THIRD PERSON's POV Nagpapakasaya lang at nag-iinom ng marami si Hanz ng gabing 'yun sa isang bar. Hindi 'yun ang bar na pag mamay-ari ng kaniyang kaibigan na si Fritz dahil ayaw niyang makita siya ng lalaki kasi tiyak na magtatalo na naman sila ng dahil kay Shy. Kalalabas pa lang niya sa shop niya ng mga oras na 'yun at dumiretso siya agad sa bar. Kasalukuyan na nakaupo siya sa isang stool kung saan madaming babae sa paligid niya ang lapit nang lapit sa kaniya habang patuloy lang ang pag-iinom niya ng alak. Halos karamihan kasi ay kilala siya ng mga tao dahil nga sikat siya at mas lalong sikat siya pag dating sa mga babae. Kilala kasi siya bilang ‘Hanz Del Verde, the Ultimate Womanizer’. Sa barkada niya ay siya lang talaga ang madaming babae. Siguro nga dahil talagang malapit ang mga