"Sure ka ba na 'yan 'yun?" Tanong ni Awie habang nakasilip kami ngayon dito sa bintana ng sasakyan ni Phil.
Tiningnan ko naman ulit yung calling card na nakalagay sa wallet nu'ng lalaki na nakatalik ko nga nu'ng gabi na nalasing ako.
'La Car Del Verde' Car Dealership
At 'yun nga 'yung nakalagay sa mismong building na 'to.
"Mukhang ito na nga 'yun," sabi ko.
"So, ready ka na ba girl?" Tanong naman ni Phil.
"O--oo?" Hindi siguradong sagot ko. Sobrang kinakabahan na kasi ako. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari o kung tatanggapin niya ba ang sasabihin ko, kaya lang kailangan ko talagang gawin 'to eh. Siya na lang ang tanging alas ko.
"Oh ano? Tara na?" Tanong sa'kin ni Awie at umiling naman ako bilang sagot.
"Ako lang ang pupunta." Mahinang sagot ko sa kaniya. Napatingin sila sa'kin ng may pagtataka.
"Nababaliw ka ba?" Tanong ni Awie na halata mong hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"You can't go there alone," sabi naman ni Phil.
"Look Shy, hindi pwedeng haharapin mo siya nang mag-isa. Eh hindi mo nga kilala ang ugali ng lalaking 'yun. No! Sasamahan kita." Pagpipilit pa ni Awie.
Hinawakan ko naman ang kamay niya saka nagsalita. "Awie, problema ko 'to. Kaya please, hayaan mong lusutan ko muna ito ng ako lang. Huwag kang mag aalala, babalik din ako agad. "
Wala naman na silang nagawa pa kundi pumayag dahil alam nilang desidido na ako sa sinabi ko.
Pumasok na ako sa loob nu'ng building.
"Hello Ma'am. What can I do for you?" Tanong nu'ng babae na nasa front desk.
"Ahm... I'm looking for Hanz Del Verde." Sagot ko.
"May appointment po ba kayo kay Sir?" Tanong niya pa. Inilabas ko naman 'yung calling card nu'ng Hanz at pinakita sa kanya.
"Binigay niya ito sa'kin kasi balak ko'ng bumili ng kotse. He told me that, he is going to assist me personally if I buy one."
Alam kong masama ang magsinungaling pero kabisado ko na ang mga ganitong bagay, kung wala kang appointment they will never entertain you.
"Gano'n po ba? Umakyat na lang po kayo sa 4rt floor at nandoon po ang office ni Sir,"sabi niya. Nag-thank you na lang ako at nag-bow saka tumalikod na sa kanya para umakyat.
Bawat hakbang ko ay kinakabahan ako. Habang papalapit ako nang papalapit sa office niya ay lalo akong nangangamba. Tama naman kasi si Awie ehh, hindi ko kilala ang lalaking 'yun tapos maghaharap kami ng may dala akong nakakabiglang balita. Bahala na nga! Wala na kasing atrasan pa to.
Ito na siguro ang office niya kasi may nakalagay pang name niya sa mismong pinto. HANZ DEL VERDE.
I breathed heavily before I knock on his door.
"Come in." Sagot niya mula sa loob.
Hoooooh! This is it Shy, you can do it. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko agad siya nakita dahil saktong nakatalikod siya sa pwesto ko habang nakaupo sa swivel chair niya. Mabagal akong naglakad papasok.
"G-- good morning." Kinakabahang bati ko. Napapalunok pa ako ng laway sa sobrang kaba.
Parang nag-slow motion ang pag-ikot ng upuan niya paharap sa'kin hanggang sa magtama na nga ang mga mata namin. Lalong naramdaman ko ang bilis nang t***k ng puso ko.
He frowned at me and stared straight into my face that's why I couldn’t help but feel nervous.
Nangliit din ang mata niya at parang seryosong tinitingnan ang mukha ko.
"Who are you?" he asked directly.
Natigilan ako dahil sa tanong na 'yun. Wait? Hiindi niya ba ako natandaan?
"Are you a client?" Pagdudugsong na tanong niya pa. Napalunok muna ako ng laway bago sumagot.
"Hi-- hindi." Mahinang sagot ko. Sumandal siya sa pinagkaka upuan niya habang diretso pa rin na nakatingin sa akin.
"Sit down," sabi niya at tinuro niya pa 'yung upuan na nasa harapan ng lamesa niya. Dahan-dahan naman akong umupo du'n.
Sobrang kinakabahan na talaga ako. I can say na hindi mabait ang mukha niya pero gwapo talaga siya... alam niyo 'yun? 'Yung medyo may pagka angas ang mukha niya. Gano'n!
Tinitingnan niya pa rin ang mukha ko at parang inaalala kung sino ba talaga ako.
"You know what, hindi ko ugaling mag-entertain ng mga tulad mo na hindi kliyente pero dahil nandito ka na. Papalagpasin ko 'to," sabi pa niya ulit habang nakatingin pa rin sa'kin.
I gulp badly. Kinakabahan talaga ako.
Mukhang nagsasabi kasi siya ng totoo about sa hindi niya raw ako kilala.
"Well hindi ka naman siguro isa sa mga ex ko. Tama ba?" he asked. I just shrugged my head as my answer.
"Good. Hindi kasi pamilyar ang mukha mo sa'kin. So, may I know--- who are you?" Tanong niya at tumayo sa pinagkaka upuan niya.
Lumapit siya du'n sa may table kung saan merong nakapatong na mga alak. Kinuha niya 'yung baso at nagsalin nang maiinom. Agad ko namang kinuha yung wallet niya sa may bag ko at ipinatong 'yun sa working table niya.
Pagharap niya sa pwesto ko ay agad na nakaagaw nang atensyon niya 'yung wallet na ipinatong ko, halata kong nabigla siya dahil du'n kasi napatigil siya sa pagkilos.
Lalong kumunot ang noo niya
"Paano napunta sa'yo ang wallet ko?" he asked and immediately grab it.
Tumingin na siya sa akin at hinihintay na niya ang isasagot ko. Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita.
"Buntis ako at ikaw ang ama. "Diretsong sagot ko, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Hindi ako nakatingin sa kanya kaya hindi ko nakita ang naging ekspresyon niya sa sinabi ko.
Makalipas ang halos ilang minuto ay nabigla ako nang sumulpot siya sa harapan ko at umupo sa katapat kong upuan. This time ay binatuhan ko na siya nang tingin. Napansin ko na parang naiinis siya pero mabilis lang din 'yung nawala at pumalit ang pag angat ng gilid ng labi niya... mukhang hindi siya naniniwala kaya lalo akong kinabahan.
Pero naiintindihan ko siya, kung ako rin naman kasi ang nasa kalagayan niya ay mahihirapan din akong maniwala lalo na kung isang stranger na tulad ko ang nagsabi ng bagay na 'yun.
"You've told me that you're not one of my ex girlfriends. So how can you say those s**t? Look Miss, hindi ako pinanganak kahapon para paikutin mo lang ako... marami nang sumubok sa'kin gaya ng strategy mo but they are all failed." Chill lang na pagkakasabi niya at saka sumandal pa siya sa inuupuan niya at sabay nag de kwarto sa harapan ko.
I gulped badly because of what he have said and after seconds, I took a deep breath before I answered him.
"Hindi ako nagbibiro. Hindi ako nagsisinungaling, nagsasabi ako ng totoo. Ikaw talaga ang ama nang dinadala ko," I said firmly and calmed at the same time.
Nakita ko ang biglaang pagbabago ng aura niya at ang matalim na mga tingin na ibinabato niya sa'kin. Mukhang binabasa niya ang mga mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo pero maya-maya pa ay halos mapa talon ako dahil sa malakas na pagpalo na ginawa ng kamay niya sa lamesa niya. Lalo akong nakaramdam nang kaba.
He grab my shoulder violently.
"So, how sure you are na maniniwala ako sa sinasabi mo? YOU CAN'T JUST COME HERE AND CLAIMED THAT YOU ARE PREGNANT BY ME! " Galit na sigaw niya.
I bite my lower lips because I am really scared right now.
I could see the anger and shock in his eyes because of what I've said. I just stared at him because I could not speak out of fear and he was also staring at me. I was nervous and my heart started beating fast.
Nagbibiro lang ba talaga siya na hindi niya ako maalala? O totoong hindi niya ako kilala?
Magkatitigan pa rin kaming dalawa pero maya-maya ay dahan-dahan niyang binitawan ang mahigpit na pagkakahawak niya sa mga braso ko na para bang napaso siya. Para bang may nakita siya na kung ano sa mga mata ko.
"T-that look," sabi niya ng hindi makapaniwala. Agad siyang napalayo sa'kin at napatayo sa kinauupuan niya.