bc

Ocean's Solitude

book_age16+
2.7K
FOLLOW
15.8K
READ
friends to lovers
independent
decisive
brave
drama
tragedy
straight
mercenary
others
self discover
like
intro-logo
Blurb

(Written in Tagalog-English)

Heredera Series 3

Ocean Vasquez is the adopted granddaughter of Ignacio Lopez. Mula nang mamatay si Ignacio ay pinaalis na siya ng pamilya nito at nanirahan sa malayong isla ng Vienna. Hindi naman siya nahirapan dahil ang yumaong lolo niya ay may iniwan sa kanya para mamuhay siya ng maayos malayo sa pamilyang umabuso sa kanya. Paano kapag nalaman ni Ocean ang totoong pagkatao niya dahil sa iniwan ng kanyang lolo? Mahahanap niya kaya ang kasagutan kung darating ang isang lalaki na magpaparamdam sa kanya ng tinatawag nilang pag-ibig?

Leonardo Sullivan is the captain of the Elite Special Military Force of Red Organization. Dahil sa isang rescue mission, napadpad siya sa isang islang hindi niya inaasahang makikita ang babaeng magpapatibok sa patay n'yang puso. He needs to take baby steps to make her fall in love. But problem arises, he needs to choose between his happiness and responsibility, that's why he promised her that he will marry her when all of these things are done.

But fate decided to play a cruel joke on her. Leonardo never came back.

