HANZ DEL VERDE's POV
Hindi ako pwedeng mag kamali.
'Yung mga mata niya-- 'yung mga tingin niya... siya nga 'yung babaeng 'yun!
FLASHBACK
I am just sitting here at the office when my phone rang. My lips immediately formed a smile when I saw her name at the screen.
Maggie's Calling
"Hello Baby," I said with a smile.
[Hahaha you never change Hanz. BTW, guess what?] She sounded really excited.
"What?" I asked. I can't help it but to feel excited too.
[I'm back.]
"What? Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
[YES.]
"Kailan pa? Alam na ba 'to nila Zeid and Caerus?"
[Hindi pa. Sa'yo ko pa lang sinasabi. So, can we meet? ]
Fuck!
I've waited long to meet her again. Almost 6 months siyang nawala and I really miss her.
"Of course, text me the place and I'll be there." Sagot ko.
[Okay. I'll wait you. Bye. ]
And she hung up the call.
After a minute she send the address and when I'm about to stand , my secretary came.
"Sir, Mr. Hashiro wants to talk to you now. Pag uusapan niyo raw po 'yung malaking business proposal niya para sa'yo," she said.
Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.
"Cancelled it. I have an important person to meet. Okay?" I said.
"Pero Sir, ito po 'yung matagal niyo nang hinihintay na deal," sabi pa niya.
"Dianne, this is more important than that. If Mr. Hashiro ask about me, tell him that it's very important." Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya at tuluyan nang umalis.
Mabilis akong pumunta sa ground floor and use my favorite car of all. By the way, I'm Hanz Del Verde... I just own the most popular and legendary La Car Del Verde dealership here at Hordville. Well, mga sikat lang naman na personalidad ang bumibili ng sasakyan sa'kin that's why I'm also popular.
And Maggie? Maggie is my ultimate love. My first love. And love of all. But she's not my girlfriend.
She is really important to me.
Siya lang ang minahal ko ng ganito, I have a lot of flings because of her. I promise to myself na wala akong ibang seseryosohin at mamahalin na babae kung hindi lang naman siya ang babaeng 'yun. Matagal ko na siyang pinapangarap pero kahit kailan, hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
Maybe because I'm afraid of rejection?
O sadyang sapat na sa'kin ang set up namin? Nakakasama ko siya, nakaka-bonding, we're sweet and for me that's enough. She care for me alot and I care about her too, we're like a couple even though we don't have a label.
After almost 15 minutes ay nakarating na ako sa favorite Cafe niya. Agad ko naman siyang nakita sa loob even nandito pa lang ako sa labas dahil transparent naman 'yung wall.
Napangiti na naman ako nang makita siya.
"Hey." Agad kong bati sa kanya.
She stood up and hug me.
"My god. I miss you Hanz," she said between our hugs.
"Me too."
Magkatapat kaming umupo kaya mas lalo kong nakita ang mukha at ayos niya ngayon. She's really beautiful as ever.
"Nag-order na ako. Alam ko naman ang gusto mo eh," sabi niya at nag-nod na lang ako bilang pagsang-ayon.
She knew me better.
"How are you? Buti naman at naisingit mo ako sa napaka-hectic na schedule mo," sabi niya pa.
"Ikaw pa ba? Alam mo naman na basta ikaw, always free ako," I said while smiling.
Never ko kasi siyang tinanggihan, she's my first priority of all. Siya kasi 'yung asama ko maliban sa mga kaibigan ko when my Mom died and my Dad left me dahil may bago na siyang asawa... pero we're good. Malaki na ako at patay na rin kasi si Mom nang maghanap si Dad ng babae kaya tanggap ko na 'yun.
"Well that's good because I need your whole day on November 16 this year so mark it," sabi niya habang nakangiti.
I frowned because of it.
Magtatanong na sana ako pero saktong dumating na 'yung order niya. Pagkaalis nu'ng waiter ay saka pa lang ako nakapag tanong.
"Bakit? Anong meron?" I asked.
Hindi naman niya birthday that date so what's the occasion? Ngumiti muna siya at may nilabas siyang white envelope with touch of gold mula sa bag niya at ibinigay 'yun sa'kin. Kahit nagtataka ay tinanggap ko 'yun.
When I'm starting to untie the gold ribbon para tingnan kung anong nasa loob no'n ay nagsalita na siya.
"I'm getting married," she excitedly said.
Napatigil ako. Parang may kung anong sumuntok sa puso ko lalo nang makita ko ang saya sa kanyang mga mata at 'yung ngiti na hindi ko pa nakikita sa kanya ever.
Parang sumikip ang necktie ko kaya parang hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin but one thing is for sure-- nasasaktan ako.
"Hey, ano ba? Wala ka man lang ba'ng sasabihin sa'kin? Won't you congratulate me?" Masaya pa ring sabi niya.
Binitawan ko ang envelope na hawak ko at mabilis na tumayo.
"I'm sorry, biglang sumama ang pakiramdam ko. Let's just talk some other day," sabi ko at kahit tinatawag niya pa ako ay hindi ko na siya nilingon pa at tuluyan nang umalis.
'I'm getting married.'
'Yun lang ang paulit ulit na nagpe-play sa isip ko, hindi ko rin makalimutan ang mga ngiti niya kanina.
Fuck!
Ikakasal? Halos anim na buwan lang siyang nawala tapos pagbalik niya ay ikakasal na siya?
Inihinto ko ang kotse ko kahit nasa gitna pa ako ng kalsada, wala akong pakialam. Malakas kong pinalo nang paulit ulit ang manibela ko hanggang sa sunod-sunod ang naging pagbusina ng mga sasakyan sa may likuran ko pero hindi ako nagpatinag. Nanatili lang ako dito sa kinauupuan ko habang iniisip si Maggie.
"Tumigil ka na nga." Saway sa'kin ni Fritz, ang owner nitong bar na pinag-iinuman ko. Kanina pa ako dito kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit pinapa-alis na niya ako.
Nandito lang kami ngayon sa isang private room na pina-reserve ko kahit na hindi naman ako customer dito.
"Teka nga-- kaibigan ba talaga kita?! Hindi mo... hindi mo man lang ba ako dadamayan ngayon?" Inis na sabi ko sa kanya at inagaw dito 'yung alak ko.
"Hanz, I'm your friend that's why I need to stop you from getting drunk." Saway ulit niya sa'kin pero hindi ko na lang siya pinansin.
Alam kong tinitingnan niya ako dahil narinig ko ang malakas na pag buntong hininga niya sa tabi ko.
Umupo siya.
"I'm not on the right place and I know this is not the right time to tell you this but-- you need to accept it Hanz. Maggie is getting married, ikakasal na siya! Kaya, tigilan mo na ang kalokohan na 'to.”Mahinahon na sabi niya sa'kin.
Malakas kong naibagsak ang hawak kong baso at mabilis kong hinawakan nang dalawang kamay ko ang collar ng polo niya.
"It's easy for you to say that kasi wala ka sa kinalalagyan ko. MAHAL KO SI MAGGIE AT SAPAT NANG DAHILAN 'YUN PARA MAGKAGANITO AKO!" Sigaw ko pero nanatili lang siyang walang kibo habang nakatingin sa'kin.
I can't help it but to smirk.
"Ano nga bang aasahan ko sa'yo? Eh wala ka namang alam tungkol sa ganitong bagay, dahil ikaw mismo... INIWAN MO--"
"'Wag mo nang ituloy. Alam kong lasing ka kaya hindi kita papatulan," sabi niya at dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak ko sa polo niya.
Binitiwan ko naman 'yun at itinuloy na lang ulit ang pag iinom ko.
"Hindi ko na kailangan pa na mapunta sa sitwasyon mo para maintindihan kita, the fact na mali ang ikinikilos mo... alam ko ang dapat kong sabihin," sabi niya at tumayo na. "Pindutin mo lang 'yan kung may kailangan ka pa."
At walang lingon-lingon na lumabas ng kwarto. Pinilit ko na hindi na lang pansinin ang naging pag-uusap namin ni Fritz pero hindi ko kaya, kaya naman ay mabilis kong kinuha ang jacket ko at kahit nahihilo na ako sa sobrang kalasingan ay lumabas na ako ng private room.
Lahat nang madadaanan ko ay tumatabi sila para bigyan ako ng daan. Dapat lang na gawin nila 'yun dahil sa pagkakataong ito, wala akong papalagpasin kahit sino pa sila. Lalabas na sana ako sa may pinto pero may isang babae du'n ang nakaharang habang nakatalikod sa puwesto ko.
"TABI!" Sigaw ko at mabilis ko siyang itinulak papunta sa gilid.
"Hmmp." Mahinang impit niya at saka napahiga siya sa sahig. Binatuhan ko lang siya nang masamang tingin pero hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabunan 'yun ng buhok niya. Hinintay ko na kumibo siya pero hindi na siya gumalaw.
Tuluyan na sana akong lalabas ng pinto at hindi na sana siya bibigyan nang pansin pero binatuhan ko pa ulit siya nang tingin-- nasisiguro ko na nawalan na siya ng malay. Kahit gusto ko siyang pabayaan ay hindi ko 'yun magawa at mabilis na lumapit sa kanya at binuhat.