Chapter 6: A Kiss

2115 Words
AIREEN’S POV “WHAT?” iritadong tanong ni Gavriil sa kanya. “Pwede bang ‘wag naman sa harap ng magulang ko?” “Ang alin?” kunot ang noong tanong ni Gavriil sa kanya. “Ang ipakita sa kanilang may iba ka. Pinapunta mo si Lola rito. Kaya tuloy natanong ako ni Papa.” “Wala naman kaming ginawa, a,” sagot niya naman na ikinainis ko. “Wala nga. Pero mukhang hindi nagustuhan ng Papa ko ang presensya niya. Okay lang sa akin kung tayong dalawa lang, e. Nakakakaya ko. Pero sana kapag ganito— pwede bang pigilan niyo ang isa’t-isa?” “What are you talking about, Aireen? Nandito kami dahil sa business trip! My God! Ang dirty ng mind mo!” sigaw niya na ikinatakip ko ng tainga. Napaiwas din ako ng mukha kaya napatitig siya sa akin. Sabay kaming nagkatinginan ni Gavrill nang marinig ang yabag na papalapit sa silid namin. Napasinghap ako nang bigla niya akong kabigin. Napahawak pa ako sa dibdib niya nang mga sandaling iyon para hindi magdikit ang mukha ko sa dibdib niya. Pero wala rin, dumikit ang labi ko kaya napababa siya nang tingin sa akin, wala siyang saplot noon sa taas dahil nagbibihis siya. Muli, nabaling ang tingin namin sa pintuan nang marinig ang pag-unlock niyon. Pero bago pa man niya makita kung sino ang naroon ay sinapo na ni Gavriil ang batok ko at siniil ng halik. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Hindi ko ini-expect ang ginawa nito. Mabilis ding iginiya ng kamay niya ang akin para iyakap sa beywang niya. Napasunod na lang ako. Naging masuyo ang halik niya kaya hindi ko napigilang mapapikit. Ito yata ang first kiss ni Gavriil sa akin na masuyo. Hindi ko alam kung ganito din ba ang nangyari sa amin noong ginagawa namin si Maria. Kakaiba pala sa pakiramdam. Hindi ako pamilyar pero nagugustuhan ko ang kiliti sa akin. Kahit pala hindi niya ako gusto masarap sa pakiramdam? “Damn it, Kuya!” Naitulak ko bigla si Gavriil nang marinig ang boses ni Demi. Hingal na hingal pa kami ng mga sandaling iyon kaya hindi agad kami nakapag-komento kay Demi. ‘Sh*t!’ mura ko sa sarili ko. Tumugon ako? “Pwede bang mamaya na ‘yan? Hinihintay na kayo ni Mommy, e— lalo na si Maria.” Hiyang-hiya akong tumingin kay Demi. Pero maganda ang ngiti niya sa akin noon. Kung alam lang nito na front lang ang halikang iyon. “Bakit kasi hindi ka man lang kumakatok? Nakakaistorbo ka, do you know that?” kunwa’y naiinis si Gavriil. Alam ko namang ginawa niya iyon dahil sinigawan niya ako. Malay ba namin, baka narinig pala ni Demi iyon. So, para mabawasan ang pag-iisip nang makarinig, hinalikan niya ako. Ganoon siguro ang nasa isipan din ni Gavriil. “Aba’y malay kong may ginagawa kayo ng mga ganitong oras! If I remember, sasama kayo sa paghatid kaya pinuntahan ko kayo. Akala ko kinalimutan niyo na, e.” Hindi makakasama si Demi dahil may lakad sila ni Ayden. “Anyway, alis na ako. Bye!” Hindi pa man naisasara ni Demi ang pintuan nang magsalit ulit siya. “Lalaki naman sana ang kasunod ni Maria.” Sabay hagikhik ni Demi. Nagkatinginan lang kami ni Gavriil. As if naman may susunod pa. Simula nang magsama kami dito, walang namagitan sa amin kaya napakaimpossible ang sinasabi ni Demi. Baka kay Lola magka-pamangkin siya. “Get lost!” sigaw ni Gavriil sa kapatid. Tumingin din siya sa akin kapagkuwan partikular na sa basang labi ko. Inilayo ko ang sarili sa kanya at naupo sa pinakadulong bahagi ng kama. Nagpasya akong hindi na sumama sa airport. Baka biglang sumulpot si Lola, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Lately kasi, napansin kong sumisikip ang dibdib ko. HIndi ko pa rin talaga makapa sa dibdib ko kung bakit. “Bakit hindi ka na sasama? Ini-expect ni Mommy na kasama kayo ni Maria,” bungad ni Gavriil nang puntahan kami sa silid ni Maria. Nakababa na siya kanina, bumalik lang. “Gustuhin ko man, Gavriil, pero ayokong—” “Sasama kayo sa ayaw mo at sa gusto mo.” Kinuha niya si Maria pati ang maliit na bag ng anak namin. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang. Nasa bisig ni Gavriil si Maria hanggang sa airport. Hindi naman umiiyak ang bata. Saka matagal ko nang pansin na gustong-gusto ng anak na nasa bisig ng ama. Iba ang ngiti niya. Ito lang ama niya ang hindi gaanong kumakarga sa kanya. Dahil matagal pa naman, nagpaalam ako na gagamit lang ng banyo. Kanina ko pa talaga ito naramdaman. Pero hindi pa man ako nakakalayo nang mahagip ng aking paningin ang pamilyar na bulto na papalapit sa gawi nila Gavriil. Iniisip kong planado ang lahat. Hindi ko nakitaan nang pagkagulat si Gavriil nang matanaw mula sa pinagkublian ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila, pero nakangiti naman both parties. Tumalikod na lang ako at iginiya ang sarili sa banyo. Gaya nang ini-expect ko, wala na si Lola sa picture— este sa kinauupuan ng aking hilaw na manugang at asawa. Kinuha ko na si Maria sa Mommy ni Gavriil. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Nakangiti ako kay Maria pero parang hindi yata umabot sa aking mata. Hindi ko alam kung nahalata ni Gavriil ang pananahimik ko habang nasa biyahe kami ni Maria. Wala akong imik. Pumikit nga rin ako kalaunan habang pinapadede ang anak sa aking dibdib. Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon, niloloko ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Sure naman na akong may relasyon si Gavriil at Lola. Pero hindi ko ini-expect ang magulang ng asawa. Wala man lang binanggit sila na nakita nila si Lola. Bakit nga naman nila sasabihin sa akin? Naramdaman ko ang paghawak ni Gavriil kay Maria kaya napamulat ako. Bumitaw na pala ang anak sa aking dibdib. Pinadede ko kasi siya. Naubos na kasi ang formula milk na dala namin. Nahagip ng aking mata ang pagsulyap ng asawa ko sa dibdib ko kaya mabilis kong tinagilid nang bahagya ang sarilo ko, saka ko pinasok sa bra ko ang bahaging ginamit ng anak. Sa labas ako nakatingin nang wala na sa aking bisig si Maria. Nilalaro na siya ng ama niya, kaya nagkunwari akong tulog na naman habang nasa biyahe kami. Dumiretso ako sa silid namin pagdating sa bahay. Naiwan ang mag-ama sa sala dahil hinarang nila Papa at Mama. Sabi ko, inaantok ako. Pero ang totoo niyan, nakaramdam ako ng pagod. Nahiga lang naman ako. Hindi ako makatulog dahil ayaw akong patulugin ng aking mga isipin. 22 pa lang ako pero parang bugbog na ako sa mga problema. Nakakapagod. Sana makabalik ako agad sa pag-aaral. Sa Pilipinas ko gusto, hindi dito. Hindi ako komportable kasama si Gavriil. Hindi ko rin gusto ang pakikitungo niya sa akin kapag kami-kami na lang. Kaya sa ayaw at sa gusto niya, babalik ako ng Pilipinas kasama ni Maria bago magpasukan. Tatlong buwan na lang. Kaya ko nang iwan ang anak noon dahil malapit na siyang mag-isang taon. Para panatag ako, kila Mama ko sila iwan ng magiging yaya niya. Basta, buo na ang desisyon ko na bumalik na. Pero ilalaan ko ang natitirang mga linggo para kay Maria at sa ama niya. Sisiguraduhin kong magbo-bonding ang mga ito dahil hindi ko alam kung kailan ulit sila magkikita. Maiintindihan naman siguro ako ni Maria paglaki niya, kung bakit ganito ang sasapitin ng pamilya namin. Kung pumayag siguro si Gavriil na kumuha kami ng yaya para kay Maria, baka hindi ako gaanong nahihirapan. May nakakausap ako at may dumadamay. Balak ko sanang kunin ang naging kaibigan kong iyon sa New York na isang Pilipina din. Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang pintuan namin na bumukas. Basta walang boses na humahakbang, si Gavriil na ‘yan. Mukhang iniwan niya si Maria sa baba. Hindi ko marinig ang boses niya kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Bahagyang lumubog ang bahaging malapit sa likuran ko. Binalingan ko si Gavriil nang maramdaman ang halik niya sa aking balikat. Bago pa man iyon mapunta sa leeg ko ay nakabaling na ako sa kanya. “Anong ginagawa mo? Tapos na ang palabas, Gav. Nasa kwarto na tayo.” Ngumiti pa ako sa kanya noon nang mapakla. Wala siyang sinasabi. Basta lang nakatingin sa akin partikular na sa labi. “I know.” Kasunod niyon ang pagdiin niya ng labi sa akin na ikinasinghap ko. Hindi ko iyon inaasahan kaya tinulak ko siya. Pero nagpatuloy lang siya sa ginagawa. Mas lalo ring diniin niya ang sarili sa akin kaya wala na akong magawa. Huli na rin niya ang mga kamay ko. Tinudyo-tudyo niya rin ang ibabang labi para siguro tumugon ako, pero wala siyang natangap “Gavriil, please,” ani ko nang pansamantalang bumitaw siya. “Hindi mo kailangang gawin ito dahil lamang nasa bahay ka namin at nasa labas sila. Alalahanin mo, may Lola kang naghihintay sa pagbalik natin. Maatim mo bang lokohin siya?” Lumukot ang gwapong mukha ni Gavriil. ‘Yong usual na reaksyon ng mukha niya kapag nasa bahay kami, bumalik na naman. Marahas ang ginawang pagtayo ni Gavriil matapos na bitawan niya ang mga kamay ko. Tumalikod na siya pagkuwa’y iniwan akong mag-isa. Mga ilang minuto lang no’n ay bumalik siya kasama ni Maria. Nabigla ako nang sabihin niyang babalik na kami ng New York ngayon din. Hindi ko naman talaga maihahatid sila Mama at Papa pag-uwi nila dahil sa Wednesday pa ang schedule nila. May meeting pa si Papa sa opisina nila dito sa San Jose kasama si Ayden. Hindi pa tapos ang kapatid sa pag-aaral, pero hands on na siya sa family business namin. PAGBALIK na pagbalik namin ng apartment ni Gavriil, agad kong tinungo ang opisina ng building upang magtanong ng bakanteng unit. Gusto ko sa ilang buwan ko rito, bubukod na ako kay Gavriil. Ayokong maging third wheel sa kanila ni Lola. Ako na ang mag-a-adjust. Tutal naman aalis na kami ni Maria. Kung hindi lang dahil sa anak, sasama na ako sa magulang ko para sabihing mag-aaral na. Nang sabihin ng opisina merong mababakante sa katapusan malapit sa unit ni Gavriil, agad kong kinuha iyon. Binayaran ko agad gamit ang card kong matagal ko nang hindi nagagamit. Maliban kasi sa allowance mula sa magulang, binigay nila ito sa akin. Kaya hindi nga ako nangingiming gumastos sa apartment ni Gavriil— may lifeline kung sakali. Abala si Gavriil ng mga sumunod na araw kaya hindi ko na-open sa kanya na bubukod ako ng apartment sa katapusan. Kaya hinintay ko pang dumating ang Sabado. Pero lasing siyang umuwi. Kaya inadjust ko na naman kinabukasan. Hindi naman kami nagsasabay kumain pero sinabayan ko siya nang umagang iyon. Alam kong nagtataka siya. Pero tama ang mga tingin niya, may kailangan akong sabihin sa kanya. Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita. “Gav,” tawag ko sa kanya. Tumigil din siya sa pagnguya para tumingin sa akin. Sinamantala ko na iyon para sabihin. “N-next month, sa ibang unit na kami titira ni Maria. Pero dito lang din naman sa floor—” “Who told you na pwede kang lumipat? Hindi mo ba alam na kalat na dito kung mag-asawa tayo? Huh?” Napalunok ako. Tama siya. Kilala na sila dito na mag-asawa. “And now you want to move out? Isn’t this what you wanted, to be here with me? Why don’t you want to be with me anymore? If you didn’t want this, you shouldn’t have agreed to the marriage in the first place! Dammit!” Napatakip ako ng tainga nang maglaglagan ang plato at baso ni Gavriil. Biglang alis din siya. Pumasok siya sa silid pero muling lumabas din na bitbit ang coat. Nilinis ko na lang mga nabasag na pinggan at baso. Nawalan na rin ako nang gana kaya minadali ko ang kilos ko bago pa magising si Maria. Hindi umuwi si Gavriil ng hapon kaya alam kong kasama nito ang mga kaibigan nito. Sigurado akong kasama na naman niya si Lola. Pasado alas onse ng gabi nang makatulog si Maria. Natagalan kami sa paglalaro kasi. Kaya paniguradong late siyang magigising na naman. Pabago-bago siya ng mood talaga. Nagpasya akong mahiga na rin sa tabi niya. Ramdam ko na rin ang antok noon pero naalala ko naman ang pinagsaluhang halik namin kanina. Kaya bago ako natulog ay sapo ko ang bibig ko at dinama iyon. Sana kasi sinubukan din ni Gavriil na i-work ang marriage na ito. Kaso hindi, mas lamang ang galit niya sa akin. Ganoon ba talaga katindi ang kasalanan ko? Pero hindi ba dalawa kaming naging mapusok nang gabing iyon? Kaya nga nabuo si Maria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD