Chapter 7: Surprise

1947 Words
AIREEN’S POV NAPADAING ako nang maramdaman ang likod kong sumakit. Nang kapain ko ang nahigaan ko, laruan ng anak ko ang naroon. Wala si Maria sa aking tabi. Linggo nga pala ngayon. Sigurado akong kasama ng ama niya sa labas. Tumayo na ako at naligo. Maaga talaga ako naliligo para maging maganda ang maghapon ko. Binilisan ko na lang din baka kanina pa hawak ni Gavriil ang anak. Iniiwasan kong magalit siya sa akin talaga. Hindi pa man ako nakakalabas ng silid ni Maria nang marinig ang pamilyar na mga boses. Sigurado akong kasama na naman nila Melvin si Lola. Agad na hinanap ng aking mata si Gavriil pagkalabas ng silid. Karga niya nga si Maria habang nakikipag-usap kay Shanti, na nobya ni Melvin. Iginigiya ng asawa ang mga bisita sa sala. Hindi na ako nagtaka nang makita si Lola. May mga pinamili na naman siya. Mukhang ipagluluto niya si Gavriil. Asikasong-asikaso talaga. Lumapit ako kay Gavriil at kinuha si Maria. Hindi ko na siya tiningnan. Bumalik ako sa loob para bihisan ang anak namin. Maglalakad-lakad na lang kaming dalawa sa labas. Napapikit ako nang marinig ang stereo mula sa labas. May time silang ganito, ’di man lang hinihinaan, nakita nang may bata na nakatira dito. Kaya tama lang na lumabas kaming dalawa. “Sa labas lang kami, maglalakad-lakad,” paalam ko kay Gavriil. Tumingin naman siya sa amin na nakakunot ang noo. “‘Wag masyadong matagal, malamig,” aniya. Tumango lang ako. Hindi ko alam kung makakabalik kami agad. Baka tumambay muna kami sa indoor playground na malapit. Kung ganito lagi tuwing weekends sa apartment namin, mas maiging ituloy ko ang balak ko. Kahit ayaw ni Gavriil, bahala siya. Ano ’yon, nagsasaya sila sa sala habang kami ni Maria nagmumukmok? Ayoko nga. Hindi pa man kami nakakalayo ni Maria nang tawagin ako ni Lola. Nakangiti siya nang lingunin ko. “Mind If I use your condiments and other ingredients? I’m going to cook Gavriil’s favorite. You know, he loves my cooking.” “S-sure,” ani ko na lang. May magagawa ba ako kung si Gavriil na ang nag-utos? Akmang tatalikod ako nang muli siyang magsalita. “Hey! I have a special relationship with Gavriil, Aireen.” Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Pero nainis lang ako. Kailangan bang sabihin iyon? Para ano? “And?” ani ko. “Aren’t you angry?” “No.” Nginitian ko siya. “Is there anything else?” Umiling si Lola kaya tumalikod na ako. Pero natigilan ako nang makita si Nolan na nasa pintuan pala ng apartment nito. Mukhang narinig niya ang sinabi ni Lola base sa mga tingin niya sa akin. Matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya bago nagpatuloy sa paghakbang. Pero nang masigurong wala na akong kakilala ay hindi ko na pinigilan ang mata ko na maglabas ng luha. Pinunasan ko lang iyon nang makarating sa elevator. Agad kong pinindot ang button para sumara. Matatapos din ito. Mabilis lang ang araw. Pero parang hindi na ako makapaghintay. Napatingin ako sa kamay na pumigil sa pagsara ng elevator door. Si Nolan iyon kaya nginitian ko siya ulit. Gumilid ako pero tumabi siya sa akin. Nabigla ako nang maglahad siya ng panyo sabay turo ng pisngi ko. Saka ko lang napagtantong may luha pa palang humabol. Kinuha ko ang panyo ni Nolan at nagpasalamat sa kanya. Akmang pupunasan ko ang gilid ng mata ko nang makita sa pasarang pintuan si Gavriil na nakatingin sa amin nang seryoso, hanggang sa tuluyan nang sumara. Wala na kaming imikan ni Nolan nang umandar na ang elevator pababa. Nasa ikawalang floor na nang magsalita siya. “If you need someone to talk to. I’m here.” Ngumiti pa siya sa akin pagkasabi niya. “I appreciate it, Nolan. Really.” Pero para sa akin, hangga’t maaari ayokong makipag-usap sa opposite s3x. Ayaw kong ma-misunderstood ni