CHAPTER 08

2100 Words
Mabilis ko lang na binayaran ang pamasahe ko kay Manong driver ng taxi na sinakyan ko at agad nang pumasok sa may Hotel. Sumakay na rin ako sa elevator hanggang sa makarating na nga ako sa condo unit ni Awie. Nag-doorbell lang ako at wala pang tatlong segundo ay bumukas na 'yun at bumungad sa akin ang ekspresyon ng mukha ni Awie na parang aligaga. Magtatanong pa lang sana ako sa kanya kung may problema ba pero hindi ko na 'yun nagawa pa dahil nabigla na lang ako nang mabilis niya akong hinigit papasok sa condo niya at agad na sinarado yung pinto. “Bakit ba hindi kita matawagan huh?!” Parang naiinis na tanong niya sa akin kaya hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo. “Nakapatay ang phone ko," simpleng sagot ko sa kanya. “Bakit? Ano bang problema? May nangyari ba?” pagdudugsong na tanong ko pa sa kanya. “May mangyayari pa lang," she answered. Mabilis niya akong hinigit sa loob ng kwarto niya, hindi ko naman magawang umangal kahit na sobra na akong naguguluhan sa ikinikilos niya. "Teka, ano bang nangyayari? Ano bang ibig mong sabihin?” tanong ko pa sa kanya nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. “Tinatawagan kita kanina kasi tumawag sa akin si Ginno." “Tumawag din siya sa akin kanina, siya ang huling taong nakausap ko sa phone ko bago ko 'yun tuluyang pinatay,” wika ko. Hindi ba at si Ginno nga kasi ang dahilan kung bakit ko nga pinatay ang phone ko. “Yun na nga eh. Tinatawagan kita para sabihin na mamaya ka na lang umuwi dahil pupunta siya dito... pero dahil hindi nga kita ma-contact kaya ayan, hindi ko tuloy nasabi sayo." Medyo nag pa-panic nga na wika niya. At pagkatapos na pagkatapos ng mga salitang binitawan niya ay may narinig na nga kami na nag-doorbell sa labas kaya naman agad kaming napatahimik ng dahil doon. Medyo napalaki rin ang pagkakamulat ng mga mata naming dalawa. “Oh s**t! Siya na yan, panigurado.” Maging ako ay nakaramdam na rin nang pagka taranta. “A-anong gagawin ko?” agad na tanong ko sa kanya. “Ah ehh... m-mag tago ka!” sagot ni Awie kung saan ay rinig na rinig pa rin namin ang tunog ng doorbell sa labas. Lalo kaming nakaramdam ng kaba ng dahil doon. Agad namang hinigit ni Awie ang wrist ko palapit sa may cabinet niya at mabilis na binuksan yun. “Dito ka muna magtago. Ako na lang ang haharap sa kanya," sabi niya at inalalayan niya nga akong pumasok sa loob noon at mabilis rin na sinarado yun. Huminga naman ako ng malalim at pinilit na 'wag gumawa ng ingay dito sa pinagtataguan ko. Masikip lang ang cabinet na 'to kaya naman limitado lang ang ginagawa kong pag galaw dahilan kung bakit nakatayo lang ako. Sakto lang sa pangangatawan ko at sa tangkad ko ang natitirang espasyo nito dahil puno rin ito ng mga iba’t ibang damit ni Awie. Ito yung klase ng cabinet na may mga pahiga na mga butas, parang sa mga blinders kaya naman kahit papaano ay may liwanag akong nakukuha mula sa labas kaya hindi masyadong madilim. Ilang segundo akong walang narinig na ingay hanggang sa maya-maya pa ay narinig ko na ang boses ni Awie. “Wala siya dito.” Rinig kong sabi ni Awie kay Ginno sa medyo inis na tono nang pananalita nito. “Come on Awie. I don't have time... actually WE dont have time for this kind of nonsense thing." Talagang idiniin pa ni Ginno ang salitang 'WE'. "Kaya pwede ba, ilabas mo na si Shy.” Mahahalata talaga sa tono nang pananalita ni Ginno na medyo naiinis na rin siya ng mga sandaling 'yon. “Wala nga siya dito Ginno.” Pag pupumilit pa ni Awie hanggang sa maya-maya pa ay may narinig na akong mga yabag ng paa. Habang tumatagal ay lumalakas na ang tunog ng ginagawa nilang pag hakbang tanda lang na papalapit sila sa pwesto ko kaya naman dahan-dahan kong naitakip ang dalawang kamay ko sa may bibig ko. "SHY!” rinig kong tawag ni Ginno sa pangalan ko. Maya-maya pa ay napatigil na ako nang makita ko na nga sa mga butas ng cabinet na 'to si Ginno habang sumulpot na rin si Awie sa may likuran nito. Napapalunok na lang ako ng laway dahil panigurado na kapag nalaman ni Ginno kung nasaan ako ngayon ay tiyak na gagawin niya ang lahat para mai-uwi niya na ako sa bahay namin. “SHY!” pagtawag niya pang muli. “Ginno ano ba?! Wala nga siya dito!” inis na rin na sabi ni Awie pero alam ko naman na straregy niya lang yun para mapilitan na si Ginno na umalis. Mabilis naman na humarap si Ginno kay Awie at saka ito nagsalita sa seryosong tono nito, “Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo Awie!?” Kitang-kita ko na rin ang pamumula ng buong mukha ni Ginno kasama ng leeg niya. Ibig sabihin lang noon ay nag pipigil na talaga siya ng galit at alam din ni Awie yun kaya napatahimik na rin siya. Ginno Argent is one of my best and trusted friend. Magkakasama at magkakasabay kaming lumaki... ako, si Awie at siya. Si Phil kasi ay noong college lang namin nakilala ni Awie habang si Ginno naman ay sa ibang bansa na nag-aral kasama ang parents niya. Well, kilala niya na rin si Phil kasi noong minsang umuwi siya dito sa Pilipinas para sa kaniyang winter break ay nagkasama-sama kaming apat. Kahit malayo ang distansya niya sa amin ay hindi naman kami nawawalan ng paraan para kahit papaano ay makausap namin siya kahit na pare-pareho na kaming busy. Dahil sa tagal ng panahon at ang distansya namin sa isa’t isa, yun ang naging dahilan kung bakit mas lalong tumibay ang pagsasamahan namin. Pero ang lahat ay nagbabago. Well, nagbago lang naman ang lahat dahil sa pangyayari na 'to. Dahil sa nangyayari! Naging taliwas kasi ang opinyon niya at kagustuhan niya sa naging opinyon at kagustuhan naming tatlo nina Awie at Phil. Hindi naman ako galit sa kanya dahil naiintindihan ko siya, kaya nga as long as na kaya kong siyang iwasan ay iiwasan ko siya dahil ayokong masira lang nang tuluyan ang lahat nang pinagsamahan namin. By the way, hindi nga pala alam ni Ginno na buntis ako, gano'n din ang buong pamilya ko. Tanging si Awie at Phil lang ang nakakaalam, at hindi ko maiwasan na makaramdam ng guilt sa puso ko ng dahil doon... tinitibayan at nilalakasan ko lang talaga ang loob ko dahil kahit papaano ay alam ko na 'yon ang tamang gawin. Para sa akin ay 'yun ang pinaka-tamang gawin para mailigtas ko ang baby ko. “Ikaw Ginno? Alam mo ba ang ginagawa mo?” tanong pabalik ni Awie at bakas sa mukha niya na seryoso na siya. “Yes! Firmly yes Awie. ALAM KO. KUNG ANONG GINAGAWA KO!” matapang na sagot ni Ginno. “Eh alam mo ba kung ano ang gusto ni Shy?” matapang din na sagot ni Awie sa kanya dahilan kung bakit medyo napatigil si Ginno. Siguro ay hindi nito inaasahan na magtataas na rin ng tono nang pananalita sa kaniya si Awie. Ngunit hindi rin naman nagtagal ang pananahimik ni Ginno dahil nagsalita na ito ulit, “Ano ba Awie! Hindi mo alam kung ano ang nakasalalay dit--" “Alam ko. Nakasalalay dito ay ang kasiyahan ni Shy at yun ang pilit mong kinukuha kapag isinama mo siya papunta sa America.” Shit! Hindi ko mapigilan na tahimik na mapaluha dito sa pinagtataguan ko habang nanonood at nakikinig lang sa ginagawa nilang pagtatalo tungkol sa akin. Hindi ko man gusto ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa pero wala naman akong magawa kung hindi ang manahimik lang dito at wag magpahuli kay Ginno. "Alam ko na hindi tayo pareho nang ipinaglalaban ngayon, Ginno... pero kasiyahan lang talaga ni Shy ang mahalaga sa akin ngayon. Dito sasaya si Shy, hindi ba pwedeng hayaan mo na siya?" "You sounded like I'm the one who's inconsiderate and selfish here, Awie. Can't you see? Para rin kay Shy ang ginagawa kong 'to. ANO BA?! PAULIT-ULIT NA LANG BA TAYO DITO?! ILABAS MO NA SIYA!” Napapikit na lang ako nang mariin nang marinig ko