bc

The Forgotten Wife

book_age16+
1.5K
FOLLOW
16.9K
READ
love-triangle
HE
fated
opposites attract
second chance
heir/heiress
drama
bxg
serious
kicking
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

“G-Gav…” anas ko nang maramdaman ang h!gp!t ng hawak niya sa aking pulsuhan.

“H-hindi mo dapat sinasamantala ang kalasingan ko. You mean nothing to me kahit nasa drunken state ako, alam ko pa rin sa sarili ko na hindi kita gusto— ang marriage na ito! My connection to you is only a piece of paper. Never will I treat you as if you were my wife kahit na ilang beses mong gawin ito, Aireen… So please stay away from me!”

Tanging kagat ng labi ang nagawa ko matapos na sabihin iyon ng asawang si Gavriil. Mali, hindi ko pala siya asawa para sa kanya. Kaya tama lang na hindi ko ito ginagawa.

“I-I’m sorry.”

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Piece of Paper
AIREEN’S POV MAINGAT kong dinala ang hinugasan kong mga bote ng aking anak na si Maria papunta sa room niya. Agad kong ipinatong sa mesa ang hawak ko nang marinig ang iyak niya. Kinuha ko siya at pinatahan pero hindi siya tumigil, kaya nagpasya akong ipadede na lang sa aking dibdib. Naupo ako sa sofa na naroon at binuksan ang TV para mag-play ng nursery songs. Kadalasan kasi, nakakatulog siya kapag may naririnig na mga pambatang kanta. Pero ‘yong usual kong pinaparinig sa kanya, iyon lang iyon. Saglit lang siyang dumede sa akin bago muling natulog. Nang humimbing na siya ay muli ko siyang binalik sa higaan niya. Saktong paglabas ko ng silid ni Maria ang pagbukas ng main door ng apartment namin. Iniluwa noon ang asawa kong si Gavriil. As usual, hindi niya ako tiningnan. Dire-diretso lang siya sa sala at pabagsak na nahiga sa upuan. Nilapitan ko siya at nakapikit na siya habang hawak ang bag. Medyo mabilis siyang makaidlip talaga kapag galing ng trabaho. Marahil, dahil sa sobrang pagod. Isang Finance Manager si Gravriil sa isang sikat at malaking kumpanya dito sa New York. Magtatatlong taon na siya roon. Pero merong business ang mga ito sa Turkey. Kaso mas pinili nitong magtrabaho dito sa New York. Oo, dito na ako nakatira, hindi na sa Pilipinas. Right after ng kasal namin ni Gavriil sa huwes ay nagpasya siyang dalhin ako dito. Ayaw ko sana dahil ayokong malayo sa magulang ko. Matagal akong nawalay sa kanila kaya hangga’t maaari sana ‘wag sa malayo. Hindi rin pumayag si Mama at Papa sa una, pero si Gavriil ang nasunod. Kung magpupumilit daw ang magulang ko, iiwan ako ng asawa ko. Mas maiging ipa-annul na raw ang aming kasal. Kaya pumayag na lang ang magulang ko bandang huli sa sumama sa malayong lugar na ito. Pero walang pag-ibig na namamagitan sa amin nang ikasal kaming mag-asawa. Kahit hanggang ngayon naman. Sapilitan lang kasi ito dahil sa nangyari sa amin ni Gavriil nang gabing iyon. Isang pagkakamali para sa aking asawa, hanggang sa magkaroon ng bunga, kaya heto, pinagkasundo kami ng aming magulang. Pagkakamali nga iyon para sa iba, pero para sa akin, hindi. Kasi naman biniyayaan ako ng isang cute na anghel na si Maria. Siya na ang lakas ko ngayon. Kaya kahit na walang pag-ibig na namamagitan sa amin ni Gavriil ay ayos lang sa akin. At dahil iyon kay Maria— sa anak namin. Nangyari ang kapusukang iyon nang mag-outing kami