo mamaya kung sakaling tapos ka na lumangoy, para hindi dumikit sa balat mo yung buhangin." sabi niya habang iniaayos yung towel na inilapag niya, hinangin kasi ito ng kaunti. Wala sa sarili akong napa-ngiti sa sinabi niya. After niyang mai-ayos yun ay tumayo siya ng tuwid at umunat. Huminga din siya ng malalim at kasabay nang pagbaba niya ng mga kamay ay ang pag-exhale niya. Nilingon niya ako at nginitian, "Tara! Langoy na tayo!" napapitlag ako ng hininga nang hubarin nya mismo sa harapan ko ang suot nyang sleeveless shirt. Again, for the third time this night, this is the first time na makita ko ang katawan niya nang ganito kalapit, though nakita ko na ito noon sa PE class nila nung nagpalit siya ng t-shirt na nakapagpa tulala noon sa akin... iba pa rin talaga kapag malapitan, parang hindi ako makahinga. "Halika na!" nakangiting anyaya niya atsaka siya nanakbo papunta sa tubig. I took a glance at what I was wearing. Tatanggalin ko ba ang sando ko? That would be really awkward. Lulublob na lang ako ng ganito. Nanakbo na rin ako papunta sa tubig at nang dumampi na sa mga paa ko ang tubig ng dagat ay napasigaw ako dahil sa lamig. Narinig ko ang malakas na tawa ni North. "It’s so cold!" sigaw ko at tiningnan ko siya na tuloy lang sa pagtawa and then I’ve noticed something, because of the water on his stomach and the moonlight, I could see the sheen of his nude body. "Halika na rito, hindi ka na lalamigin kapag nabasa ka na ng tuluyan." natatawa niyang sabi. Pinilit ko ang sarili ko na tuluyan nang ilublob ang katawan sa tubig. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng tubig kaya ako nanginginig o sa pagtitig niya sa akin ngayon? Yakap ko ang sarili ko habang naglalakad ako papalapit sa kanya. "Halika dito..." Nakalahad ang dalawa niyang palad para dun ako humawak dahil medyo maalon, pero napapansin kong pa-atras siya ng pa-atras. Marunong naman akong lumangoy pero syempre ang lamig ng tubig hindi ako makapag-concentrate. "Huy, umaatras ka naman eh." angal ko. Natawa siyang muli. "Hindi na… hindi na… halika na…" Aabutin ko na sana ang dalawa niyang kamay nang humampas sa akin ang alon kaya na-out balance ako ng bahagya dahil nga nakayakap ako sa sarili ko. Naramdaman ko ang mainit na mga palad ni North sa magkabilang braso ko at tinulungan niya akong bumalik sa balanse. Sunod kong naramdaman ang mainit naman niyang kamay ng marahan niyang hinawi ang buhok ko na nakatakip sa mga mata ko kaya hindi ako makamulat. Our gazes met when I opened my eyes. Kitang-kita ko ang kinang sa gilid ng mga mata niya dahil natatamaan iyon ng liwanag na nagmumula sa buwan at ng apoy na ginawa niya kanina. His hair is damp, but water from his chest and left shoulder is trickling back into the ocean. Kita ko na pagkatapos halos tumagos ang titig niya sa dalawang mata ko, ay bumaba ang tingin niya sa labi ko, na lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko. After that, his eye was shifted to my right shoulder, kaya naman kagaya ng ginawa niya kanina, mula sa pagtitig ko sa mga mata niya, my gaze was drawn to his crimson lips. It looks smooth and inviting, and I've no doubt that if I touch it, my thoughts would be confirmed. His upper lip is narrow, but not too thin and his bottom lip is thick. That kind of lips, na alam kong hindi lang ako... but everyone wishes to kiss. Gumalaw ang kamay niyang nakahawak sa kaliwang braso ko at para akong aatakihin sa puso nang maramdaman ko ang malambot at mainit niyang daliri na ini-angat ang strap ng tank top ko. His gaze shifts lower, focusing on my chest. Ngayon ko lang narealize na black pala ang suot kong bra at dahil nabasa na ang puti kong pang-ibabaw ay para itong naging see-through at kitang-kita na niya ang bra ko. Napatingin muli ako sa labi niya, hindi ko mapigilan... he returned his gaze, and I returned mine, but I knew he had caught me staring, and there's an unspoken agreement that we both stare into each other's lips. That agreement continued as he drew closer to me while still looking at my lips. I'm not sure why I can't take my eyes off his lips. I should stop. Should I stop? Pero bago pa ako tuluyang makapag-isip ay naramdaman ko na ang pagdampi ng labi ni North sa labi ko at tama nga ako... it's sweet and soft. Like an addictive bubblegum. His kisses are gentle and hot at the same time. Kung kanina ay lamig na lamig ako, ngayon sobrang init na ang nararamdaman ko, para bang nabuhayan ang buong sistema ko at lalo pa akong nakakaramdam ng init nang ilagay niya ang kaliwang kamay sa likuran ko at ang isang kamay naman ay nasa pisngi ko. Ramdam ko ang init na nagmumula sa palad niya, I started losing strength on my knees and giving all of my energy by kissing him. Sobrang init ng mga halik ni North pati na rin ang singaw ng mabangong katawan niya, para akong nakakaramdam ng kuryente na galing sa kanya at napapasa sa katawan ko dahil sa palad niyang nakadikit sa likod at pisngi ko. This was the first time I had been kissed, and it was much better than I had hoped. Ngayon, ramdam ko na ang pareho niyang mga palad sa pisngi ko habang hinahalikan ako ng mas mariin kaysa kanina, I can hear his breath whistling. I can taste something sweet within his mouth and feel his soft lips on mine. I'm so entranced with his kisses that... I don't want him to stop. I can kiss him all night if he wants. That’s something I’m capable of. I'll do anything for North. We both catch our breaths as he finishes his passionate kisses on my lips. Our faces are still so close, and the tip of his nose is still pressing against the bottom of my lip. Ang dalawang palad niyang nasa mga pisngi ko ay nanatiling mainit. Hinanap ko ang mga mata niya at nakita kong titig na titig pa rin siya sa labi ko na para bang gusto pa niyang muli iyon siilin ng halik pero pinigilan niya ang kanyang sarili. I can feel his warm, deep breaths on my chin hanggang sa leeg ko. The warmth of his palms on my cheek faded nang alisin niya iyon at ibinalik niyang muli sa mga braso ko. "Umm... lumalamig na... baka… magkasakit na tayo," those whispered words are like music to my ears. Naintindihan ko naman agad ang ibig niyang sabihin kaya sumang-ayon ako sa kanya at nauna ako ng bahagya pabalik sa pampang. Naramdaman ko na naman ang lamig kaya binalot ko agad ang katawan ko gamit ang towel na binili ko kanina at naupo na ako doon sa hinanda niyang uupuan namin pagkatapos naming lumangoy. I trembled from the cold. Tumabi siyang nakatingin sa akin, "Okay ka na ba diyan? We can share here in my towel, malaki naman ito..." he said, opening his left arm and offering it to me. When I reached him, he placed his arms around me and wrapped me in his towel, his warm body also warmed me. We sat there for a minute to get warmed up. "You already have plans for college, right?" tanong niya at binuksan ang beer gamit ang isa pang beer. He didn't even need a bottle opener for that. Nilingon ko siyang nakatingin na sa akin. Tumango ako bilang sagot. "Saan? Tyaka anong degree ang kukunin mo?" tanong niyang muli. "Uh... I'd like to study at Quinns, I'm doing PolSci." umiwas ako ng tingin pagkatapos kong sumagot. "Is it truly what you want?" Nilingon ko siyang muli dahil sa tanong niya. "Oh, sorry. I didn't want to intrude... siguro kasi, napansin ko lang nung umiwas ka ng tingin, and you don't seem excited sa kukunin mong kurso." "I don't actually have anything in mind so..." tumungo ako. Tumango-tango lang siya at parang nahiya sa mga itinanong sa akin. "Are you interested in anything?" tanong niya ulit. Napaisip ako. Ano nga ba talagang gusto ko? Siguro kaya wala akong maisip kasi simula ipinanganak ako naka-plano nang lahat sa buhay ko. Everything is in its proper place. I don't actually have a choice and even if I did, it wouldn't be considered. Kaya para san pa, di ba? Ayoko ng komplikadong sitwasyon. "I enjoy reading books." I merely stated. "O ayun! Maraming course ang pwede mong kunin kung mahilig kang magbasa. Like, creative writing, journalism, poetry or english." he suggested. Ngumiti ako, "Yeah I know.. I just don't want to let down my Dad, who has planned everything for me since I was a fetus.” I sighed and he laughed. Napatingin na naman tuloy ako sa labi niya. “Oh, sorry.” paghingi niya ng tawad sa pagtawa. Umiling ako, “It’s okay. I’d also laugh if I were you.” Tiningnan niya muna akong mabuti bago nagsalitang muli. "You won't be happy if you do things you don't want to do only to please your father. I promise." he asserted. "I'll be happy if everyone else is happy." Tiningnan niya ulit akong mabuti. Pakiramdam ko ang likot ng mga mata ko, palipat-lipat kasi ang tingin ko sa mga mata niya at sa labi. He gave me a kind grin. "Pero, ni minsan hindi mo ba naisip na gawin naman yung mga gusto mo? Yung hindi mo kailangan isipin ang sasabihin ng mga tao sa paligid mo? Yung hindi mo na kailangan magkunwari at pilitin ang sarili mo para lang maging proud sila sayo. Ibang-iba yung pakiramdam Rosheen." This is the first time I've heard him say my name. Gumanda bigla sa pandinig ko yung pangalan ko. I had no idea how lovely my name was till now kung hindi ko narinig mula sa kanya. "How about you? What are your college plans?" pag-iiba ko ng usapan. Umiwas siya ng tingin. "Well, some of us don't have the opportunity to go to college," he said at malungkot niyang tinitigan yung boteng hawak niya na nakalapag sa buhangin. "Hindi ka ba nag-apply for a scholarship?" tanong ko. "Hindi ko pa nasusubukan." "Subukan mo… some scholarships cover everything: dorm, meals, and whatever else you need for school; what course do you want to take?" Nilingon niya akong muli, "I really want to be a teacher like my mom." Ngumiti ako, "That's great. I'm sure you'll be a good teacher someday." He chuckled, "Thanks." Marami pa kaming napag-kwentuhan ni North nang gabing iyon. Iba't-ibang bagay, kung anu-ano. Sobrang sarap niyang kausap. Lahat ng sinabi niya may sense at marami akong natutunan, mga bagay na alam ko naman pero hindi ko ma-apply since I knew my Dad wouldn't agree. Hinahangaan ko na siya noon pa lang kahit hindi ko siya nakakausap, lalo ngayon na parang nakapasok ako sa isip niya, kasi marami siyang bagay na sinabi na sa tingin ko nasa utak niya lang lahat. I'm sure wala naman siyang naka-usap na kagaya ko kaya sa tingin ko naman gumaan ang kung ano man ang bumabagabag sa isip niya. I'm happy to finally have a connection with North. Sana magtuloy-tuloy pa ito. "Thanks for tonight, Rosheen. Be careful when you get home." he said smiling when I got into my car. Tig-isang bote lang naman kami ng nainom, kaya ko namang mag-drive. Hindi ko na lang ipapa-alam ito kay Dad. Lahat ng ito actually.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD