AIREEN’S POV
HINDI mawala-wala sa isipan ko ang huling nakita kong iyon sa silid namin kaya hindi naman ako nakatulog agad. Wala akong ginawa kung hindi ang mag-research sa internet. May mga sagot akong nakuha sa internet na na-redirect sa isang social media group. Grupo pala iyon ng mga kababaihan sa Pilipinas. At ang topic? Usapang Nanay. Mga problema ng isang Nanay. Marami ang mga nagpo-post sa social media group na iyon. Nakaka-relate ako sa ibang post kaya binabasa ko lang ang mga payo ng mga naroon. Ang kaibahan lang kasi namin ng mga anonymous mommy na iyon, dating may namuong pagmamahalan sa mga ito. Kaya nahihirapang umalis sila. Samantalang ako, wala. Pero nahihirapan din ako dahil sa parents namin. Tama naman kasi ang mga payo nila. Huwag raw ipilit at pagmukhaing tanga ang sarili, lalo na kung may kakayanan para iwan ang asawa. Ipokus na lang daw namin ang sarili namin sa anak.
Mayaman kami. Kaya kong suportahan si Maria. Pero natatakot ako sa maaring sabihin ni Papa. Sa gagawin niya. Kaya nga kapag nagtatanong siya kung okay lang kami ni Gavriil, okay at wala kaming problema. Pinaganda ko pa nga ang imahe ng aking asawa. Na siya ang gumagawa at gumastos dito. Maging sa pagbabantay kay Maria— hands on siya. Ayoko lang maging issue. Alam ko ang temper ni Papa.
Matapos kong basahin ang mga post at mga problema ng mga mommy sa group na iyon, lalong bumigat ang dibdib ko. Naging madalas ang nararamdaman kong iyon. Konting sita at pagalit ni Gavriil, naiiyak na ako. Lalo tuloy siyang nagagalit sa akin dahil sa pag-iyak ko.
Paalis na noon si Gavriil para pumasok nang tawagin ko.
“Um, birthday ko sa darating na Wednesday. P-pwede ba tayong lumabas na tatlo para kumain?” Gusto kong i-post iyon para hindi laging nagtatanong ang magulang sa kalagayan ko rito.
“Wednesday? Talagang itatapat mong may pasok ako? Alam mo naman kung anong trabaho meron ako? Right?”
As if naman ako ako ang may control sa calendar, na tinapat ko na busy siya.
“D-dinner naman ang ibig kong sabihin, Gav. Hindi naman buong araw mo ang masasayang.”
“I’m sorry, Aireen. Pero hindi ako makakapunta. Nakapangako ako kay Lola na sasamahan siya sa Wednesday.”
Nang marinig ko ang pangalan ng kaibigan niya ay ngumiti na lang ako. Pero sa loob-loob ko, nalulungkot ako. Mas matimbang ang kaibigan niya.
“S-sige.” Matamis pa ngiti ang pinahabol ko sa kanya bago siya humakbang.
Napasapo ako ng mukha ko nang marinig ang pagsara niyon. Kasunod niyon ang pagbuhos ng luha sa aking mata. Ang hirap naman talagang kausapin ni Gavriil. Gusto ko lang naman ipakita sa magulang ko na nagbo-bonding din naman kaming tatlo, lalo na kapag mahalagang araw gaya ng birthday ko.
Sabado pa lang naman noon kaya nag-iisip akong magpaalam kay Gavriil. Kung ayaw niyang lumabas kasama kami, balak kung pumunta ng San Jose para makasama ang ilang pinsang kong naroon.
Talagang hinintay ko si Gavriil na dumating nang gabing iyon. Nagtataka pa siya nang mabungaran ako. Hindi siya lasing kaya naipagpasalamat ko.
“It’s getting late. Bakit hindi ka pa natutulog?” Kasalukuyang hinuhubad niya ang coat niya. Kinuha ko iyon pero inilayo niya. Siya na ang nagsabit.
“Hinintay talaga kita.”
Bahagyang magkasulubong ang kilay niya. “Why?”
“Tumawag kasi ang pinsan kong nasa San Jose. Gusto niyang pumunta kami doon ni Maria para dumalaw. Para na rin mag-celebrate ng birthday ko. Kung okay lang sa ‘yo, pwede ba kaming pumunta?”
Saglit niya akong tinitigan bago may lumabas sa bibig niya. “Kailan naman ang balik mo?”
“S-Sunday siguro. O-okay lang ba?”
“K,” tipid niyang sagot, sabay iwan sa akin.
Mapait akong ngumiti nang ihatid ko siya nang tingin tingin. Sumunod na rin ako kapagkuwan para ilipat ang mga gamit ko sa kabilang silid.
Nasa loob ng banyo si Gavriil nang pumasok ako sa silid niya. Agad kong hinarap ang mga damit ko. Inilapag ko sa kama ang lahat para ma-empty ang kabilang side ng closet.
“What are you doing? Ngayon na ba ang alis niyo? Hindi mo ba nakikitang gabi na?”
Nilingon ko si Gavriil at nginitian.
“Ililipat ko lang sa kabila ang nga damit ko para hindi ka na mahirapan. Saka nakakahiya kapag nakita ni Lola mga gamit ko rito.”
Nagsisimula nang magparamdam si Lola. Basta na lang bumubukas ng closet namin. Alam naman niyang mag-asawa pa rin kami ni Gavriil, kung makabukas ng closet, e, parang kanya. Parang siya ang asawa. May nakita akong dress niya na ginamit nakaraan, nasa mismong sabitan ko pa. Kaya ako na mag-a-adjust. Kailangan ko silang bigyan ng privacy.
Hindi nakaimik si Gavriil. Basta na lang niya kinuha ang damit na nasa ibabaw at lumabas na.
Nakaapat na balik ako sa silid namin. Huli kong binalikan ang toiletries ko. Wala rin akong tinirang gamit ko sa banyo. Ngayon, hindi na kailangang pumasok ako sa silid niya basta-basta. What if bigla na lang akong pumasok tapos kasama niya si Lola? Magalit pa siya sa akin. Diyos ko, kasalanan ko pa, ‘di ba?
Mas maiging ganito na ang set up namin para masanay na ako. Para kapag dumating na sa panahong malakas na ang loob ko, hindi na ganoon kahirap mag-adjust. Nakikinita ko na kasi sarili ko, hindi ko pala kaya ang ganitong buhay. Hindi ko kailangang pahirapan ang sarili ko. Kailangan kong makabalik nang pag-aaral sa susunod na taon. Napilitang tumigil kasi ako dahil naging maselan ang pagbubuntis ko. Saka dahil na rin sa kagustuhan ni Gavriil na makabalik agad sa trabaho niya rito.
Sa loob ng dalawang araw, hindi nagkakatagpo ang landas namin ni Gavriil. Bago kasi siya umuuwi, nakakaluto at nakakakain na ako. Hindi naman siya sumisilip sa anak namin dahil may monitor naman sa silid niya.
Maaga kaming gumayak ni Maria nang dumating ang araw ng Martes. Nasa sala na kami, hinihintay ang paglabas ni Gavriil ng silid.
As usual, naka-business suit siya. Sanay na akong makita ang ganoong ayos niya, pero hindi ko pa ring maiwasang mapatingin sa ayos niya. Magandang lalaki naman kasi talaga si Gavriil. Minsan, napapagkamalan ng mga kapitbahay namin dito na artista siya. Saka bagay raw sa kanya ang ganyang suot. Para siyang CEO ng isang malaking kumpanya rito.
“Paalis ka na? Ngayon din ang alis namin ni Maria.” Karga ko ang anak namin nang lapitan siya.
Hindi siya umimik. Inilapit lang niya ang sarili sa anak namin at hinalikan sa noo.
“Keep me posted kapag nakarating na kayo.” Saglit na nilaro ni Gavriil ang daliri ng anak.
“Sige,” ani ko.
Akmang hahakbang siya nang tawagin ko ulit. “Nagluto ako—”
“No need,” putol niya sa sasabihin ko. Tumuloy na siya sa paghakbang palabas ng apartment. Napailing na lang ako.
Binalot ko na lang ang pagkain. Ibibigay ko na lang sa homeless na makikita sa daan.
Actually, hindi naman ngayon ang schedule ko papuntang San Jose. Sa Thursday pa. Gusto ko lang umalis sa bahay kasama ni Maria, ‘yong wala akong alalahanin na uuwi si Gavriil, tapos may kasamang babae. Wala naman akong pakialam pero recently, na-realize kong mali. Nakatulong sa akin ang mga nabasa kong payo dahil nag-post din ako na naka-anonymous. Wala naman kasi akong mapagsabihan dahil sa takot na makarating sa magulang ko.
Nag-check-in ako sa isang hotel malayo sa apartment ni Gavriil. Mas malapit ito sa airport ang pinili ko. Para mabilis lang ang biyahe ko sa Thursday. Nag-hire din ako ng Nanny for two days para kay Maria. Pilipina iyon. Matagal ko nang kilala pero bihira kaming magkita dahil may trabaho din siya. Saka mabait talaga siya. Napabantay ko na siya noon nang kinailangan kong umalis.
Namasyal akong mag-isa habang sila Maria ay nasa hotel. Sobrang lamig kasi noon kaya hindi ko pwedeng isama sa labas. Takot akong magkasakit siya. Baka magaya naman noon na mataranta ako. Mag-isa pa naman ako ng mga oras na iyon.
Ang mag-isa at makapag-isip ang matagal ko nang gustong gawin. Hindi naman ako napapagod kay Maria, sa buhay may-asawa ako napapagod. Pagod na ako kay Gavriil. Dahil lang sa anak namin at sa magulang ko kaya ako nandito pa. Kaya heto, kailangan kong libangin ang sarili ko kahit dalawang araw lang.
Nanood ng sine, kumain sa restaurant at maglibot sa katabing mall ang ginawa ko. May binayaran din akong umupo sa harap ng kinakainan ko sa restaurant na iyon. E-edit ko na lang ng mukha ni Gavriil. Hindi ko naman iyon i-post, ipapapakita ko ‘yon kapag naghanap ng litrato ang magulang ko. At ginawa ko iyon, araw mismo ng kaarawan ko.