sa Batangas para sa celebration ng death anniversary ng aking ina-inahang si Jewel. Ginawang reunion na rin iyon ng mga Jhonson ng mga sandaling iyon. Lumaki kasi ako na wala sa totoo kong magulang. Si Mommy Jewel na Tita ni Gavriil ang siyang nagpalaki sa akin. At unang pagkikita pa lang namin ng aking asawa nang araw na iyon, ramdam ko na na ayaw niya sa akin. Hanggang ngayon naman, e. Hindi ko alam kung bakit, at kung bakit nauwi rin kami sa pagsiping nang gabing iyon kahit na wala siyang nararamdaman sa akin. Isang malaking katanungan pa rin sa akin. Tuloy, naging dahilan para kami’y ikasal nang sapilitan. Pinilig ko ang aking ulo para palisin iyon sa aking isipan. Napailing ako nang bumalik na lang sa kasalukuyan. Nang mapansin kong hindi gumagalaw ang asawa sa sofa ay lumuhod ako para tanggalin sana ang sapatos niya, pero bigla niyang inilayo iyon sa akin. Gising pa pala siya. Hindi lang pala nakamulat ang mga mata. Mayamaya akala ko nagulat lang siya sa muling paghawak ko dahil hindi na ulit kumilos, hindi pala. Tumama tuloy sa pisngi ko ang paa niyang may sapatos pa nang kumilos siya. “Don’t touch me!” angil niya sa akin nang magmulat. “I-I’m sorry,” ani ko habang sapo ang pisngi na natamaan. “Alam mong hindi ko gusto ang hinahawakan mo. Kaya, please, stop pretending na in good terms tayo! You know I hate you and this marriage! Damn it!” Sabay tayo ni Gavriil at pasok sa silid namin. Napapikit na lang ako pagkahatid ko nang tingin sa aking asawa. Bihira lang niya ako kibuin pero kung magsalita siya, nakakasakit. Lagi na lang niyang pinaparamdam sa akin na hindi nga niya ito gusto. Ang pinasok namin. Ako rin naman, e. Hindi ko gusto ang ideya ng aming magulang na ipakasal kami. Pero wala akong magagawa, nagbunga kasi ang nangyari sa amin noon. Kung hindi, baka nagawan ko pa ‘to nang paraan. Sa kusina na lang ako pumunta para magluto. Sa totoo lang, hindi pa naman oras ng hapunan, napaaga lang nang uwi ngayon si Gavriil. Hindi pa man ako tapos sa pagluluto ng aming hapunan nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ng main door. Nang habulin ko, wala na si Gavriil. Amoy ko pa ang mabangong gamit niyang shower gel. Pumunta ako sa bintana at hinintay ang paglabas ng asawa sa building, naka-kaswal siya. Mukhang makikipagkita na naman sa barkada niya. Lagi naman ito. Sanay na ako. Pero naroon pa rin kasi ang hope na mag-stay siya para sa dinner. Madalas namang ganoon si Gavriil, umaalis pagkapahinga mula sa trabaho, tapos umuuwi siya, madaling araw na. Minsan naka-inom pa. Pinagsasabihan ko nga na ilaan ang oras sa anak naming si Maria, pero nauuwi lang sa away. Kaya hindi ko na siya kinikibo kapag tungkol sa bagay na ‘yan. Minsan kasi kailangan ko nang tulong. Lalo na kapag may bibilhing kulang sa kusina. Pero may time namang naiiwan ko sa kanya ang anak namin. Wala kaming kasama sa bahay dahil ayaw ni Gavriil. Tama na daw na isa lang ang kasama niya sa bahay na hindi kilala. At ako nga ‘yon. Hanggang ngayon kasi estranghera pa rin ako ayon sa kanya. Wala na akong magagawa doon. Basta nagsasama kami ni Gavriil para kay Maria, ayos na sa akin. Nang lumamig ang mga niluto ko ay pinasok ko sa ref. Kinakain ko iyon kapag ako na lang mag-isa. Hindi na ako nagluluto pa kinabukasan. Matipid nga ako. Gaya nang inaasahan ko, mag-uumaga na nang umuwi si Gavriil. Nakainom siya. Wala siyang pasok kasi dahil tapos na ang work calendar niya ngayong linggo. Monday to Friday lang siya. Pero minsan, pumapasok siya ng Saturday kapag may emergency or crisis sa kumpanya. Walang problema kapag lasing si Gavriil, nabibihisan at napupunasan ko siya nang hindi ako napapagalitan. Wala siyang magawa dahil sa kalasingan. Kahit anong salita niya sa akin hindi ako natitinag dahil sa wala siyang lakas. Tapos na ako sa mukha at leeg niya magpunas kaya hinawakan ko ang laylayan ng t-shirt niya. Akmang itataas ko nang pigilan iyon ni Gavriil. “G-Gav…” anas ko nang maramdaman ang higpit nang hawak niya sa aking pulsuhan. “H-hindi mo dapat sinasamantala ang kalasingan ko. You mean nothing to me kahit nasa drunken state ako, alam ko pa rin sa sarili ko na hindi kita gusto— ang marriage na ito! My connection to you is only a piece of paper. Never will I treat you as if you were my wife kahit na ilang beses mong gawin ito, Aireen… So please stay away from me!” Tanging kagat ng labi ang nagawa ko matapos na sabihin iyon ng asawang si Gavriil. Mali, hindi ko pala siya asawa para sa kanya. Kaya tama lang na hindi ko ito ginagawa. “I-I’m sorry.” Pinakawalan naman ni Gavriil ang kamay ko, kaya mabilis kong iginiya ang sarili ko palabas. Agad akong dumiretso sa silid ni Maria. Hindi ko na napigilan ang luha ko nang makapasok ako. Sa halos isang taong pagsasama namin ni Gavriil dito sa New York, parang ngayon lang lumabas ang lahat ng hinaing ng aking dibdib. Nagsisisi ako kung bakit pumayag pa ako sa kasalang ito. Makukulong lang naman pala ako sa malungkot na buhay na ito. Lalo akong napabalahaw nang iyak nang marinig si Maria na umiiyak rin. Kinuha ko siya at mahigpit na niyakap. Para bang naramdaman niya ang aking nararamdamang sakit ngayon na dulot ng kanyang ama. Hindi ko naman masasabing mahal ko si Gavriil pero nasasaktan ako sa ginagawa niya sa akin. Nasanay na kasi ako sa buhay na meron ako ngayon. Sanay na akong inaalagaan siya pati ang aming anak. At naiisip ko na isang araw iwan na lang ako ni Gavriil, kami ng anak niya. Ano na lang ang mangyayari sa amin? Wala namang problema kami sa pera dahil mayaman ang magulang ko. Pero hindi ako pwedeng umasa sa kanila. Kahit nga kay Gavriil, hindi ako umaasa sa kanya. Mula sa naipon ko ang ginagastos namin dito sa apartment ni Gavriil. May monthly allowance din akong natatanggap mula sa magulang ko, pero hindi ko matandaang nabawasan ko iyon ngayon. Maging ang anak ko ay meron ding allowance. Pero ang pera ko lang ang kinukuhaan ko ng budget. Never kong nagalaw rin ang card na binigay ni Gavriil. Natatakot akong balang-araw, e, maisambulat niya iyan sa akin ang mga ginastos ko. Kaya sa tingin ko kaya kong buhayin din ang anak ko. Nga lang, hindi ko alam kung paano ba sabihin sa aming anak kung bakit hindi buo ang kanyang pamilya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
284.9K
bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.3K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.4K
bc

The Real About My Husband

read
24.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
88.8K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook