AIREEN MAGKAHAWAK ang kamay namin habang naglilibot kami. Nagsisimula nang lumubog noon ang araw kaya mas lalo kaming nag-enjoy sa paglalakad. Mas lalo ako dahil unang beses kong makapunta ng Santorini. Nadaanan namin ang isang cathedral kaya huminto muna kami. Saglit akong nag-usal nang panalangin bago kami nagpatuloy. “What did you pray for?” “Well, good health para sa anak natin.” “And?” “Peace and happiness for myself.” “How about me? I mean for us? Wala?” “Kailangan pa ba?” “Of course.” Napatitig ako sa kanya. Mukhang naghihintay siya nang sagot mula sa akin. “Honestly? Wala, Gav.” Nakitaan ko nang lungkot ang mukha niya kaya nakonsensya ako. Meron naman. Hindi ko lang masabi. Sana kako magbago nga siya talaga para kay Maria. “Ako, sana maging maayos na ang lahat sa atin