“Kailangan niya lang ng pahinga. She’s also a little bit malnourished. Pakainin niyo siya ng masustansyang pagkain at iwasan ang pagpupuyat.” Tumayo ang family doctor ng pamilyang Lopez pagkatapos i-check ang kalagayan ni Ocean.
“Noted, doc.” Inihatid ni Glenn ang doktor sa labas at nagpasalamat. Kinausap niya din ito na hindi iparating sa pamilyang Lopez ang nangyari at pagpunta nito sa isla.
Leonardo just stood there, looking at the somewhat pale complexion of the woman lying in the bed.
Ilang minuto lang ay biglang bumukas ang pinto ng room ng dalaga at pumasok doon ang isang matanda kasama si Brandon at Glenn. Seryoso ang mukha nito na lumapit sa dalaga.
“How is she?”
“Okay naman sabi ng doktor. Kailangan lang niya ng pahinga at kumain ng masusustansyang pagkain.”
Kumunot ang noo ng matanda.
“Hindi niyo ba siya binabantayan ng maigi? I told you before to look out not just for her security but also her health.”
Hindi sumagot sina Brandon at Glenn. Kumakain naman ng maayos ang dalaga pero hindi nila alam kung bakit ito nagkakaganito. Is she skipping breakfast or dinner? Imposible. Nire-report naman ng maid sa kanila ang kinakain ng young miss nila.
Ang matandang dumating ay si Jeffrey— isa sa mga matalik na kaibigan ng yumaong si Don Ignacio. Jeffrey was an ex military official. Alam iyon ng mga bantay dito dahil isa ito sa mga striktong nagte-train sa kanila.
Doon lang napansin ni Jeffrey si Leonardo na tahimik lang sa gilid na nagmamasid sa kanila.
The old man sized up Leonardo’s body and posture at napataas ng kilay niya. New member? But this neophyte was clearly not new. The way he stood and the way his presence made one notice easily.
Napansin nan iyon ni Glenn kaya pinapunta niya sa tabi si Leonardo.
“Bagong miyembro pala ng team, Jeffrey. Magpakilala ka.”
“Leonardo.”
Jeffrey offered his hand. “Jeffrey. Galing ka ba sa bayan?”
Alam ng binata na naghihinala sa kanya ang matanda pero hindi pwedeng malaman nila kung ano ang totoo n’yang pagkatao. Isa pa, napapaisip siya kung bakit marami ang gwardya ni Ocean.
“Oo,” maikling sagot ni Leonardo.
“Hmm.” Jeffrey’s eyes landed on both Brandon and Glenn.
“I have to go now. Huwag n’yong sasabihin sa kanya na pumunta ako,” utos nito bago lumabas ng kwarto.
Sumunod na umalis si Brandon para tingnan ang team na nag-eensayo.
“Sino ang matandang ‘yon?” curious na tanong ni Leonardo. Hindi niya alam pero medyo kinabahan siya sa tirig nito. Titig na nakikita niya sa military.
Napakamot si Glenn sa batok. “Ah, ‘yon ba? Si Jeffrey iyon. Matalik na kaibigan ng dating si Don Ignacio. Ang alam ko ay matagal na nitong kilala ang pamilyang Lopez. Siya ang sa mga nag re-recruit ng bagong miyembro dito, yaya man o bagong bantay sa kanya dumadaan.”
“Ano bang trabaho niya?”
“Hindi ko alam. Wala kasi s’yang sinasabi tungkol sa personal n’yang buhay. Basta ang alam ko siya ang nagdala kay Ocean dito sa isla.” Before the woman arrived at the island, narito na sila. Unti-unti nila itong nakikilala dahil minsan ay sumasama ito kay Don Ignacio papunta sa lugar na ‘to. Doon nga nalaman nila na apo ito ng kanilang amo.
“Gano’n ba? Sige.” Tumingin si Leonardo sa nakahigang dalaga. “Baba na muna ako.”
“Okay.”
-----
Dala ang isang supot na may lamang pagkain, lumakad papalapit si Clara sa gate ng mansion ng mga Vasquez. Kanina pa siya kinakabahan at pinapraktis ang sasabihin. Huminga siya ng malalim at lumapit sa isa sa mga bantay.
“Ah, nariyan ba si Leonardo?” tanong niya. Tiningnan siya nito ng seryoso kaya domoble ang kaba niya. Nakakatakot nga ang mga bantay dito.
“Ano’ng kailangan mo?” strikto nitong tanong.
“Ah, may ibibigay kasi ako sa kanya.” Itinaas niya ang dala at ngumiti. Bumulong ang bantay sa kasamahan bago ito umalis papunta sa likod ng mansion.
“Hintayin mo na lang si Leonardo dito. Bawal kaming mag papasok,” saad ng bantay. Naiintindihan naman iyon ni Clara. Alam na alam ng bayan na hindi basta-bastang makakapasok ang kahit na sino sa loob. Kung meron man ay mananagot ito.
Nakita niya mula sa malayo si Leonardo na patakbong papalapit sa gate. Pawisan ito at basa ang t-shirt nitong puti. Masyado atang mahirap ang trabaho ng lalaki?
“Clara,” bati ng binata.
“Hmm. Dinalhan kita ng pagkain.”
Iniabot niya ang plastic sa butas ng gate na kinuha naman ng binata at tiningnan ang loob.
“Salamat. Nag-abala ka pa.”
Nahihiyang ngumiti si Clara. “Nako, ayos lang. Kamusta ka naman dito? Hindi ka ba nahihirapan?” Obvious ang concern ng dalaga sa mga mata nito habang pinapasadahan ang katawan ng lalaki. Mabilis nitong binalik ang paningin sa mukha ng binata nang makita ang abs nito nito.
“Maayos naman ako dito. Gusto ko din naman ang tinatrabaho ko at mababait naman ang mga kasamahan ko,” sagot ni Leonardo. Galing siya sa pagsasanay kaya pawisan siya. Buti na lang at nag-training siya kaya kaya ng katawan niya ang training dito.
“Gano’n ba? Mabuti naman—”
“Leonardo! Tinatawag ka ni Glenn!” sigaw ng isa sa mga bagong miyembro.
“Pasensya na Clara, kailangan ko nang bumalik.”
“Ay hindi! Sige lang. Ito lang naman ang pinunta ko. Sige na,” nakangiting ani ng dalaga. Tumango si Leonardo bago bumalik sa likod.
Napahinga ng malalim si Clara bago tumalikod at umalis sa bahay na ‘yon. Busy na ang binata pero nagawa pa din nitong bigyan siya ng oras. Ano kaya kung pumasok din siya bilang katulong doon? Pwede!
-----
Ocean slowly opened her eyes. Mabigat ang pakiramdam niya at nanunuyo ang lalamunan. Her curtains were closed at pero may liwanag pa din na pumasok sa kwarto niya at maaliwalas pa din.
‘What happened to her?’
Bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok ang isang katulong na ai Aling Bebang. Matagal na ito rito bata pa lamang siya.
“Ocean, mabuti at gising ka na. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Lumapit si Aling Bebang na may dalang lugaw, tubig at gamot.
“Medyo mabigat ang katawan ko, Manang. Ano pong nangyari?” she asked. Ang natatandaan niya lang ay nagpipinta siya sa tabing dagat.
“Nahimatay ka. Ikaw talagang bata ka! Hindi mo alam na nilalagnat ka na. Kung hindi ka pa nasalo ni Leonardo ay siguradong bagsak ka sa lupa,” pangaral ng matanda sa kanya.
Si Leonardo?
“I’m sorry, Manang. Naiwan ko atang nakabukas ang bintana kagabi kaya nilamig ako,” paumanhin ni Ocean. She knows that they cared for her. They always check up on her kahit hindi sabihin ng mga ito. Itinuturing siya nitong pamilya.
“Hmm. Ito kumain ka muna pagkatapos ay inumin mo u***g gamot para maging maayos na ang pakiramdam mo. Huwag kang magpapabinat at ’wag pwersahin ang katawan kung hindi pa kaya. Kung nabubuhay lang ang Don ngayon—” biglang natahimik si Aling Bebang dahil sa sinabi. Tiningnan niya si Ocean na nagbaba ng tingin.
“Sige na. Mamaya padadalhan kita ng dinner mo.”
Agad itong umalis sinampal biya ang bibig dahil sa sinabi. Nako naman talaga!
-----
Ocean eat the porridge slowly. Nami-miss niya tuloy ang Lolo Ignacio niya. Hindi siya nito kadugo pero tika tunay na apo ang turing sa kanya ng matanda. Ito ang nagbigay sa kanya ng tahanan.
Kung may isa mang tao na pinahahalagan niya ay iyon ay si Don Ignacio.
Bumukas ang pinto at nag-eye to eye sila ng taong bumukas nito.
Leonardo stops and stares at the blue eyes of the woman staring back at him. Napaubo siya at umiwas ng tingin bago pumasok sa loob dala ang ilang prutas na mangga mansanas at saging.
“How are you feeling?”
-----
A/N: Pahingi nalang ng prutas, Leonardo.?