Gavriil. Hindi sa tinotolerate ko siya, ayaw ko lang masira ang image ko. Kung may iba siyang babae, okay. Pero ako, ayoko. Mas kailangan ni Maria ang atensyon ko. Yeah, umiiyak ako, pero gumagaan naman after, kaya hindi na kailangan ng kung sino pa “Good.” anito. Hindi na ako umimik kaya ganoon din siya. Naghiwalay kami dahil sa playground kami pupunta. Siya? Hindi ko alam. Inabot kami ng tatlong oras sa labas ni Maria. Napagod siya kakalaro kaya nakatulog siya nang bumalik kami. Hindi pa naman siya marunong maglaro talaga. Siguro natutuwa siya sa ingay ng mga bata at panay ang likot ng paa at kamay. Parang gusto nang maglakad. Natatawa nga siya sa mga pinapanood niyang mga batang naglalaro. Hindi ko maiwasang magtaka nang mapansing wala na ang mga kaibigan ni Gavriil sa sala. Wala rin akong makitang dumi o mga boses sa balcony. Himala yata. Dati-rati, inaabot sila ng gabi. May madaling araw pa nga. Inilapag ko si Maria sa higaan namin pagkapasok agad ng silid. Safe naman siyang iwan dahil sa harang. Hindi pa man ako nakakahakbang palabas nang pumasok si Gavriil. “I’m hungry, Aireen. Bakit ba ang tagal niyo?” halata sa boses niya ang iritasyon. “A-akala ko pinagluto ka ni Lola? Nagpaalam pa siya na gagamitin niya ang mga ingredients na pinamili ko,” “Magrereklamo ba ako kung kumain na ako?” Napapikit na lang ako. “Okay. Ipagluluto na kita.” Iniwan ko na siya sa silid namin ni Maria. Nakita kong pumasok siya sa malaking higaan ng anak at tumabi. Ano kaya ang nangyari bakit hindi nagtagal ang mga kaibigan niya at si Lola rito? Busog naman ako kaya pang-isahan lang ang inihanda ko. Napadami ang kain ko sa labas dahil Asian cuisine ang pinasukan namin ni Maria. Alam ko kasing hindi ako makakain dito. “Ready na ang pagkain mo,” imporma ko sa kanya sa mahinang himig lang. Bahagyang nakayakap siya kay Maria noon. Naupo ako sa couch at hinarap ang cellphone ko. Tiningnan ko ang email ko dahil may inaabangan akong reply, mula sa kaibigan kong si Desiree. Sa dating unibersidad na pinapasukan ko kasi nagtatrabaho ang papa niya bilang registrar. Kaya ayon, nagpapasuyo ako. Inalam ko kung anong requirements ko ang kailangan para ma-enroll ako ni Ayden. Buo na talaga ang pasya kong bunalik sa pag-aaral. Malapit na ang enrollment kaya kailangan kong ihanda ang sarili. Kailangan ko ring magpaalam kay Gavriil nang seryoso. Dahil wala pang reply sa akin, nagpasya akong mag-browse sa social media na lang. “Aren’t you going to eat?” Nagtaas ako nang tingin. “I’m full. Kumain kami ni Maria sa Asian restaurant.” “Sinong kasama mo? Ang Nolan na iyon?” “Gavriil!” Hindi ko na napigilang itaas ang boses. “What? Hindi ba totoo? Magkasama kayong bumaba.” “My God! Magkasabay lang kaming bumaba. Hindi ibig sabihin no’n na magkasabay rin kaming kumain!” Ang dumi ng isip niya. Masyado yatang takot sa sariling multo, kung ano-ano ang iniisip sa akin. “So, sinasabi mong mali ako, huh?” “Yes!” sagot ko. “Siguraduhin mo lang, Aireen.” Sabay talikod niya sa akin. Dinig ko rin mayamaya ang malakas na pagsara ng pintuan. GUSTO ko sanang tawagan si Gavriil nang araw na iyon dahil tatlong araw na siyang hindi umuuwi sa apartment. Hindi rin niya ako tine-text. Kahit na kumustahin man lang si Maria. Pero bandang tanghali nang magpasya akong tawagan na. Napapraning na ako kakaisip kung nasaan siya. Ang huling paggkikita namin, noong nagkataasan kami ng boses. “H-hello,” ani ko nang kumunekta agad ang tawag ko. “Hi, Aireen.” Natigilan ako nang marinig ang boses ng babae. Walang iba kung hindi si Lola. “C-can I talk to Gavriil?” ani ko. “Sorry, but Gavriil is still sleeping. Look—” Kasunod niyon ang pag-open ng camera. Bumungad sa akin ang natutulog na si Gavrill. Wala siyang saplot sa itaas. Pero pinalis din ni Lola agad ang camera sa natutulog na asawa, tinutok niya sa sarili niya, nakasuot siya ng nighties ng mga sandaling iyon. Napapikit ako, sabay kapa sa aking dibdib. Hindi ko rin naiwasang lumunok. Pero bumara lang sa lalamunan ko. Hindi ko na natagalan, pinatay ko ang tawag. Napasabunot ako sa buhok ko. So, kasama pala nito si Lola ngayon. Hindi ba siya pumasok ng trabaho? Bakit magkasama sila sa iisang silid lang? Natigilan ako. Hindi kaya nagsasama na sila? Muli kong naramdaman ang paninikip sa dibdib sa isiping iyon. Nasasaktan na talaga ako. Dahil sa nalaman, nagpasya akong tanungin ang staff kung pwede ko nang lipatan. Sa pagkakalam ko, pinalinis nila iyon. Laking pasalamat ko na wala si Gavrill nang araw na iyon. Sinabihan na ako na pwede nang lumipat. Kaya naman isa-isa kong hinakot ang gamit namin ni Maria. Sinamantala kong natutulog ang anak ko para magawa ko ang dapat na gawin. Dahil maayos naman ang nilipatan ko, wala akong gaanong ginawa kung hindi hakutin lang ang mga damit ko at gamit ni Maria. Pinalinis na rin iyon at pinapalitan ng mga beddings at ilang mga gamit doon lalo na sa kusina. Napalitan na rin ng kurtina. Ilang gamit lang ang inorder ko online dahil halos nasa apartment na. Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang tunog ng doorbell. Napangiti ako nang makita si Nolan. May hawak siyang wine. “Housewarming gift,” nakangiting sabi niya sa akin, sabay taas niyon. “Nice. Come in.” Sinara ko ang pintuan nang makapasok siya. Iginiya ko siya sa sala namin. Kasama ko na si Maria sa bagong apartment namin, tulog na tulog na. Talagang bumili ako ng baby bed na may gulong. Para madala ko sa labas. Mas gusto kong sala kami since kami lang naman na dalawa ni Maria. Convert ko ring playground ang kalahati. Wala naman akong bisita lagi. Wala ring dadalaw sa amin kaya okay lang ang ginagawa ko. “Hi, Maria,” masayang bati ni Nolan sa anak ko. Ngumiti pa siya kay Nolan kaya napangiti na rin ako. Mukhang nagugustuhan niya ang presence ni Nolan. Inilagay ko sa minibar ko ang wine na dinala ni Nolan. Kumuha ako ng miryenda niya na cake at inihatid sa kanya. Mahigit dalawang oras ding nag-stay si Nolan sa apartment ko. Hinatid ko siya sa labas at tinungo ko ang apartment ni Gavriil kapagkuwan para kunin ang ilang unan ni Maria na nakalimutan ko. Nakatulog na rin si Maria ng mga sandaling iyon kaya pwede ko na siyang iwan saglit. Pagdating sa tapat ng apartment ng asawa, inilabas ko ang key card. Natigilan ako sa pagtulak ng pintuan nang may marinig. Mukhang may nabasag. Dumating na ba si Gavriil? Nagmadali akong tingnan ang nalaglag. Hingal na hingal pa ako ng mga sandaling iyon. Napasinghap ako nang madatanan kong mapusok na nagpapalitan nang halik si Gavriil at Lola. Nakaupo ang huli sa bar counter habang nakapaloob si Gavriil sa hita nito. At ang nahulog pala, ang wine na nadala ko mula sa San Jose. Isa iyon sa pinakamahal na produkto namin. Pinagkakaguluhan iyon dahil limited lang ang stock namin. Tapos babasagin lang nila? Hindi pa ba nasulit ang ilang araw na magkasama ang mga ito? Pati ba naman dito, dinala ang kalibugan nila? Narinig siguro ni Gavriil kanina ang singhap ko, napatingin kasi siya sa gawi ko. Halata ang pagkagulat niya nang makita ako. “I-I’m so sorry. I-I should have knocked.” Sabay talikod ko at balik sa pintuan. Hindi ko alam kung anong ginawa kong hakbang, ang bilis ko kasing narating ang pintuan. Kasabay nang pagsara ng pintuan ng apartment ni Gavriil ang pagpikit ko. Hindi ko na napigilang ikuyom ang mga kamay dahil sa nararamdaman ko. Nanginginig ang aking labi tapos naninikip ang aking dibdib. Lagi na lang akong ganito. Bakit kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD