SHY’s POV
KINAUMAGAHAN
Mabilis lang ang ginawa kong paglalagay ng mga gamit ko sa bag ko, doon lang talaga nakatuon ang atensyon ko ng mga sandaling ‘yon kung saan ay wala akong sinayang na oras.
“Sigurado ka ba sa gagawin mo? Hindi mo naman kailangang umalis,” sabi ni Awie habang hawak-hawak niya ang mga iba ko pang gamit na pinakuha ko sa kaniya.
Humarap naman ako sa kaniya para abutin ‘yon mula sa kaniya at saka seryoso siyang tiningnan ng diretso sa mga mata niya bago tuluyang nagsalita para sagutin siya, “Kilala natin si Ginno, Awie… hindi ‘yun titigil sa paghahanap sa akin. Alam mo naman ‘yun ‘di ba? Base palang sa tono nang pananalita niya kahapon ay talagang desidido siya na mahanap ako at isama sa ibang bansa,” sabi ko sa kaniya at pinagpatuloy ko na lang ulit ang pag i-impake.
“Pero saan ka naman pupunta? Wala ka namang ibang mapupuntahan, hindi ba?” tanong pa ni Awie at sa tono pa lang nang pananalita niya ay talagang nag aalala na siya. Umupo pa siya sa extra edge ng kama kung saan doon nakapatong ang bag ko kaya nagtama na naman ang paningin naming dalawa.
Ilang segundo pa ang itinagal nang katahimikan sa pagitan namin bago ako umiling at saka ako nagsalita, “Hindi ko pa alam… basta ang alam ko lang ay hindi na ako ligtas dito na manatili pa pati na rin ang baby ko kaya kailangan ko nang umalis,” mahinahon na sagot ko at mabilis ko nang isinarado ang zipper ng bag ko.
Sinuot ko na ang jacket ko dahil maulan ngayon sa labas. Tuluyan na ring tumayo si Awie at hinarap niya ako kaya muli na naman na nagkasalubong ang mga mata namin. Alam kong magsasalita na naman siya kaya inunahan ko na siya.
“Maraming salamat sa tulong niyo sa akin ni Phil, ‘wag na kayong masyadong mag-alala sa akin simula ngayon.” mahinang sabi ko sa kaniya at hinawakan ko pa ang kamay niya.
Pareho nang malungkot ang mga ekspresyon naming dalawa.
“Paano ka naman namin hindi aalalahanin Shy? Aalis ka at wala kang ibang mapupuntahan, hindi namin alam kung saan ka ba pupunta.”
“Pangako, hahanap ako ng paraan para ma-contact ko kayo. At gagawin ko ang lahat para maging ligtas kami ng baby ko kahit na anong mangyari.” May paninigurado na saad ko sa kaniya at saka mabilis niya akong pinalapit sa kaniya para yakapin… ganon din naman ang ginawa ko sa kaniya pabalik.
Nag tagal din ng ilang segundo ang yakapan naming dalawa hanggang siya na mismo ang humiwalay doon.
“Dalhin mo na ‘to,” sabi pa ni Awie habang may kinukuha siya sa bulsa niya na kung ano.
Hinintay ko naman kung ano ‘yung ibibigay niya hanggang sa hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa kamay niya ngayon. Hindi pa man ako nakakapagsalita nang ipinatong niya na sa palad ko ‘yon.
“I-ipapadala mo ang kotse mo sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya nang nagtataka. Susi kasi ng kotse niya ang ibinibigay niya sa akin ngayon.
Sunod-sunod naman ang ginawa niyang pagtango sa akin. “Mas kailangan niyo yan ngayon ng baby mo. Hindi ko naman masyadong kakailanganin niyan kasi lagi naman si Phil ang kasama ko at sa kaniya ako sumasabay minsan.”
Pakiramdam ko ay mapapaluha na ako any moment kaya naman mabilis ko na siyang niyakap lalo na at kailangan ko talaga ng kotse. Naiwan kasi ang kotse ko sa bahay kaya wala akong nagagamit ngayon, at saka kung sakaling dala ko naman ‘yun ay wala ding silbi yun dahil pag yun ang ginamit ko ay siguradong mate-trace lang ako nina Kuya.
FASTFORWARD
Hinatid lang ako ni Awie dito sa may parking area ng hotel habang siya ang nagbubuhat ng mga gamit ko.
Rinig na rinig din mula dito ang lakas ng ulan sa labas.
Si Awie na rin ang naglagay ng gamit ko sa may passenger seat. Isang bag lang naman ang dala ko na hindi naman masyadong malaki kasi wala naman akong maraming damit sa unit ni Awie, lahat kasi ay naiwan ko sa bahay.
Pagkalagay niya sa gamit ko ay hinarap ko ulit siya.
"Babalitaan ko kayo ni Phil. Mag ingat kayo lagi," mahina at malambing na saad ko sa kaniya at pinilit na ngumiti.
Nalulungkot kasi ako ng sobra dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba nang mag isa-- o kakayanin ko ba na hindi sila kasama. Alam kong magiging mahirap pero kailangan kong tatagan ang loob ko.
"Oo. Hihintayin namin ang tawag o text mo." Ngumiti pa siya sa akin pero alam kong pilit lang 'yon dahil sa pag-aalala niya na ayaw niya lang ipahalata sa akin.
Tuluyan na nga kaming nagpaalam sa isa't isa, umikot na ako sa may kabilang parte ng kotse para sumakay sa driver's seat. Binuksan ko na yung pinto at bago pa ako sumakay ay ngumiti ulit ako sa kaniya.
Mukhang hihintayin niya pa yata na makaalis ako bago siya umakyat ulit sa condo niya.
Hindi na nga nag tagal at tuluyan na nga akong sumakay sa loob at saka ko binuksan ang engine ng sasakyan. Bago ko pa man yun paandarin ng tuluyan ay naagaw na ang atensyon ko sa isang sasakyan na kabubukas pa lang din ng ilaw at ng engine.
Napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar sa akin ang kotse na yun. Dahil doon kaya wala sa sarili na mas lalo ko yung tinitigan sa pamamagitan nang pagtingin sa may side mirror ng sasakyan at hindi ako pwedeng magkamali.
Kotse 'yun ni Ginno!!!
Agad kong binatuhan nang tingin si Awie at mukhang ngayon niya pa lang nakikilala ang kotse.
Dahil doon kaya mabilis ko nang tinapakan ang gas ng sasakyan ni Awie dahilan kung bakit mabilis din yung tumakbo. Nang batuhan ko nang tingin ang sasakyan ni Ginno ay nakasunod na rin 'yon sa akin.
"GINNO! STOP!" Narinig ko ang sigaw ni Awie na nag echo sa buong parking area ng hotel.
"s**t!" Nabanggit ko na lang sa sarili ko dahil mukhang alam ko na kung ano ang ginagawa ni Ginno ngayon. Alam niya talaga na nasa condo unit ako ni Awie at ang hindi ko lang sure ay kung buong gabi ba siyang naghintay sa parking area para hulihin ako.
Nang tuluyan na akong nakalabas ng hotel ay nakasunod pa rin sa akin si Ginno. Kilala ko siya! Kilalang-kilala! Alam kong hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya ako naisasama pauwi sa bahay.
Palipat-lipat lang ang tingin ko sa daan at saka sa side view mirror ng sasakyan para tingnan kung nakasunod pa rin ba siya sa akin. Halos ilang metro lang ang agwat ng layo ng kotse niya sa kotse ko.
"Ano ba Ginno!" Nabanggit ko na naman sa sarili ko at mabilis kong iniliko ang kotse ko at gano'n din ang ginawa niya.
Sa hindi naman inaasahan na pangyayari ay bigla namang nag-ring ang phone ko at nang makita ko na si Awie 'yun ay mabilis ko 'yung sinagot at ni- loudspeaker na lang.
"Awie!" Agad na banggit ko sa pangalan niya sa kabilang linya
[Shy, okay ka lang ba? Nakasunod pa rin ba sayo si Ginno?] tanong niya at base sa tono nang pananalita niya ay alam kong nagpa-panic na rin siya.
Actually, nagpa-panic na rin talaga ako pero ginagawa ko lang ang makakaya ko para hindi pangunahan ng kaba at takot. Kapag kasi nahuli ako ni Ginno ngayon, 'yun na rin talaga ang katapusan ko.
Binatuhan ko nang tingin ang side mirror ng sasakyan at ganon din sa rear view mirror at sinusundan niya pa rin ako.
"Oo pero moderate lang ang takbo niya. Mukhang inaalam niya lang kung saan ako pupunta," sagot ko at mas binilisan pa ang pagpapatakbo.
[Kumalma ka lang okay? 'Wag kang magpapanic. ] Pag papaaalala niya.
"Hindi naman ako nagpapanic kanina, ang problema lang... hinahabol niya na ako ngayon." at mas inapakan ko na ang gas ng sasakyan kung saan ay pinatakbo ko na 'yun nang mas mabilis ngayon.
Kung hindi ako nagkakamali ay balak niya atang harangan ang kotse ko sa harapan lalo na at wala na kaming mga sasakyan na kasabay.
"Lalo na siyang bumibilis," wika ko pa na alam kong narinig naman ni Awie sa kabilang linya.
[What?! Okay. Okay! Uhm... stay calm, Shy? Tatawagan ko siya.] Narinig ko na lang ang pagkaka-disconnect ng tawag.
Paulit-ulit kong binabatuhan ngayon ng tingin ang mga salamin nitong sasakyan ay hanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya.
Lalo na ring lumalakas ang ulan kaya medyo nahihirapan na akong tingnan ang dinadaanan ko.
Nang makita ko na may truck na pa-parating sa kabilang kalsada kung saan salungat sa dinadaanan ko kaya pinatakbo ko pa nang mabilis ang kotse. Ito na ang magandang chance para hindi na makasunod pa sa akin si Ginno.
Wala na akong pakialam. Sisingit na ako doon kahit anong mangyari. Tutal, malapit na rin ako sa balak kong puntahan na lugar kaya bahala na talaga.
Konting agwat na lang ang layo nung sasakyan sa akin kaya mas pinabilis ko ang pagmamaneho hanggang sa narinig ko na lang 'yung pag flash noong tubig ulan sa gilid ng kalsada na dinaanan ng gulong ng kotse. Doon ko pa lang namalayan na nakalusot na ako doon sa truck.
Thanks god!
Tumigil 'yung truck sa kalsada matapos kong makatawid kaya mabilis kong sinilip ang rear view mirror para tingnan kung nakasunod pa ba si Ginno at laking pasasalamat ko nang wala na siya. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
Nang makita ko na may isang liblib na lugar kung saan kasya ang sasakyan ni Awie ay mabilis kong iniliko ang manibela ng kotse papunta doon.
Mabilis ko ring pinatay ang makina ng kotse para hindi makita ang ilaw ng sasakyan kung sakaling humabol pa ulit si Ginno.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko hanggang sa maya-maya pa ay nakita ko na ang kotse ni Ginno na dumaan na, dahil doonkaya awtomatiko akong napayuko mula dito sa pinagkakaupuaan ko. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko naisipang lumabas ng kotse at kunin ang gamit ko.
Hindi ko na pwedeng gamitin ang kotse ni Awie kasi made-detect niya na ako ngayon dahil alam niyang itong kotse na ito ang ginamit ko.
Mabilis lang ang naging pag galaw ko at agad ko nang sinarado ang pinto ng sasakyan.
Iniwan ko na rin ang phone ko sa loob pero bago 'yon ay sinigurado ko muna na nakalock talaga ang kotse ni Awie habang nasa loob ang susi no'n.
Maglalakad na lang ako dahil malapit na nga ang bahay ng isang taong tanging makakapitan ko ngayon. Kahit nahihirapan akong huminga sa sobrang kaba dahil sa nangyari ay pinilit ko pa ring maglakad sa gitna ng ulan.
NANGHIHINA ako dahil halos kalahating oras akong naglalakad sa ulan, 7:00 AM na at ngayon pa lang ako nakarating dito sa lugar na 'to.
Nang mapansin ko na bukas ang gate ng bahay na 'yon hindi na ako nag dalawang isip na pumasok kahit na walang pahintulot.
Ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay ang makaupo at makapagpahinga.
Kung ano ang pinagpapasalamat ko kanina noong naglalakad ako ay 'yun 'yung walang masyadong tao ako na nakakasalubong dahil maulan nga at medyo maaga pa.
Nang nasa harapan na ako ng pinto ng bahay na 'to ay pinilit ko lang ang sarili ko at inipon ang lakas ko para mai- angat ko ang kamay ko at nang makakatok ako sa nakasaradong pinto na 'to.
Alam ko sa sarili ko na mahina lang yun at hindi ko alam kung maririnig ba talaga 'yun ng tao sa loob. Pero kahit ganon ay pinagpatuloy ko pa rin ang ginawa kong pagkatok hanggang sa bumukas na nga 'yun.
Agad na bumungad sa akin ang naka kunot niyang noo.
"WHAT THE f**k ARE YOU DO---" hindi ko na narinig ang huli niyang sasabihin dahil naramdaman ko na ang tuluyang paglalambot ng tuhod ko at ang pagkawala ko sa malay.
Basta ang tanging natatandaan ko lang ay dahan-dahan akong bumagsak papunta sa kaniya at matapos yun ay wala na akong maalala pa.