All rights reserved, 2021

© eysteambun

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
This is a work of fiction. Names, places, characters, businesses, events, and incidence are either product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead or any events and incidents are purely coincidental. Still given a number of possible words and things that some of them may true. The story's point of view will be a THIRD PERSON'S POV. Thank you. Disclaimer: This chapter may contain violence, offensive language like cussing, mature, or explicit content, which may affect your reading experience. Read at your own discretion. NO PLAGIARISM ----- Philippine Sea, Unknown latitude. "Wait for the green light, Sergeant."  Sa gitna ng karagatan at madilim na kalangitan na tanging buwan lamang ang nagsisilbing liwanag dalawang Combat Rubber Riding Craft ang nasa malayo at sakay ang tig-anim na katao na kabilang sa Red Organization, ang Elite Special Military Force. Isang rescue mission ang gagawin nila ngayong gabi. Isang high ranking military official kasi ang hostage ng naturang cargo ship na pupuntahan nila.   "Apat na tao ang nakabantay sa labas, Captain," imporma ng may codename na Eagle habang hawak ang AN/PVS-7 Binocular Night Vision Device. May kanya-kanya silang code name sa organization at ito ang palaging gamit nila.  Matagal na nilang pinagmamatyagan ang cargo ship na ito na palaging dumarating tuwing Linggo ng gabi. Ang cargo ship na ‘yon ay naglalaman ng ilegal na armas na palihim na kinukuha at ibinababa sa coastal ng isang grupo. Doon din sila nakakalap ng impormasyon kung saan dinala ang Major General ng organization.  "Advance," utos ng Captain na si Leonardo Sullivan. They move towards the target in a slow pace, mabuti nalang at madilim at maliit ang chances na makita sila. Sampo silang dahan-dahang bumaba sa sinasakyan at tumalon sa dagat patungo sa kinaroroonan ng cargo ship.  "You two stay here for insights." Turo ni Leonardo sa dalawang naiwan sa Combat Rubber Riding Craft na kinatango naman nito.  "Move."  Sinenyasan niya ang dalawa na tumaas at pumunta sa kaliwa. Tumango naman ito at agad na kinuha ang lubid at pumanhik ng mabilis ngunit walang ingay.  Tumingin ang dalawa sa loob ng cargo ship at nakitang hindi nakikita ang pwesto nila ng nakabantay doon.  "Clear." Sumunod ang natitirang elites na tumaas. They divided their group into two. Apat sa kabilang grupo at apat naman sa isa.  They move towards the target. Leonardo went towards the man who has been station to watch. Hindi man lang nito namalayan at naramdaman ang presensya niya. He sneaks an attack to the man at pinatulog ito.   "One down. Three left." The four elite went inside the containers while the three were outside for the three remaining guards.Maraming containers kaya medyo nahihirapan sila sa pag-locate ng hostage.  "Negative Captain," report ng isang miyembro ng pagbubuksan nila ang ilang containers.   Hindi sila tumigil sa paghahanap hanggang makarinig sila ng daing. They made eye contact and gently but slowly walked forward to where it was.  "Sa tingin mo talaga mauuto niyo kami? Humina ata ang utak mo, Major?" Isa pang tinig ang narinig nila. Leonardo’s eyes narrowed. They stayed down on their position.  "What you did is illegal, Mr. Revilla—Ugh!" The man who was called Revilla punched the Major on his stomach. Nag-eenjoy siyang makita na bugbog ito.  They are doing this illegal business for four years pero dahil sa mga pakialamerang militar na ito, nagkaproblema sila! Ilang milyones din ang nawala sa kanila!  "Tsk tsk! Major, ‘wag mo na sayangin ang laway mo kakadada sa ’min. Mamatay ka na rin lang dito. Ang mabuti pa ibigay mo na sa ’min ang hinihingi namin." Revilla even grabbed the Major's hair to look up para makita siya nito.  The Major just glares at Revilla. Mas gugustuhin niya na lang na mamatay kaysa sabihin ang bagay na ‘yon na siguradong ikapapahamak ng organisasyon at mamamayan.  Halos tatlong araw na siyang hostage ng mga ito at binubugbog para sabihin ang bagay na iyon.  "Matigas ka, ah? Bantayan niyo ‘yan!" utos ni Revilla. Galit ang mga matang lumabas ito. Bwesit na Major na ’yon! Hindi na ito sisikatan pa ng araw. Ubos na ang pasensya niya.  Nang masiguro ni Leonardo na nakaalis na si Revilla ay agad silang lumakad patungo sa kinaroroonan ng Major. Dalawang bantay ang naroon. He signaled one of his men na agad namang nakuha ang ibig sabihin nito. They will make a sneak attack, ngunit hindi pa naman siya nakalalapit nang napatingin ang bantay sa kanya. The man pointed his gun on him and was about to pull the trigger when a kick landed on the man’s hand.   Leonardo moves faster. Agad niyang pinatay ang isa pang bantay gamit ang kutsilyo habang ang isa ay hindi nakatingin sa pwesto niya. Mabuti nalang at hindi agad lumikha ng ingay ang baril ng nagbabantay at napigilan niya ito.  "Go."  Pumasok ang tatlo sa loob kung saan nakita nila na nakagapos sa upuan ang duguang si Major General Herbert Asuncion. Lumapit si Leonardo dito para kalagan at i-check ang kalagayan nito.  "Major," tawag ni Leonardo. Umangat ang ulo ni Major General Asuncion at nakita ang pamilyar na mukha ng isa sa mga Captain ng Elite Force.  "C-captain Sullivan. H-hindi ito ang k-kuta nila," nanghihinang sambit ng Major at umubo ng dugo. Alam iyon ni Leonardo dahil nagsisilbing tagahatid lamang ang cargo ship na ito. At si Revilla? Tuta lang iyon ng totoong namumuno.  Inalalayan ng dalawang miyembro ang Major para makaalis sa lugar na iyon. Maingat silang tumatahak palabas upang hindi makuha ang atensyon ng kalaban.  Sa kasamaang palad, alam na nito na nakapasok sila sa teritoryo nito.  Napatigil ang Elite Force dahil nasa harapan nila ngayon ang hindi kumulang sa dalawampu't limang katao na nakaabang sa kanila. Tumalim ang mga mata ni Leonardo at tiningnan ng makahulugan sa mata ang isang miyembro ng team niya. The man gives a signal to the two people in combat riding craft using a device.  "Oh! It's Captain Sullivan, isa sa mga magagaling na special force ng militar. Sayang nga lang dito ka na matatapos," nakangising ani ni Revilla.  Hindi umimik si Leonardo. At tiningnan lamang ang mga ito. Hindi nila alam kung ano ba ang iniisip ng Captain na ito. Leonardo is one of the best elite in the military. Maraming parangal ang nakuha nito at ‘di maikakaila na pagdating ng panahon ay baka maging isang General ito.  "Ba—"  Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa gitna ng karagatan. Sumunod na nagpaputok ng baril ang miyembro ng special force habang distracted ang kalaban sa nangyari.   “Fire!”  "Go! Go! Go!"  "Cover me!"  Nauna ang dalawang miyembro na bumaba ng cargo ship habang sa likod nito nakikipag barilan ang iba para masigurong maialis ang Major ng ligtas.   Leonardo runs towards right para siya ang gawing target ng mga kalaban habang pababa ng barko ang iba. He ducked down and exchanged gun firing while looking around. A whimpered burst out on his lips when he felt pain on his shoulder. Damn it! Natamaan siya. Tiningnan niya ang sugat sa may balikat sigurado siyang malalim iyon. He gritted his teeth and hissed in pain.  "Captain!" Pinigilan niya ang isang miyembro ng team na papunta sana sa kanya dahil delikado. Malayo siya sa mga ito at may mga kalaban na nakaabang. Hindi basta-basta ang kalaban nila!  Isang pagsabog ang nangyari na nagdulot ng pagyanig sa cargo ship. Kumapit si Leonardo sa railing upang i-balanse ang katawan. Marami nang dugo ang nawawala sa kanya.  "Captain!"  Damn it! Wala na siyang bala. Kinuha niya ang isang M1911 pistol at pinagbabaril ang ilang kalaban. Kailangan niyang makaalis dito. May mga bomba kasing itinanim ang dalawang miyembro ng team niya para pasabugin ang ship na ito.  "Ten seconds, Captain." Nakasakay na ang limang miyembro ng special force habang ang dalawa pa ay lumalangoy na papunta sa isang Combat Rubber Riding Craft.  "Ano pang ginagawa ni Captain Sullivan?" tanong ng Major at tiningnan ang nangyayari sa ship. Ilang segundo na lang at magkakaroon na naman ng pagsabog ang barko at baka hindi na ito makaligtas!  Leonardo runs towards the deck! Wala ng oras!  "Five."  "Four."  "Three."  "Two."  "One."  Malakas na pagsabog ang namayani. Nagliwanag ang karagatan dahil sa apoy nito. Ramdam ni Leonardo ang impact ng tumalon siya sa dagat. He was swimming away nang bumagsak sa kanya ang ilang debris. His body was so tired at masakit na ito.  's**t'  He tried to swim up pero nanghihina na siya at bumibigat na ang pakiramdam niya. The next thing he knew, he was surrounded by darkness.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

That Night

read
1.1M
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
219.7K
bc

Faithfully

read
269.1K
bc

A Billionaire In Disguise

read
660.4K
bc

Broken Angel

read
4.7K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
84.2K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
553.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook