CHAPTER 01
"ARE YOU THAT SO STUPID PARA HINDI MAINTINDIHAN ANG SIMPLENG INSTRUCTIONS KO?! HUH?"Sigaw niya sa'kin.
Napayuko naman ako dahil doon. Sa buong buhay ko kasi ay ngayon lang ako nasigawan nang ganito.
My Mom loves me.
My Dad really treats me like a princess.
My Kuya Shawn treats me like I'm a fragile person that's why he is so over protective to me, he also like my knight and shining armor who is ready to fight for me in every battlefield.
At 'yun 'yung mga dahilan kung bakit ako nagpipilit na makisama sa lalaking 'to. That even everytime we talked, lagi niyang ipinapamukha at ipinaparamdam sa'kin how much he hates me.
He always dragged me violently.
He pushed me so hard.
Cursed me countless times.
Holding my wrist tightly... at pinapahiya ako sa maraming tao.
Pero anong magagawa ko? Kailangan kong tanggapin 'yun kasi I need him. Kasi ayokong ma-disappoint sa'kin ang mga magulang ko dahil ang pinakamamahal nilang anak ay nagpabuntis sa isang lalaki na hindi naman niya kilala.
At 'yung lalaking 'yun ay ang lalaking kaharap ko ngayon.
"So--sorry."Tanging nasambit ko na lang habang nanatili pa rin akong nakayuko.
"f**k! SHY PA NAMAN ANG PANGALAN MO PERO WALA KANG KAHIYA-HIYA NA PUMUNTA SA BAHAY NG KAIBIGAN KO. CAN'T YOU JUST STAY HERE SA BAHAY?! I DONT NEED A PET NA LAGI NA LANG NAKABUNTOT SA'KIN!"Sigaw niya ulit sa akin at halos mapatalon ako ng bigla niyang hinampas ng kamay niya 'yung vase sa tabi niya at nabasag 'yun.
"KUNG SANA PINALAGLAG MO NA 'YAN NU'NG UNA PA LANG-- EDI SANA WALA AKONG PROBLEMA AT GANO'N KA RIN! BUT YOU CHOOSE TO KEEP IT SO THIS IS THE CONSEQUENCE! f*****g STAY AWAY FROM ME O AKO ANG GAGAWA NANG WAY PARA MAWALA 'YAN PATI NA RIN IKAW SA LANDAS KO!" Sigaw niya at mabilis naman siyang tumalikod at padabog na umakyat sa kwarto niya.
Napahinga ako nang malalim.
'No Shy. 'Wag mo siyang iyakan. 'Wag kang iiyak.'
Pinilit kong ngumiti at umupo para linisin 'yung nabasag na vase pero agad naman na lumapit sa tabi ko si Manang Irma, ang mayordoma dito sa bahay ni Hanz.
"Ako na hija. Umakyat ka na sa kwarto mo at ako na ang bahala dito. Makakasama sa bata kung nagpupuyat ka."Malambing na sabi niya sa akin.
Ngumiti na lang ako at tuluyan na rin akong umakyat sa kwarto ko. Magkahiwalay kami ng room, 'wag na kayong magtaka kung bakit.
Hindi naman kasi kami mag-asawa ehh.
Huminga na lang ako nang malalim before I locked the door at pabagsak na humiga sa kama ko.
Hays. Pa'no nga ba ko napunta sa ganitong sitwasyon?
A MONTH AGO...
"Anong balak mo'ng gawin?" Tanong ng kaibigan ko na si Awie.
"Hindi ko pa alam." Wala sa sarili na sagot ko.
"Shy Alexandria Montes... naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi mo alam? Shy naman, hindi naman pwede na hinatayin mo lang na lumubo 'yang tiyan mo before ka mag-iisip nang actions na gagawin mo. For sure, Tito Sonny will going to torture us sa pagtatanong kung nasaan ka. Idagdag mo pa si Shawn, malalagot talaga kami du'n," sabi naman ni Phil, ang kaibigan ko rin na bakla habang pabalik-balik siya sa paglalakad. I can say na kinakabahan talaga siya.
Nandito lang kami ngayon sa condo ni Awie. Sa sobra rin na pagka-frustrate ko kaya hindi ko namalayan na napa-iyak na pala ako.
"S--sorry. Pati kayo na- nadadamay," sabi ko at agad na tinabon ang dalawang kamay ko sa mukha ko.
Naramdaman ko naman ang pag upo ni Phil sa couch na kina-uupuan ko at agad na hinimas ang likod ko, gano'n din naman ang ginawa ni Awie.
"Sorry rin Shy, ang sa'min lang, masasaktan si Tito kapag nalaman niya 'to pati na rin si Tita. At hindi malabong mapatay ni Shawn 'yung lalaking nakabuntis sa'yo," sabi pa ni Phil at halata mo'ng nag aalala siya.
"Hindi lang naman kasalanan nu'ng lalaki ang nangyayari sa'kin ngayon. Kasalanan ko rin. Kung-- kung hindi sana ako n-nag pakalasing nu'ng gabing 'yun dahil-- dahil sa--"
"Shhhh. Enough okay?" Agad na pagputol ni Awie sa sasabihin ko kasi alam niyang any moment ay maiiyak na naman ako.
Maya-maya ay niyakap nila ako kaya niyakap ko rin sila.
"Bukas na bukas ay sasamahan ka namin sa pagkausap sa Hanz Del Verde na 'yun," sabi pa ni Awie.
"Korak! Kasalan mo man o kasalan niya, dapat panagutan niya ang magiging baby niyo." Pagsang-ayon naman ni Phil.
'Yung naiwang wallet nu'ng lalaki sa hotel na pinagdalhan niya sa'kin halos isang buwan na ang nakakalipas ang tanging mapanghahawakan ko lang ngayon. 'Yun lang din ang tanging dahilan kaya nalaman namin kung sino 'yung lalaki. Ayaw ko mang paabutin pa ito sa Hanz na 'yun pero kailangan--kailangan siya nang magiging anak namin.
Ayoko rin na ma-disappoint sina Dad sa'kin. Kahit alam kong matatanggap nila ang magiging anak ko kung sakali pero hindi sa ngayon-- not now!
Not this time!
Masyadong kumplikado.
Kaya kailangan ko ang lalaking 'yun para hindi na sila mag alala pa sa'kin, at hanggat kaya ko... ililihim ko sa kanila ang tungkol dito.
KINAUMAGAHAN
Maaga akong ginising ni Awie, dito kasi ako ngayon tumutuloy sa condo niya pansamantala.
"Maagang darating si Phil kaya mas mabuti kung maghanda na tayo," sabi niya habang humikhikab pa. Umupo na ko sa kama at nag-nod sa kanya, tatayo na sana ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko.
Halata ko na agad na may takot ang mga tingin ni Awie sa'kin nang mag-ring ang cellphone ko dahil napatigil siya sa paglabas ng pinto. I also admit that my heart start to beat faster because of it.
I reach my phone at the table.
MY KUYA's Calling...
"Sino 'yan?" Tanong ni Awie at lumapit sa pwesto ko.
"Si Kuya. " I answered.
Bigla siyang nag-panic na para bang hindi alam ang gagawin at umupo sa tabi ko.
"A-ako na ang kakausap," she offered and reach my phone. Ni-loud speaker niya 'yun para siguro marinig ko ang isasagot ni Kuya sa kabilang linya.
[Shy? My princess... umuwi ka na please.] Malambing na sabi ni Kuya sa kabilang linya.
I bit my lower lip not when I heard how concerned he is.
[Mom and Dad are worried especially me. Hinahanap ka na rin ni Sochie Where are you? Susunduin ka ni Kuya.]
Napa iwas ako nang tingin. Miss na miss ko na rin si Sochie, ang bunsong kapatid namin na lalaki. Thirteen years old pa lang siya.
Sorry Kuya. I'm sorry.
"Kuya Shawn." Unang bati ni Awie. Ilang segundo na natahimik si Kuya sa kabilang linya pero nagsalita na ulit siya.
[Awie is that you?]
"Yes Kuya. It's me."
Napansin ko ang ilang beses na paglunok ng laway ni Awie at masasabi kong kinakabahan talaga siya. She's not really good at lying but she can.
Mabait si Kuya, sobrang bait-- pero masama rin siyang magalit.
[Where's Shy? Gusto ko siyang makausap.]
Tumingin sa'kin si Awie asking my permission if I should talk to him but I just shrugged my head in disagreement.
I can't talk to him right now.
"I'm sorry Kuya Shawn, pero ayaw niya pang makausap ka. "
Tumahimik ulit si Kuya sa kabilang linya but after a minute...
[Okay then. But please Awie, make sure that she's in good hands alright? Don't you dare to let her alone or else, ikaw ang malalagot sa'kin.]
"Ku--kuya Shawn naman ehh, 'wag mo nga akong takutin. Oo na, ako na ang bahala kay Shy okay? Bye," sabi ni Awie, mukhang may sasabihin pa si Kuya pero agad na niya itong pinatayan nang tawag.
Sabay kaming napabuntong hininga.
"Oh sige na magbihis ka na nang makaalis na tayo," sabi pa niya at tumayo na.
Pinigilan ko naman siya sa pamamagitan nang paghawak ko sa kamay niya.
"Thanks Awie. Hayaan mo, kapag na kapag-usap na kami ng tatay nitong dinadala ko... sasabihin ko na sa kanya ako titira." Mahinang sabi ko.
Bigla namang lumungkot ang mukha niya saka siya nagsalita. "Hindi naman kita pinapaalis Shy eh."
"Alam ko. Pero alam ko rin na sooner or later, pupuntahan na rin ako ni Kuya dito. Ayokong madamay kayo ni Phil sa problema ko." Sagot ko sa kaniya.
Nag-sighed na lang si Awie kasi alam niyang wala na siyang magagawa dahil determinado na ko sa mga sinasabi ko.