Chapter 5: Visitor

1710 Words
AIREEN’S POV BITBIT ang isang kopita nang baybayin ko ang wine cellar— ang storage room ng wine namin. Magsawa ako sa loob kung gusto ko. Sa totoo lang, ilang araw ko nang hindi napapadede si Maria sa akin dahil uminom ako ng alak noong araw ng brithday ko mismo. Kaya sasamantalahin ko ngayong linggo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Basta naramdaman kong gustong iwasan si Gavriil na naman dahil kausap niya si Lola. Baka ayaw ko lang na malaman ni Lola na magkasama kami ngayon. Ayaw kong masira ang relasyon niya kay Gavriil. Si Gavriil ang nasa isipan ko habang umiinom ng wine. Sa sahig pa ako naupo habang nasa itaas ko ang malaking barrel storage. Doon ako kumuha kanina. Talagang buo na ang desisyon ko na magparaya na ako. Hindi na ako magiging hadlang— kami ni Maria sa pag-iibigan ni Gavriil at Lola. Kakausapin ko siya pagbalik na bukod na kami ng apartment. Kukuha rin ako pero sa building na iyon. Para hindi naman kami sagabal kapag may bisita siya— lalo na kapag kasama niya si Lola. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit nasasaktan ako sa isiping iyon? Iiwan ko na ba siya? Napamahal na ba ako sa aking asawa kahit na ganoon ang pakikitungo niya sa akin? Sana naman hindi. Sana nasasaktan lang ako para sa anak namin. Para sa akin, kulang ang atensyon na binibigay ni Gavriil kay Maria, tapos mahihiwalay pa sila ng tirahan? Baka dahil doon kaya ako nasasaktan ngayon. Hindi ko namalayang nakailang kuha ako sa barrel na iyon. Alam kong ready na iyon na ipainom dahil ilang beses nang pinakita iyon sa amin. “Aireen!” Napatigil ako sa pagtungga nang marinig ang baritonong boses na iyon. Walang ibang nagmamay-ari niyon kung hindi si Gavriil lang. “Get lost, Gav,” ani ko na ako lang ang nakakarinig. Pumikit na lang ako dahil ayaw kong makita niya ako na ganito ang kalagayan. Saka iniiwasan kong magsolo kami, kasi kung anu-ano ang lumalabas sa bibig niya na masakit. “Tell me, Aireen. Are you with that guy during your stay in the hotel?” Kasunod niyon ang pagbagsak sa hita ko ng mainit na bagay. Cellphone ang namulatan ko. Nasa harap ko na ang galit na galit na si Gavriil. Kinuha ko ang cellphone niya. Mukhang may pinapakita siya sa akin. Napakunot ako ng noo nang makita iyon. Ako at si Nolan iyon. Magkausap kami sa labas ng hotel ng mga sandaling iyon. Pero kanino galing ang litratong ‘yan? “Hindi kami magkasama,” tanging sagot ko. Totoo naman. Nagkita lang kami sa lobby tapos sinamahan niya ako hanggang sa labas. Kaya tama lang ang sagot ko kay Gavriil. “I’m asking you, Aireen!” Kasunod niyon ang paghila niya sa akin patayo. “G-Gavriil,” “Are you cheating on me? Huh?” Sabay yugyog nito sa akin. “No,” sagot ko ulit. Talagang wala kaming relasyon ni Nolan. Dalawang beses ko nga lang siya nakaharap nang ganoon kalapit. Kaya paano kami magkakarelasyon? “Again, wala.” Talagang pinanindigan kong wala kaya ramdam ko ang galit sa mukha ni Gavriil. “Just make sure na hindi nga, Aireen. Hindi mo alam kung paano ako magalit!” Sabay bitaw niya sa akin. Muntik ko pang maatrasan ang barrel na pinagkuhaan ko ng wine. Akmang tatalikod siya nang magsalita ako. “Ayaw mo akong mag-cheat pero ikaw, harap-harapan mong dinadala ang babae mo sa apartment!” Naningkit ang mata niya sa narinig. Pero umalis din siya at iniwan ako na mag-isa. Napahagulhol na lang ako sa ginawa niyang pagtalikod. “Hindi ba unfair, Gavriil? I know wala kang nararamdaman sa akin, pero hindi tama ang magdala ka ng babae sa apartment mo, at mas lalo sa silid natin. Hindi mo man lang ako nirespeto bilang babae. Hindi…” walang kwenta na ang naisatinig ko dahil nakalabas na siya. Hindi na niya narinig. Nagising ako kinabukasan sa mahinang yugyog ni Mommy. Nakatulog pala ako sa tabi ni Maria. “Lumipat ka na nga doon sa kwarto niyo, anak. Lalaruin ko pa ang apo ko,” nakangiting sabi ng Mama Athena ko. Mayamaya ay pumasok din ang Mommy at Daddy ni Gavriil kaya nagpasya na akong pumunta ng silid namin. Pagdating ko doon, wala akong naabutang Gavriil. Sanay naman na akong laging wala siya sa aking paningin. Umuwi din kami kinahapunan dahil mag-shopping pa raw kami bukas. “Aba’y bumalik na pala ang asawa mo, anak?” Tumango na lang ako kay Papa. Actually, nito ko lang nalaman. Ang sabi ni Demi, kailangang bumalik ng New York dahil sa trabaho. Para sa akin, dahil sa nangyari kagabi. O ‘di kaya dahil kay Lola. Na-miss na niya siguro ang nobya niya. Sinulit namin ang pagkikita sa San Jose. Bumili din kami nang pasalubong para sa anim pa naming mga kapatid na nasa Pilipinas nang pumunta kami ng mall. Gayon din sa ibang pinsan namin, bumili din kami. Kaya heto, pagod na pagod kami ngayong araw na ‘to. “Hindi ka ba susunduin ni Gavriil bukas, Ate?” Pauwi na kami noon. Dalawang sasakyan ang dala namin. Kila Ayden ako sumakay imbes na kila Mommy. Kasama naman nila si Maria doon kaya wala akong kalong-kalong ngayon. “Hindi siguro, Demi. Minsan kasi may pasok siya sa opisina.” “What? Linggo, may pasok siya?!” ang kakambal kong si Ayden. “Opo,” pagsisinungaling ko. Sabado niya kamo iyon pinapasukan. Ang Linggo, talagang wala nang pasok. Bonding pa rin kami pagbalik sa bahay namin kasama ang magulang ni Gavriil. Naging komportable ako dahil totoo ang pinapakita ko sa kanila. Unlike kapag nandito si Gavriil, kailangan naming umakting na parang maayos ang pagsasama namin. Iniwan ko si Maria kay Mommy Shiela dahil kailangan ko nang maligo. Nangangamoy suka na naman kasi ako ni Maria. Sinubukan kasi naming pakainin ng mashed potato, hindi niya yata nagustuhan. Kung hindi sa dede ko kasi, formula milk ang iniinom niya. Sinubukan ko naman na pakainin siya ng mga ganyan pero talagang ayaw pa niya. Pero dapat daw sinasanay ko na. Sabi ko, pagbalik namin, lulutuan ko na lang si Maria kako. Hindi pa man ako tapos maligo nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Dinig ko sa banyo dahil hindi ako nag-lock. Ako lang naman kasi ang nandito. Kasalukuyan akong nagbabanlaw nang biglang may pumasok. Muntik pa akong mapasigaw nang makita si Gavriil na walang saplot ni isa. Minsan ko naman nang makitang nakahubad siya dahil bigla na lang itong naghuhubad noon sa harap ko para maligo. Nagulat lang talaga ako ngayon. Akala ko kasi nasa New York siya ngayon. Nilagpasan lang ako ni Gavriil, sa jacuzzi siya dumiretso. Inilubog niya ang katawan doon at pumikit. Sinamantala ko na iyon na bilisan. Wala akong dalang towel ngayon dahil naubusan na. Nawala sa sarili ko na hindi pa nag-refill ang kasambahay sa kabinet. Kaya nang lumabas ako, hubo din ako. Nakalimutan kong bitbitin din ang roba ko. Sana, hindi nakatingin sa akin si Gavriil. Pero mukhang niya magawa iyon dahil hindi naman niya talaga ako magawang tingnan noon pa man. Agad kong binalot ang sarili ko ng towel. Tinuyo ko rin ang aking buhok nang bahagya bago nagbihis. Akmang magsusuklay ako nang lumabas si Gavriil sa banyo. Saktong nakatayo pa naman ako noon. Napaiwas ako nang tingin dahil wala siyang takip man lang! Lumabas ako na daladala ang suklay at sa terrace ako tumambay. Siguradong patulog na ang magulang ni Gavriil. Si Mama ang nakita kong nagpapatulog na kay Maria. Hindi pa man nag-iinit ang pang-upo ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na doorbell. Ako ang nasa malapit kaya ako na nagbukas. “L-Lola, what are you doing here?” Lumingon ako para tingnan kung may iba pang tao. “Is Gavriil done with his showers?” “Yes, he’s done. Come,” ani ko. Magiging bastos ako kung hindi ko siya patutuluyin. Pinaupo ko si Lola sa sala at pumasok sa silid na inuukupa ko. “Nasa baba si Lola, pakiharap naman please. At pwedeng umalis din kayo kaagad? Baka makita pa siya ng parents ko.” “Bakit mo naman pinapasok?” At siya pa ang nagalit. “Nag-doorbell siya, Gavriil! My God! Kabastusan kung hindi ko siya papasukin!” Hindi na siya umimik, dali-daling lumabas siya. Hindi ako sumunod, sumilip lang ako. Nasapo ko ang ulo ko nang makita ang Daddy ko na pababa, kasunod niya si Ayden. Napatingin sila kay Gavriil na nagmamadali kaya mabilis kong sinara ang pintuan. My God! Anong paliwanag kaya ang ibibigay ni Gavriil sa Papa ko?! Hindi na ako lumabas ng silid na iyon. Hindi ko rin alam ang isasagot ko kapag nagkataon. Alam kong magtatanong siya kung sino ang kasama ni Gavriil. Kinabukasan, sa amin nakatingin si Papa at Ayden. Pinagsisilbihan ako ni Gavriil. Nakangiti naman ako sa ‘twing nagpapasalamat pero tumitingin pa rin sila sa akin. Iyon na ang huling breakfast namin kasama ang magulang ng asawa. Ngayon na kasi ang schedule ng balik nila pabalik ng Greece. Nagbibihis ako ng damit ni Maria nang pumasok si Papa. Seryoso siya nang maupo sa kabilang side kaya kinabahan ako. Pilit ko lang pinagsigla ang aking sarili nang mag-angat nang tingin sa kanya. “May kailangan ka, ‘Pa?” “I just realize, hindi ko makita ka-sweetan sa inyong dalawa mag-asawa. Unlike kay Demi at Ayden, normal na sa kanila kung titingnan. Kayo, parang naiilang sa isa’t-isa,” “Alam mo naman po ang history naming mag-asawa. Siyempre nagsisimula pa lang po kami sa ligawan stage. Kaya ganoon lang po kami kung titingnan niyo. Pero hayaan niyo po, magiging smooth din ang galawan ng asawa ko pagdating ng araw.” “Okay.” Tinitigan ako ni Papa. “Bakit nga pala bumalik si Gavriil dito?” “Baka po may business trip po. Tapos dumaan po para ihatid sila Mommy sa airport.” “Okay.” Ngumiti si Papa sa akin. Tumayo na rin siya at nagpaalam. Nakahinga ako nang maluwag nang lumabas na siya. Kasi naman si Gavriil, hindi man lang talaga kinuhaan ng hotel si Lola para doon na maghintay. Talagang sinama pa nito rito. O baka, gusto niyang ipakilalala sa magulang niya. Kung ganoon, hindi ba pwedeng hintayin muna kaming maghiwalay bago niya ipakilala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD