AIREEN AKALA ko hindi seryoso si Gavriil sa mga sinabi niya sa akin. Ang sabi niya, babawi daw siya sa lahat ng mga kasalanan niya sa akin. Sabi ko nga sa kanya hindi madali dahil emotion ko ang natamaan niya, maging ang tiwala rin. Kaya ang sinagot ko sa kanya, hindi ko alam. Paulit-ulit ko pang sinabi sa kanya. Pero these last 4 days, wala siyang ginawa kung hindi ang ligawan ako. ‘Yong sinabi ko sa kanya na konti lang ang alam ko sa kanya, ayon pinakilala niya sa akin ang totoong side niya— raw. Still, hindi ako sigurado kasi. Takot pa rin ako. Kung sa New York ako ang halos na nagbabantay sa anak namin, ngayon, si Gavriil. Natutuwa ako sa nakikita kong pag-spend niya nang oras sa anak namin. Kung alam lang niyang masaya si Maria sa presensya niya. “For me?” nakangiting kausap ko ka