SHY's POV
"T-that look," sabi niya ng hindi makapaniwala. Agad siyang napalayo sa'kin at napatayo sa kinauupuan niya. Mabilis din naman akong tumayo at lakas loob na hinarap siya.
"Maniwala ka sa'kin. Totoong buntis ako at ikaw ang ama. Wala akong dahilan para lokohin k-- ahhh." Napaimpit ako sa sakit dahil sa nararamdaman ko ng bigla niyang higitin nang marahas ang braso ko at hinawakan niya na naman ito nang mahigpit.
"Kapag hindi ka tumigil sa kakasabi na nabuntis kita, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. KAYA UMALIS KA NA!" madiin na wika niya at malakas niya akong itinulak sa may part ng pinto. Napalunok ako ng laway
"ALIS!" sigaw niya ulit sa pangalawang pagkakataon at itinuro niya pa ‘yung pinto. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sobrang galit habang nakatingin sa akin.
Kahit natatakot ay huminga ako nang malalim at nilabanan ko ang mga masasamang tingin na ibinabato niya sa'kin. ‘Para sa baby namin.’
"Babalik ako... at kahit itaboy at ipagtulakan mo ko nang paulit-ulit. Hindi ako titigil hangga't hindi mo ko tinutulungan,” sabi ko sa kanya at tuluyan na akong lumabas ng opisina niya.
Laglag ang balikat ko habang naglalakad sa hallway at saka napahinga ako ng malalim. Mukhang hindi magiging madali ang lahat para sa'kin saka na rin para sa baby, pero kahit anong mangyari ay hindi ako susuko.
Nang tuluyan na akong nakalabas ng building ay pinilit kong ngumiti dahil ayokong mag-alala sa'kin sina Awie ay Phil, nakangiti lang ako habang pabalik sa may parking area kung saan nakapark ‘yung kotse.
"Ano? Kamusta?" agad na tanong ni Awie nang makasakay na ako.
Binatuhan ko sila nang isang simpleng ngiti. "Okay naman. Kaya lang hindi kami nakapag-usap ng maayos kasi may kailangan daw siyang puntahan na importanteng meeting pero pinapabalik naman niya ako.”
Sabay silang napahinga ng maluwag.
"Hayyss. Salamat naman kung ganon at papanagutan ka niya," sabi ni Phil.
"Buti na lang talaga, dahil kung hindi, lagot siya sa'kin.” Napatawa naman ako ng pilit sa mga naging komento nila.
"Tara na. Medyo napagod ako eh. Gusto ko nang magpahinga." mahinang sabi ko sa kanila.
"Okay. Sige. Gora na tayo,” wika ni Phil at saka ini-start niya na ‘yung engine ng sasakyan niya at nagsimula na siyang mag-maneho. Habang unti-unti nang umaandar ‘yung sasakyan ay hindi ko naman matanggal ang paningin ko sa kabuoan nu’ng building dito sa labas ng bintana.
‘Sana sa susunod na punta ko diyan ay kausapan mo na ako ng maayos. Sana ‘wag mo na kong ipagtabuyan pa dahil ayokong mahirapan ang baby natin.' hindi ko mapigilan ang sarili ko na sambitin ang mga kataga na ‘yon sa isipan ko.
Hindi ko rin maiwasan na maalala ‘yung mga titig niya sa'kin kanina... tandang-tanda ko na tulad pa rin ‘yon nu’ng gabi na may nangyari sa aming dalawa. Punong-puno ‘yun ng sakit, pagsisi, lungkot at galit. Napakadilim ng aura niya na para bang kaya mo ‘yung maramdaman sa pamamagitan lang nang pagtitig niya sa mga mata mo, sobrang lamig nu’n at parang walang kabuhay-buhay.
Kung saan man nagmumula ‘yung sakit na dinaramdam niya ay hindi ko na gugustuhin pang malaman. Meron na akong sariling sakit at problema na kailangang intindihin.
Basta kahit anong mangyari ay kailangan niya akong tulungan. Kailangan niya akong panagutan.
Pagkarating namin sa hotel ay agad na rin na nagpaalam sa amin si Phil, “Hindi na ako aakyat pa sa taas huh, may kailangan pa kasi akong balikan na trabaho,” wika niya sa habang tinatanggal na namin ‘yung seatbelt namin.
“Ganon ba, okay sige,”sagot ni Awie.
“Salamat Phil,”sabi ko naman sa kanya at muling ngumiti.
“Alagaan mo ang sarili mo huh,”bilin niya sakin at nag-nod naman ako bago kami tuluyang lumabas ng kotse niya. Pakiramdam ko ay sobrang pagod na ako para sa kalahating araw na lakad namin kaya kailangan ko nang magpahinga.
Pagkarating namin sa unit namin ay pinagbuksan ako ng pinto ni Awie at saka nauna na akong pumasok sa kanya pero agad akong napatigil sa paglalakad ko.
“Ano pa lang gusto mong kainin?”
Tanong ni Awie mula sa likod ko pero hindi ko ‘yun nagawang sagutin dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon dito.
“Kuya Shawn.” Gulat na banggit ni Awie sa lalaking naging dahilan nang paghinto ko rin, halata sa boses niya ang pagkagulat. Mabilis akong napayuko dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang ginagawang pagtitig ni Kuya sa akin. Lumapit si Awie sa tabi ko.
Kahit hindi sabihin ni Awie ang nararamdaman niya ay alam kong kinakabahan siya at natatakot kay Kuya Shawn.
“Mag uusap kami ni Shy.” walang emosyon na mababakas sa tono nang pananalita ni Kuya.
“O—okay. Lalabas muna ako.”Tumalikod na nga si Awie pero bago siya lumabas ay mabilis niya akong binatuhan nang tingin at kitang-kita ko sa mga mata niya ‘yung-pag aalala. Ngumiti ako ng simple sa kanya para ipaalam na okay lang ako at para hindi na siya mag-alala pa ng sobra.
Tuluyan na siyang lumabas at doon ko pa lang hinarap si Kuya.
Naglakad ako palapit sa kanya na parang wala lang at at aka nilampasan siya para tumuloy sa kwarto ko, naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin kaya hindi ko na kailangan pa na lingunin siya.
“Ano bang nangyayari sayo Shy? Ngayon mo pa ba ‘to gagawin sa’min? ‘Wag mo na kaming pahirapan pa, bumalik ka na sa bahay!” madiin na wika ni Kuya sa may bandang likuran ko, base sa tono ng boses niya ay alam kong pinipigilan niya lang ang inis niya sa akin. Umupo ako sa kama nang makarating ako sa kwarto pero hindi ko pa rin siya tinitingan, nanatili lang akong nakatingin sa sapatos niya.
“Please Shy. Meron kaming rason kung bakit hindi namin sinabi sayo. Kaya kung pwede, bumalik ka na.”
This time ay binatuhan ko na siya nang tingin. At kahit pigilan ko ‘yung lungkot ay hindi ko pa rin ‘yun magawang itago, kaya iniwas ko na lang ulit sa kaniya ang mga mata ko.
“Hindi ba na mas maganda ‘to Kuya? Para masanay kayo na wala ako,”sagot ko sa kaniya.
Mabilis na umupo si Kuya sa tabi ko at marahan niya akong pinaharap sa kanya at tiningnan nang diretso sa mga mata ko.“Ano bang sinasabi mo?”inis na sabi ni Kuya sa akin.
Napapikit siya ng mabilis at alam kong kinakalma niya na ang sarili niya at saka muling tumingin sa akin. “Please Shy, kailangan mong sumama kay Ginno. Kapag tumagal ka pa dito, hindi na namin alam ang gagawin, kailangan mong sumama sa kaniya sa America, kaya ‘wag ng matigas ang ulo mo. Umuwi na tayo.”
At hinawakan na ni Kuya ang kamay ko para sabay kaming tumayo pero hinawakan ko rin ang kamay niya pabalik kaya napatigil siya. Nang batuhan niya ako nang tingin ay dahan-dahan akong umiling sa kanya. Lungkot ang gumuhit sa mukha ni Kuya.
"I can handle myself. From now on, I'll be the objectives of my actions." I answered, softly.
Tinapangan ko lang talaga ang loob ko kasi ayokong bumigay sa harapan ni kuya lalo na at nakikita ko ang lungkot sa ekspresyon ng mukha niya.
Tama na sa akin na siya lang ang nakikita kong malungkot nang dahil sa'kin, dahil kapag dumagdag pa sina Mom, Dad at saka si Sochie... for sure hindi ko na ‘yun kakayanin pa.
AWIE's POV
Hindi ako mapakali habang pabalik-balik lang ako sa paglalakad dito sa pathway sa labas ng unit ko.
Nag-uusap kasi sina Shy at Kuya Shawn sa loob, mas pinili ko na lang na lumabas para maiwasan ko rin ang pwedeng itanong sa akin ni Kuya. Kapag kasi siya ang kaharap ko, hindi na masyadong mag-function ng tama ang utak ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Takot kasi talaga kami ni Phil sa Kuya ni Shy. Well, hindi naman siya masungit o basta-basta na lang nagagalit, ina-analyzed niya pa rin naman ‘yung mga problema bago siya magsalita o magbigay ng opinyon... pero ‘yung fact na masama siyang magalit, doon kami natatakot.
He can hurt you through his own words. Ipapamukha niya kasi talaga sayo ang kamalian mo. Kapag alam niya na mali ka, he never think twice or he never use sugar coated words and he will said it to your face. Masakit kasi siyang magsalita, pero lahat naman nang sinasabi niya ay totoo at may punto, kaya wala kaming magagawa kung hindi ang makinig lang.
But the amazing part of him is... basta pagdating kay Shy, para siyang nagiging maamong tupa. He loves Shy very much. Siguro dahil iisang babae si Shy kaya over protective siya. Kuya Shawn is the oldest, isa siyang mechanical engineer dati pero ngayon ay isa na siyang marine engineer. He is already 27 years old, still single and, mukhang wala pa sa bokabolaryo niya ang salitang pagpapakasal.
Ang sumunod sa kanya ay si Shy, isa naman siyang architect pero wala siyang trabaho at wala siyang balak magtrabaho kahit marami sa kanya ang nag-offer ng mga projects or mga company after and before graduation. 24 years old na siya. Si Sochie naman ang bunso, he is now 13 years old.
Si Tita Shaina naman ang Mother ni Shy, isa siyang interior designer while ang Dad naman niya na si Tito Sonny ay isang kilalang engineer. Pamilya talaga sila ng engineer kaya sobrang kilala at successful na sila sa kanilang field. Hindi na nga ako magtataka kung maging engineer or architect din si Sochie someday.
By the way I'm Awie Cuh. Half Filipino and half chinese. Isa naman akong license photographer sa isang kilalang magazine agancy. While Phil Grayson is a professional make up artist at isa rin siyang owner ng isang bake shop. Mahilig din kasi kaming mag-bake, lalo na si Shy.
Maya-maya pa ay napatigil na ako sa paglalakad dito sa pathway nang biglang bumukas na ‘yung pinto ng unit ko. Agad na nagtama ang mga mata namin ni Kuya Shawn. Bakas sa kanya ang lungkot at sakit na nararamdaman kaya mabilis kong naiyuko ang paningin ko sa kanya at napalunok din ako ng laway.
Sana naman hindi niya ako pagalitan. Cross fingers!
"Aalis na ako," mahinang sabi niya. Awtomatikong nag-nod naman ako nang sunod-sunod dahil du’n.
"I-ingat ka po Kuya.”Obviously, nilakasan ko lang ang loob ko para sabihin ‘yon.
Hindi ko pa rin siya tinitingnan at tanging ‘yung sapatos niya lang ang nakikita ko, humakbang na siya palabas ng unit ko at papasok na rin sana ako pero bigla niya akong tinawag kaya nagsimula na namang bumilis ang t***k ng puso ko.
Napalunok pa ako ng laway habang dahan-dahan akong humaharap sa kanya. "Ba-bakit, kuya?"
Umiwas siya sa akin nang tingin pero ganon pa rin ang ekspresyon ng muka niya, malungkot pa rin. “I hope you will tell me every single details of what's going on with Shy. Everything Awie! Everything!" He said firmly, not begging... but in order.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kasi nasa panig ako ni Shy pero dahil si kuya Shawn ‘to, kaya napilitan akong tumango sa kanya.
"Okay. I'm counting on you," he scoffed, and then left.
Nang tuluyan na siyang makaalis ay doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. Nagmadali akong pumasok sa loob para kamustahin si Shy pero nakahiga na siya sa kama niya. Nang maramdaman niya ata na nakapasok na ako sa kwarto ay mabilis siyang tumalikod sa pwesto ko.
"Pakipatay na lang ‘yung ilaw Awie. Hindi na ako kakain, busog pa ako,” mahinang saad niya. Napabuga na lang ako nang hininga at pinatay na nga ‘yung ilaw at saka laglag ang mga balikat na pumunta sa kusina. Base sa tono ng boses niya kanina ay alam ko na agad na umiiyak siya.
KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising para magluto ng almusal namin ni Shy. Nagluto lang ako ng bacon, egg, hotdog, fried rice, toasted bread at naghanda na rin ako nang lukewarm milk.
Nang matapos na ang lahat ay nagpunta na ako sa may kwarto na tinutulugan ni Shy. Kumatok muna ako pero hindi naman siya sumagot sa loob kaya binuksan ko na ‘yung pinto.
"Shy, gising na--" Agad akong napatigil sa pagpasok ko at hindi ko rin natuloy ang sasabihin ko nang agad na makita ko na wala si Shy sa may kama. "Shy?!" tawag ko pa pero wala pa ring sumagot sa akin. Hinanap ko siya sa may banyo pero wala pa rin siya.
Hindi ko maiwasan na tingnan ‘yung cabinet niya at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na nandon pa rin ‘yung mga gamit niya. Hooh.
Bigla kasing pumasok sa isip ko na baka nawala siya o naglayas. Buti na lang at hindi.
Pero nasaan naman kaya ang babaeng ‘yun? Ang aga-aga pa, at saka hindi ko man lang namalayan ang pag-alis niya. Saan siya nag punta?