Maaga akong nagising ng umagang 'yun, pero kahit gano'n ay nananatili pa rin ako sa pagkakahiga ko dito sa aking malaki at malambot na kama. Hindi ko kasi maiwasan na isipin 'yung sinabi ni Hanz kagabi habang tulog siya sa sobra niyang kalasingan. Tandang-tanda ko na sinabi niya na mahal na mahal niya si Maggie. Ibig bang sabihin no'n ay si Maggie ang babaeng tinutukoy noon sa akin ni Fritz? Naalala ko kasi bigla 'yung sinabi noon ni Fritz sa akin nu'ng may sakit pa ako sa bahay ni Hanz. Hinding-hindi ko makakalimutan na sinabi niyang may problema nga si Hanz sa isang babae kaya hindi maganda ang timpla ng ugali nito. I have no idea na si Maggie pala 'yun. Buong akala ko kasi ay close lang talaga sila. Kaya pala gano'n na lang siya kumilos kapag kasama ko o kasama namin si Maggie. I t