ang ginawang pagsigaw ni Ginno kasabay ang nag-uunahan na pag tulo ng mga luha ko. “WALA SIYA DITO KAYA UMALIS KA NA!” Ipinagdiinan talaga Awie ang mga salitang 'yon kay Ginno. Pinanatili ko na lang na nakapikit ang mga mata ko, wala na akong narinig pa na nagsalita at tanging yabag na lang ng mga paa ang narinig ko mula sa labas. Nang dahan-dahan ko nang iminulat ang mga mata ko ay wala na akong nakita na Ginno at wala na rin si Awie. Isang malakas na pagbuntong hininga na lang ang pinakawalan ko at saka mabilis na pinahid ang luha sa mga mata ko. Ang sakit! Ang sakit-sakit tanggapin na ako ang may kasalanan kung bakit nagulo ang lahat. HANZ’s POV Mabilis lang lumipas ang araw. Nakabalik na rin ako ngayon dito sa Manila matapos naming samahan si Zeid sa Batangas kasama ng girlfriend niya, I mean ng asawa na pala niya. Hays. Kung pwede lang na mag-stay sa lugar na yun ay gagawin ko. Doon lang kasi talaga parang na panatag ang utak at buong sistema ko. Pero dahil hindi naman pwedeng mangyari na magtagal pa ako doon, kaya no choice talaga. Back to reality na naman. Pabagsak lang akong nahiga dito sa kama ko habang tinatanggal ko ang butones ng suot kong polo at nang mahubad ko na yun ay binato ko lang 'yun kung saan dito sa loob ng kwarto ko. Nakauwi ako dito ng 4 ng madaling araw kaya naman hindi na namalayan ni Manang ang pagdating ko. Tiningnan ko pa ang suot kong wrist watch at may apat na oras pa ako para matulog bago ako pumasok sa shop kaya naman ipinikit ko na ang mg mata ko to take a nap. KINABUKASAN Late ako sa inaasahan kong gising dahil na rin sa pagod sa biyahe kagabi. Almost 30 minutes na akong late kaya naman bago ako bumaba ay naligo na ako at nag bihis para sa work. Nang bumaba na ako sa hagdan ay sumalubong agad sa akin ang bango ng nilutong pagkain ni Manang para sa almusal. “Nako kang bata ka. Hindi mo man lang ako ginising kanina, muntikan na tuloy akong hindi makapaghanda ng almusal mo, akala ko kasi ay wala ka pa. Buti na lang at nakita ko kaagad 'yung kotse mo," pa unang saad agad ni Manang sa akin habang may hawak siyang fresh orange juice. “Madaling araw na kasi akong dumating kanina, Manang. Hindi na kita ginising, tutal... may sariling susi naman ako ng gate,” sagot ko sa kanya at lumapit na ako sa may dining area. “Ganon ba, oh siya sige kumain ka na at mukhang late ka na sa opisina mo.” Hindi na ako umupo pa za upuan at kinuha ko na lang 'yung orange juice at saka ko 'yun sunod-sunod na nilagok. “Hindi na ako kakain Manang, kailangan ko ng umalis eh.” Kinalahati ko lang ng inom yung juice at tatalikod na sana ako para umalis nang bigla namang nagsalita si Manang na naging dahilan kung bakit ako huminto muna. “Hindi ko pala nasabi sayo na pumunta dito si Maggie nung isang araw.” Nang mabanggit ni Manang ang pangalan ni Maggie ay walang pagdadalawang-isip na hinarap ko n siya ulit. Agad na nagtama ang mga mata namin. Magtatanong pa lang sana ako kung anong ginawa ni Maggie dito sa bahay pero biglang nagsalita na naman siya. “Kasama pa nga niya 'yung girlfriend mo eh.” pagdudugsong na sabi pa niya sa akin. Dahil doon kaya awtomatikong napakunot ang noo ko 'Si Maggie? May kasamang girlfriend ko? f**k! Wala naman akong girlfriend ah!' hindi ko maiwasan na mabanggit ko ang mga salitang 'yon sa isipan ko. “Sino daw Manang?" tanong ko habang nanatili pa rin ang pangungunot ng noo ko. “Sa pagkakatanda ko, Shy daw ang pangalan niya eh.” Shy? Who the hell is Sh— What the f**k! 'Siya na naman? At paano niya nalaman ang bahay na 'to? Ang bahay ko! Teka?! Ini-stalk niya ba ako? Damn! Mukhang hindi talaga siya titigil huh! Let see kung hanggang saan ang kaya niya.' Hindi ko na halos namalayan na naikuyom ko na pala ang dalawang kamao ko sa sobrang galit na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD