Chapter 2: Feel At Home

1482 Words
AIREEN’S POV Araw ng grocery ko kapag Linggo kaya iniwan ko kay Gavriil si Maria. Hindi naman ako nagtatagal sa supermarket dahil ayaw kong magalit siya sa akin. Dapat kahapon ako mamimili dahil wala naman siyang pasok, pero sobrang namamaga ang mga mata ko noon dahil nga sa pag-iyak ko na naman. Nahiya akong lumabas ng silid ni Maria. Hindi nga ako makatingin para tawagin siya noong matapos na akong magluto ng aming pagkain. Napatigil ako sa paghakbang nang makita ang pamilyar na babaeng papasok sa supermarket. May kasunod pa siya. Apat na lalaki. At kilala ko silang lahat dahil madalas na magpunta sila sa apartment ni Gavriil. Sa sobrang dalas, kilalang-kilala ko na sila. Mga katrabaho sila ng aking asawa. Ililiko ko sana ang cart ko nang kawayan ako ni Melvin. Ngumiti lang ako sa kanya at tinuro ang cart kong puno. Ngumiti lang si Lola sa akin, maging ang tatlong mga kasama nila bago ko tuluyang iniliko para kumuha ng mga needs ni Maria. Dahil nga sa marami na akong kulang sa kusina ay natagalan ako sa supermarket. Alam kong mahihirapan din akong sumakay ng bus dahil sa dala ko. Mabuti na lang at may nakasabay akong kapitbahay lang namin na siyang nagpasakay sa akin. Hindi na ako tumanggi dahil gusto ko na ring makauwi kaagad. “I can’t thank you enough, Nolan,” ani ko sa kapitbahay ko nang makasakay ako sa sasakyan niya. “Glad to be here, kid.” Sabay ngiti nito. Para raw kasi akong kawawang bata nang makita niya sa labas ng supermarket kanina. May yakap pa, tapos may dalawa pang hawak sa magkabilaang gilid ko. “Kid? I already have my Maria. How could you call me a kid?” biro ko. “You’re just 21 right?” “Yeah, but I'm turning 22 this month.” “Oh, yeah? Still, you're too young to get married. In the Philippines, is it common to get married if someone gets pregnant? Does the marriage work out? They call it a fixed marriage, right?” Kasalukuyan na siyang nagmamaneho noon pabalik ng apartment. “Sometimes,” tipid niyang sagot. “Oh.” Gusto ko sanang sabihin, depende pa rin sa parents ang desisyon minsan. Pero kadalasan talaga kasi kapag nabuntis or nakabuntis, kailangang mapanagutan. Responsibilidad kasi ‘yan. Swerte na lang ng mga mag-asawang naging successful ang marriage. At kaya rin iyon ang sinagot niya, dahil hindi naman siya sinuwerte. Kaya isang ‘sana all’ na lang, ika nga Same floor lang kami nila Nolan kaya hanggang sa tapat mismo ng apartment ni Gavriil niya ako hinatid. Hindi ko inaasahang bubukas iyon, at ang asawa ko ang iniluwa. May dala siyang trash bag. Seryosong napatingin si Gavriil kay Nolan nang makita ang hawak ng huli. Kasalukuyang binababa noon ni Nolan ang mga pinamili ko. Pero wala na rin doon ang atensyon ko dahil sa ingay na nagmumula sa loob. Bahagya pa akong sumilip. May tawanan at tugtog din akong naririnig. “S-si Maria?” Hindi sumagot si Gavriil, basta lang umalis at iniwan kami ni Nolan. Nagpaalam na rin si Nolan sa akin na papasok na sa unit niya. Dalawang pinto lang ang pagitan namin. Nang makita ako ni Melvin ay tinulungan niya ako. Agad kong hinanap si Lola. Wala rin siya sa sala nang daanan namin. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita si Lola sa kusina, suot niya ang apron ko. Pamilyar rin sa akin ang amoy ng niluluto niya. Walang iba kung hindi ang paboritong spinach pie ni Gavriil. Alam ko ‘yan dahil kay Demi. Lahat na inalam ko sa kanya bago kami magsama ni Gavriil. Ayokong mapahiya naman, kaya inaral ko ang mga paboritong dish ng asawa, na kadalasang sa Greece lang niya natitikman. At isa na nga ‘yang Spanakopita o spinach pie kung tawagin ko. “Hi, Aireen!” bati lang ni Lola sa akin. Alangang ngiti lang ang binigay ko sa kanya. Inilapag ko ang mga pinamili ko sa counter na malapit sa pantry namin. Agad ko namang hinarap iyon para makuha si Maria sa mga kaibigan ni Gavriil. Marunong naman silang mag-alaga, ayoko lang makarinig mamaya kay Gavriil na inasa ko sa mga kaibigan niya dahil sa sobrang tagal ko sa pamimili. “Perfect!” Napatingin ako kay Lola nang marinig ang bulalas niya. “Can I borrow this, Aireen? I forgot to buy this kind of cream.” Hawak na niya ang isa sa ingredient na nabili ko. “S-sure,” sabi ko na lang. Anim naman ang binili ko niyan. Madalas ko kasing nilalagay iyon sa mga dish na para kay Gavriil. Mukhang para naman sa asawa kaya wala namang problema. Pero sa kabilang banda ng aking dibdib, may kirot akong naramdaman. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang kumirot iyon. Hindi pa man ako tapos maglagay ng mga pinamili ko sa pantry nang marinig ang boses ni Gavriil, kausap niya si Lola. Napangiti ako nang mapakla nang marinig ang mahihinang tawa niya. Komportable siyang kausap ang ibang tao, lalo na si Lola. Pero kapag ako, malamig pa sa panahon ngayon ang pakikitungo niya. Kung kakausapin man ako, may halong inis o ‘di kaya galit. Napatigil sa pag-uusap ang dalawa nang makita akong papalabas ng pantry. Hindi na ako tumingin sa kanila, basta na lang ako umalis at pumunta sa sala. Kinuha ko si Maria at pumasok na sa silid ng anak. Doon ko kinulong ang sarili sa maghapon. Lumabas lang ako nang makaramdam nang gutom. Mabuti na lang at nasa balcony sila Gavriil. Hindi ako makikita. Tambak ang hugasin kaya nagpasya akong maghugas na lang muna bago kumain. Mabuti na lang at tulog na ang anak ko. Ininit ko pa ang kinain ko kaya nag-browse muna ako sa social media. Madalang akong gumamit nito dahil wala naman akong hilig dito. Pero dahil gusto ko lang na updated pagdating sa mga kamag-anak ko, lalo na ang pamilya ko, tumitingin ako. Hindi ko maiwasang makaramdam nang inggit dahil kumpleto silang kumain sa labas. Nakita ko rin ang post ng kakambal ko na kasamang kumain sila Mama at Papa kahapon. Nakaramdam tuloy ako nang pangungulila. Namalayan ko na naman na napaluha ako. Isa talaga ‘yan sa rason kung bakit madalang lang ako magbukas. Dahil nalulungkot ako kapag nakikita ko sila. Nakaka-miss sila. Saktong tapos nang pagpahid ko ng luha ko ang pagtunog ng microwave. Nawala sa isipan kong mainit kaya napadaing ako nang mapagtanong sobrang init niyon. Mabilis kong tinapat tuloy sa tubig para mabawasan ang sakit. Napalingon ako sa hambaan ng kusina nang marinig ang boses ni Lola. Saglit akong natigilan nang makita na naman si Gavriil. Namumula na siya dahil sa nainom niyang alak. Mukhang hindi mapaghiwalay ang dalawa. Kung nasaan ang babae, nandoon din si Gavriil nakasunod. “What happened to your hand?” nag-aalalang tanong ni Lola nang makitang nakatapat pa rin sa gripo ang kamay ko. Napa-oh siya nang sabihin ko ang nangyari. Wala namang pakialam si Gavriil sa akin kaya hindi niya magawang tumingin sa ginagawa ko. Nakakailang namang kumain mag-isa habang nasa paligid ang dalawa, kaya dinala ko na lang sa silid ni Maria ang pagkain ko. Nagpahabol pa si Lola sa akin. Bakit daw hinugasan ko ang mga ginamit niya? Ang sagot ko lang, wala naman akong gagawin dahil nakatulog na si Maria. Saka makakahugas pa ba ito, e, mukhang lasing na rin siya? Akala ko, matatapos din agad sila sa pag-inuman. Pasado alas Diyes na ng gabi, nag-iinuman pa rin sila. Hindi ako makalabas-labas dahil lumipat sila sa sala namin. Gusto kong mag-half bath dahil matutulog na ako. Nasa silid namin ni Gavriil ang mga damit ko. Hindi na ako nakatiis, tumayo ako para lumipat sa kabila. Iniwan ko si Maria na himbing na. Lately, maaga siyang natutulog kahit na napakahaba ng tulog niya sa hapon. Ngiti lang ang binigay ko sa mga kaibigan ni Gavriil nang makita ako. Mabilis ang mga hakbang ko na pumasok sa silid naming mag-asawa. Pero napatigil ako nang makitang iniluwa ng banyo si Lola. Naka-roba ito. At mismong ginagamit ko na roba ang suot niya. Si Gavriil naman ay nakapikit, nasa kama. Ngumiti lang si Lola sa akin. Tinungo niya ang closet namin at basta na lang binuksan. May kinuha siyang damit ni Gavriil. Kahit na boxer ay kumuha din siya at sinuot iyon. Normal lang ba sa babae ang magsuot niyon? Saka bakit parang feeling at home si Lola. Feeling kanya rin ang mga damit. Naupo din siya sa kama namin ni Gavriil. Wala namang nangyayari sa amin ni Gavriil, pero parang hindi ko gustong may ibang babaeng umuupo doon. Normal pa ba ang narararamdaman kong ito? Bago pa man ulit mag-react ang dibdib ko ay tinungo ko ang closet ko at kumuha ng mga gagamitin. Lumipat ako sa silid ni Maria at doon naligo. Doon na lang din ako natulog dahil hindi naman pwedeng matulog na katabi ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD