SHY’s POV
“Manong, dito na lang po ako," sabi ko du'n sa taxi driver kaya naman mabilis itong huminto. Nilabas ko naman agad yung wallet ko at saka ko siya binayaran bago lumabas na ng sasakyan.
Pagkalabas ko ay agad kong tiningnan yung papel na binigay nu'ng receptionist kanina kung saan doon nakasulat yung address nung boss niya.
‘Ito na nga yun.’ nasabi ko na lang sa sarili ko.
Hindi ko naman maiwasan na batuhan agad nang tingin yung kabuoan ng bahay nung Hanz Del Verde at masasabi kong mukhang mayaman nga siya dahil ang laki ng bahay niya. As an Architect, I can say na maganda yung pagkakagawa ng bahay niya. Mukhang pinag-isipan talaga.
It’s a unique style of hotyse here in Philippines kasi glass house yung napili niyang design.
May bermuda grass din sa loob at kitang-kita rin yung mga furniture sa loob ng bahay niya, masasabi ko rin na high quality yung glass wall na ginamit niya dahil parang makapal yun pero na- maintain pa rin no'n yung linaw. Hays.
Bakit ko ba dinadala ang pagiging architech ko rito? Si Hanz ang kailangan kong kausapin, nandito ako bilang isang ina. Dahil doon kaya isang malalim na pagbuga nang hininga muna ang ginawa ko bago ako dahan-dahan na lumapit sa gate ng bahay. Sinilip ko muna ulit 'yung bahay para makita kung makikita ko ba si Hanz sa loob pero wala naman akong nakikitang tao doon.
'Magdo-doorbell na ba ako?' hindi ko maiwasan na itanong 'yon sa isipan ko habang sumilip-silip pa rin ako sa loob.
Nag hintay pa ako ng halos ilang minuto hanggang sa doon na nga ako nagpasya na unti-unti nang abutun yung doorbell. Ngunit, bago ko pa man magawa 'yon ay awtomatiko na akong napatigil at saka mabilis na napalingon sa may likuran ko ng biglang may tumigil na kotse dun na kulay dark blue. Hindi ko makita kung sino ang nasa loob noon kasi tindted yung windshield niya.
Agad akong nakaramdam ng kaba kasi baka si Hanz Del Verde na yun pero kailangan kong lakasan ang loob ko sapagka't kailangan ko na talaga siyang makausap.
Napalunok na ako ng laway ko nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto sa may driver’s seat at lumabas doon yung nagmamaneho no'n. Hindi ko maiwasan na mapahinga ng maluwag nang makita ko na hindi si Hanz yun kung hindi isang babae.
She was wearing a yellow and white long-sleeve polo and a white fitted jeans.
Agad siyang ngumiti sa akin nang magtama ang mga mata namin at kahit nagtataka kasi hindi ko naman siya kilala ay ngumiti rin ako sa kanya pabalik. Lalo akong nagtaka nang maglakad siya palapit sa pwesto ko at agad niya akong binati, “Hi.”
“He—hello.” sagot ko na lang sa kanya. Itinago ko ang pagtataka sa ekspresyon ng mukha ko habang diretso rin na nakatingin sa kaniya.
“Are you here for Hanz?” she asked.
W-wait! Kilala niya si Hanz?
Wala sa sarili na sunod-sunod ako na nag-nod sa kanya kasi baka matulungan niya akong makausap ang lalaking 'yun lalo na kung kilala niya si o.
“Nandito rin ako para sa kanya eh. Wait lang huh," sabi niya at siya ang pumalit sa pwesto ko sa may harapan ng gate at walang pag dadalawang isip na pinindot niya 'yong doorbell.
Buti na lang at nandito siya para if ever na lumabas na yung Hanz ay hindi niya ako magagawang pagalitan dahil may ibang tao. Hoooh! Thank you po Lord sa magandang timing.
Mga ilang segundo pa ang lumipas at may isang matandang babae na ang nag bukas ng gate para sa amin. Mukhang agad niyang nakilala yung babae dahil nginitian niya ito the moment na magtama ang mga mata nila.
“Hi Manang,” magiliw na bati nung babae. They seems close to each other.
