THIRD PERSON's POV Habang nagmamaneho si Hanz ng kanyang mamahaling sasakyan ay hindi niya maiwasan na isipin ang naging pag-uusap nila ni Shy ng umagang 'yun. "Ano kaya ang plano niya?" Na itanong na lang niya ang mga kataga na 'yon sa isipan ni Hanz habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manibela at ang isa naman ay nakapatong lang sa nakabukas na bintana ng kotse niya. Ramdam din niya ang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. 'Kung talagang gusto niya nang umalis sa bahay ko, dapat tinanggap niya na lang ang alok ko na bibigyan ko siya ng pera. What is the sense of staying at my house and finding a job? Nag papaawa lang ba siya sa akin? ' na itanong na naman niya pero ng mga sandaling 'yon ay nasa isipan na lang niya 'yon. Wala kasi siyang tiwala kay Shy kaya naman kinu-kwe