“Maggie, ikaw pala 'yan," saad nung matandang babae na tinatawag na Manang. Maggie pala ang name nu'ng babaeng nasa harapan ko ngayon. “Pasok kayo.” Mukhang inakala yata nang matandang babae na magkasama kaming dalawa ni Maggie dahil hindi man lang niya ako ginawang kilalanin. Pero dahil pabor naman 'to sa akin kaya nag-nod na lang ako at sumunod.
“Tara, pasok ka.” Nakangiti pa rin na approach sa akin ni Maggie at tumango rin ako sa kanya.
“Bakit parang ang tagal mong hindi bumisita dito Maggie?” rinig kong tanong pa ni Manang.
She made a soft laugh before she speak, "Kakabalik ko lang po kasi nung isang araw dito sa QC, Manang. Actually nagkita na po kami ni Hanz the moment na nakabalik na po ako... kaya lang hindi po kami nakapag-usap ng maayos kasi sumama raw po ang pakiramdam niya kaya umalis din po siya agad. Kahapon pa po sana ako bibisita kaya lang may mahalaga naman po akong lakad kaya ngayon pa lang po ako nakapunta rito. Ano po bang sakit niya? May sakit pa po ba siya?” tanong agad nu'ng Maggie kung saan ay halata sa boses nito ang pag-aalala.
May sakit daw si Hanz?
Pero kahapon ko lang naman pinuntahan si Hanz sa opisina niya at base naman sa ikinilos niya ay mukhang wala naman siyang sakit.
Nasigawan niya pa nga ako ng sobra, hindi ba? At tsaka hindi ko maiwasan na ma-intriga at magtanong sa sarili ko kung kaano-ano kaya ni Hanz ang babaeng ito? Hindi kaya girlfriend niya 'to?
Hala! Patay!
Pag nagkataon at girlfriend pala ni Hanz ang babaeng 'to, baka makasira ako ng relasyon at ayoko namang mangyari yun. Hayys. Paano na ako nito?
“Sakit? Wala namang sakit si Hanz, ihja, sa katunayan nga ay gabi na siyang nakauwi kagabi dito sa bahay tapos nung madaling araw naman ay ginising niya ako kasi may biglaan din siyang lakad. May mga dala nga siyang gamit dahil sabi niya pa ay mukhang aabutin siya ng ilang araw du'n sa pupuntahan niya.” sagot noong matandang babae.
Napatigil naman ako dahil sa narinig ko.
Ilang araw siyang mawawala at umalis pa siya kaninang madaling araw? Mukhang pinagtataguan niya nga ako!
“Gano'n po ba? Paano ba 'yan Manang, may naghahanap din kasi kay Hanz eh— ito po oh.”.
Nabigla na lang ako ng agad niya akong hinigit palapit sa harap ni Manang. Dahil nagulat ako kasi hindi ko yun inaasahan, kaya ramdam ko ang pamimilog ng dalawang mga mata ko.
Napatingin sa akin si Manang.
“Anong kailangan mo kay Hanz, Ihja?” agad na tanong niya sa akin.
“By the way, ano nga pala ang pangalan mo?” tanong rin nu'ng Maggie sa may gilid ko kaya siya ang agad na nabatuhan ko nang tingin para sagutin.
“Ah eh... S—Shy." I answered.
“shy? Nice! I hope your name didn't reflect to your attitude. I’m Maggie and this is Manang. Siya ang tanging kasama dito ni Hanz," she introduce her self and the olf lady to me, "And back to the question—anong kailangan mo kay Hanz?”
Dahil sa tanong na 'yon kaya hindi ko na naman maiwasan na mapalunok nang sunod-sunod na laay.
Anong sasabihin ko sa kanya?
Tumagal ng ilang segundo ang pananahimik ko lalo na at iniisip ko pa ang isasagot ko hanggang sa nag pasya na rin nga akong magsalita. I cleared my throat first and when I’m about to speak, she interrupted me. “Oww. Wait. Girlfriend ka ba ni Hanz?” magiliw na tanong niya sa akin at halata pa ang pagka-excite sa tono nang pananalita niya kaya napatahimik ako dahil dun.
Ibig sabihin, hindi pala siya girlfriend ni Hanz?
“Nako, ikaw ba 'yun Ihja? Wala kasing nababanggit sa akin si Hanz na pupunta ka dito,” sabi rin ni Manang.
Hala. Anong sasabihin ko?
Babawiin ko ba yun?
“Pero iba’t-iba kasi yung pangalan nu'ng mga babaeng tumatawag dito eh. Halos hindi ko na matandaan. Pasensiya na, ihja." dagdad na saad pa ni Manang habang diretso pa rin na nakatingin sa mga mata ko.
“Alam mo naman si Hanz Manang. Hindi na bago yun.” sagot nu'ng Maggie.
Out of nowhere, bigla ko na lang naramdaman na kailangan ko nang makaalis sa sitwasyon na 'to. Hindi ko na kayang magtagal pa kasi ayokong magtanong pa sila nang magtanong sa akin kasi hindi ko naman alam ang isasagot ko.
“A-aalis na pa ako." Mabilis na sagot ko sa kanila at tumalikod na ako agad.
“Teka lang.”
“Wait.”
Pigil nila sa akin pero hindi ko na yun pinakinggan pa at tuluyan nang lumabas doon sa bahay hanggang sa makarating na ako sa may labasan.
Nagmadali na akong naglakad palabas para hindi na nila ako maabutan pa kaya lang nakalimutan ko na village nga pala ito at walang dumadaan na taxi kung hindi pa lalabas sa mismong entrance.
Hayyss.
Nang makita ko na wala namang sumusunod sa akin ay binagalan ko na ang paglalakad ko at doon pa lang ako nakahinga ng malalim.
Hindi ko maiwasang isipin na wala nga si Hanz sa bahay niya— at sabi pa ni Manang ay matatagalan nga raw ito bago bumalik.
Pinagtataguan niya nga kaya talaga ako?
Nakakapagod naman talagang maghabol ng mga taong tinatakbuhan ka at mas mahirap pa kung pinagtataguan ka. Ang kalaban ko dito ay ang pagod at hindi ang pasensya ko. Tsk.
MAKALIPAS ang ilang segundong paglalakad, sunod-sunod na busina ng kotse ang narinig ko sa may likuran ko na naging dahilan kung bakit ako natigilan.
Paglingon ko ay mabilis din akong napa-iwas at saka mariin na napapikit na lang nang makita bg dalawang mata ko 'yung kotse nu'ng babae kanina. 'Yung si Maggie.
Kahit tinted yun at hindi ko nakikita ang driver sa loob noon ay alam ko na 'yun nga 'yung kotse nu'ng babae.
Tumigil yun sa may tabi ko at unti-unting bumukas yung bintana sa may driver seat at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko.
“Hey. Get in. I’ll give you a ride," magilis na naman na wika niya sa akin habang nakangiti pa rin.
Mabilis naman akong umiling bilang pag tanggi. “H-hindi na. Salamat na lang."
"Ano ka ba, malayo pa ang lalakarin mo bago ka makalabas. Magtatanghali na rin kaya mainit na. Sige na, sumakay ka na. I insist.” Pagpupumilit niya.
Mukhang wala siyang balak na tanggapin ang pagtanggi ko kaya wala na akong nagawa pa kung 'di ang sumakay na sa passenger seat.
Tinatakid ko na yung seat belt ko nang magsimula na siyang magmaneho.
“Sorry kung feeling close ako huh.
Ganito lang kasi talaga ako eh. Ikaw pa lang kasi ang unang girlfriend ni Hanz na na-meet ko, lagi niya kasing sinasabi na wala siyang girlfriend pero ang dami-dami ko namang nababalitaan na halos isang grupo ng cheer dancer ang kaniyang girlfriend." And she laughed playfully.
Para sa akin, hindi naman siya matatawag na ‘feeling close’, more on friendly lang talaga siya and approachable na rin siya para sa akin.
“Oh my God. Don’t get me wrong okay? 'Wag mo sana siyang aawayin dahil sa mga sinabi ko, it’s just a humor-- like I’ve said, ikaw pa lang 'yung nakikilala kong girlfriend niya.” Agad na pagka-klaro niya sa sinabi niya kanina.
I gave her a feigned smile. “I- i’ts okay.” Hello. Hindi naman niya kasi talaga ako girlfriend eh.
She let out a sighed as if she was relieved, "Good. So, saan ka ba pupunta at ihahatid na kita?”
“Nako 'wag na, ibaba mo na lang ako sa may labasan kasi... kasi may driver ako na magsusundo sa akin. Nasiraan lang kasi siya and for sure, babalik na yun.” Pagsisinungaling ko sa kanya.
“Are you sure?” tanong niya at binatuhan niya ako nang mabilis na tingin.
“O-oo.” I answered firmly.
“Uhmm, okay.” Buti na lang at hindi na siya nag pumilit pa.
Hindi naman ako naiilang sa kanya, siguro konti lang. Hindi ko kasi gusto yung iniisip niya na may relasyon kaming dalawa... kaya lang, base kasi sa mga sinasabi niya ay mukhang close silang dalawa ni Hanz.
Biglang naisip ko lang na baka siya ang makakatulong sa akin para naman makita ko si Hanz at para makausap ko siya. Kaya lang hindi ko naman kasi masabi sa kanya ang totoong dahilan nang pagpunta ko sa bahay ng lalaking yun dahil may kahihiyan pa rin naman ako lalo na sa kapwa ko babae.
Hays. I'm stuck.
Mga ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na nga kami sa may labasan ng mismong village na 'to.
Mabilis ko nang tinanggal ang suot kong seat belt.
"Thank you," agad na saad ko sa kanya at nang aktong lalabas na sana ng kotse niya ay agad niyang nahawakan ang kaliwang braso ko kaya naman awtomatiko akong napatigil.
"Wait lang Shy."
Mariin akong napapikit habang nakatalikod pa rin ako sa kanya.
Nang haharap na ako ay saka ko siya binatuhan ng simpleng ngiti.
"B- bakit?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti rin naman siya sa akin at may inabot na isang maliit na envelope. Its a color white with the touch of gold and gold lace as lock.
"Here. Get this." Nakangiting sabi niya sa akin. Unti-unti akong humarap ulit sa kanya at kahit naguguluhan at nakakunot ang noo ko ay dahan-dahan ko pa ring inabot yung binibigay niya.
"A- ano 'to?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin doon sa sobre. Hindi ko kasi alam kung bubuksan ko ba yun sa mismong harapan niya or what.
"It's an invitation. Wedding invitation to be exact, tutal... girlfriend ka naman ni Hanz and nararamdaman ko talaga na may connection tayong dalawa even we've just met earlier, I think pwede kitang maging close friend kaya gusto rin kitang imbitahan sa kasal ko. Kahit na secret wedding yun, gusto kong pumunta ka. And syempre, si Hanz ang magiging partner mo," she giggled.
Napalunok naman ako ng laway sa mga sinabi niya.
Would I grab this chance para makausap ko na si Hanz?
Pero-- tama ba 'tong gagawin ko?
Hays. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sa mga oras na 'to kasi ay hindi ko na masyadong iniisip kung ano ba ang tama at mali. Basta ang tanging tumatakbo lang sa isipan ko ay kailangan ko siya para sa magiging baby namin. That's why I need to talk to him as soon as possible.
Ayaw kong umuwi sa bahay-- hindi pa sa ngayon. Hindi pa 'to ang tamang oras.
At alam kong kailangan ko na ring umalis sa condo ni Awie sa lalong madaling panahon dahil ramdam na ramdam ko na sooner or later ay si Dad na ang susundo sa akin.
"Ah eh. Pwede bang pag isipan ko muna?" Tanong ko sa kanya dahil talagang nagdadalawang isip pa ako.
"Of course you can," nakangiting sagot niya.
"Sige. Salamat. Bye." Bababa na sana ako ng kotse niya pero pinigilan na naman niya ako sa pamamagitan nang pagsabi ng 'wait'.
Dahan-dahan ulit akong humarap sa kanya.
"Can I get your number? Please." She asked.
Mukhang wala naman akong magagawa dahil kanina niya pa ako pinapakitaan nang mabuti kaya ang hirap na tanggihan siya. Ayaw kong magmukhang masungit para sa kanya kaya naman binigay ko na sa kanya yung number ko.
Buti na lang at nung sinabi kong bababa na ako ay hindi niya na ako pinigilan pa.
"Sana makita kita sa kasal ko huh. Bye, gotta go. Take care." at kumaway pa siya sa akin at saka bumusina pa bago siya tuluyang umalis.
Nang hindi na matanaw nang mga mata ko ang kotse niya ay napabuga na lang ako nang malalim na hininga at tiningnan yung envelope na binigay niya.
Sana naman makausap ko na siya.
Baka mamaya ay mawalan na ako ng oras at sapilitan na nga akong dalhin nina Kuya sa America. Ayaw ko namang mangyari yun.
Napahawak na lang ako sa tiyan ko at saka nagsimula na ulit na maglakad.