“Congrats! Welcome to the household,” bati ni Glenn at inakbayan pa si Leonardo. Ngumiti lang ang lalaki dito.
“Kita ko ‘yong ngiti mo kay Ma’am.” Tumaas baba pa ang kilay ni Glenn at may nakakalokang ngisi sa labi. Sumilay sa labi ni Leonardo ang tipid na ngiti. Wala lang. Napatunayan niya kasi na karapat-dapat s’yang piliin upang maging isa sa mga guards nito.
“Good luck sa’yo, baka ma legkwag ka kay Ma’am.” Natatawang paalala ni Glenn. May gusto man ito o interesado sa dalaga ay dapat na itigil na nito ang iniisip. Sa totoo lang seryoso at kalmadong tao si Ocean. Ni minsan hindi niya pa ito nakitang ngumiti ng napakalaki. Matagal na nilang nakasama ito pero konti lang ang alam nila sa dalaga.
Naningkit ang mata ni Brandon sa dalawa at lumakad sa kinaroroonan nito.
Napatigil si Leonardo at Glenn, hinintay si Brandon na makarating sa kanila.
“Congrats. Siguraduhin mo lang na hindi mali ang pagpili sa’yo ni Ma’am Ocean.”
Para sa mga guards ng Vasquez Mansion. Napaka-importane ng kaligtasan ng dalaga. Ito ang huling habilin ng yumaong si Don Ignacio sa kanilang dalawa ni Glenn. Sila din kasi ang namumuno sa security dito.
Seryosong tumango si Leonardo. Kita niya naman kung gaano kahalaga sa mga ito ang dalaga. Wala s’yang intensyon na ipahamak ito.
“Ganyan talaga si Brandon pero tandaan mo ang sinabi niya.” Tinapik ulit ni Glenn sa balikat si Leonardo bago umalis. Kakampi man o kalaban ‘wag na ‘wag lang nilang sasaktan ang inaalagan nila they will surely see hell early. Leonardo pursed his lips. Kailangan n’yang makatawag sa kampo.
-----
[Masaya kaming malaman na buhay ka, Captain Sullivan.] Nasa kabilang telepono ngayon si Major General Hernandez— ang iniligtas nila mula sa cargo ship.
“Major General, I have to stay here for the meantime. Can you grant me this mission to spy and observe that group?” Nasabi niya na kasi ang nakita at na-analyze niya sa mga armadong lalaki na nanggulo noong nakaraang linggo.
[Kailangan ko itong ipaabot sa nakatatas and Captain, they are not just a group, they are called Mutawin. Tatawagan kita ulit ‘pag naaprubahan na ang mission mo,] sagot ni Major General Hernandez. Mabuti na lamang at nakaligtas si Captain Sullivan sa pagsabog ng Cargo ship. He’s lucky.
Pagkatapos ng tawag agad na lumabas ng mansion si Leonardo para balikan ang pamilya ni Mang Ed. Magpapaalam siya dito at magpapasalamat sa tulong na naibigay nila.
-----
“Mabuti't maayos ka na. Halos isang linggo ka ring nawala,” nakangiting banggit ni Clara. Nag-alala talaga siya sa lalaki dahil baka mapano ito. Pero ito ngayon ito okay na okay na.
“Salamat. Pero nandito ako para sana magpasalamat at magpaalam.” Lumungkot ang mukha ni Clara sa narinig. Aalis na ito? Hindi man lang sila nagkakilala ng matagal.
“Hijo, nakabalik na ba ang alaala mo? Nand’yan ba ang pamilya mo?” Tanong ni Aling Carmen. Kahit papano parang anak na ang turing niya sa lalaki.
“Ah, hindi ho, namasukan ho kasi ako sa bahay ng Vasquez para maging isang tagabantay doon. Doon na din po ako maglalagi,” paliwanag ni Leonardo na seryoso ang mukha. Makikita din dito na ito na talaga ang desisyon ng binata. Wala naman sila magagawa at hayaan ito. Mas mabuti na rin siguro iyon para may pagkaabalahan at trabaho ito.
“Ganon ba? Mabuti naman. Magiging maganda ang buhay mo doon at palagi mo pang makikita ang dalagang Vasquez,” kinikilig na ani ni Aling Carmen. Yumuko lang si Clara sa nadinig.
Bakit parang nasaktan siya doon? Ibig sabihin talagang magkikita at pwedeng magkasama sila ng dalagan iyon araw-araw?
Leonardo lightly curved his lips.
“Maraming salamat ho sa tulong niyo. Tatanawin ko po ito ng utang na loob.”
“Ano kaba, hijo! Masarap sa pakiramdam ang makatulong siguradong gano’n din ang gagawin ng iba.”
“Sige ho, mauna na po ako dahil simula na ng aking trabaho."
“Leonardo!” tawag ni Clara at napakagat sa labi. Tiningnan siya ni Leonardo ng nagtatanong.
“Pwede ba kitang bisitahin doon?”
Napaisip si Leonardo. Mahigpit ang banatay doon pero titingnan niya.
“Pwede naman. Sabihin mo lang sa mga gwardiya doon.”
Gumuhit sa labi ni Clara ang magandang ngiti. Nabuhayan siya sa sinabi ng binata.
“Sige!”
Lumabas na si Leonardo dala ang ilang damit na ibinigay ni Mang Ed sa kanya. Tuloy tuloy lang siya at hindi na lumingon pa.
Gusto mang pigilan pa ulit ni Clara si Leonardo ay hindi niya ginawa. Ano bang karapatan niya? Mabuti nga at makakabisita pa siya doon. Takot ba s’yang mahulog ang loob nito kay Ocean at hindi sa kanya? Oo siguro? Magkikita pa naman sila dahil dito lang naman ito nagtatrabaho kaya hindi siya mawawalan ng pag-asa na baka pagdating ng panahon mahulog din ang loob ni Leonardo sa kanya. Sa isiping iyon ay napahinga siya ng maluwag.
-----
Vasquez Mansion
“Isa ka sa magbabantay kay Ma’am Ocean,” Glenn said with a smirk.
Napailing lang si Leonardo sa sinabi ni nito. Napag-planuhan niya na aalis siya ng gabi para puntahan ang nasabing Mutawin. Delikado man ay mag-iingat siya, lalo na't mag-isa n’yang gagawin ito.
Napatingin sila sa taas nang madinig ang yapak ng paang bumababa sa hagdan. Nakasuot ng long brown dress si Ocean na kita ang balikat. Naka flat shoes lang ito at tila may pupuntahan. Oo nga pala, nasabi sa kanya ni Glenn na pumupunta ito sa tabing dagat. Dala ang kagamitan sa pagpinta, inabot niya ito para siya na ang magdala.
“Ako na,” he gently offered. Inabot naman ito ni Ocean and their fingers brush against their skin. It gives a tingling sensation to Leonardo.
Nauna na lumakad ang dalaga habang nakasunod dito ang dalawang bodyguard na sina Glenn at Leonardo.
The place was picturesque! Damang dama ang simoy ng hangin at alon ng tubig. Napakalinaw at kay ganda ng kulay. White sand, coconut trees at may kubo pa. Ang gandang manirahan sa ganitong lugar, napaka-peaceful.
Nagsimula ng magpinta si Ocean. Naka side view ito kaya kitang kita ni Leonardo ang tangos ng ilong at magandang mukha ng dalaga. Mas lalo pa atang nakadagdag ng ganda ang dalaga. Kung may camera lang siya ngayon ay tiyak na kukunan niya ito. It was like a painting— a real painting.
“Palagi niya ba itong ginagawa?” he asked Glenn na nakasanday ngayon sa puno.
“Minsan lang, kadalasan kasi ay nando’n lang siya sa library. Minsan naman ay umaalis siya ng isla para bisitahin ang ilang business niya sa Maynila."
‘Marami ka atang alam sa kanya?” Leonardo's lips twitch.
“Nagtanong ka, ‘di ba? And no, si Ma’am Ocean na ata ang kilala kong napaka misteryoso. Ang alam lang namin ay apo ito ng yumaong si Don Ignacio. Wala kaming alam sa buhay ni Ma’am Ocean sa mga nakalipas na taon bago ito dumating sa isla. Twenty years old siya ng dumating dito sa isla ng Vienna,” kwento ni Glenn at tumingin sa dalaga na abala sa pagpinta.
Napaisip naman si Leonardo sa nalaman. Hindi naman siya tsismosa pero gusto n’yang malaman ang buhay ng dalaga.
“Dito ka lang, kukunin ko ‘yong dala nating pagkain,” paalam ni Glenn.
Oo, may dala silang pagkain at sa kubo nila ito dadalhin. Tinitigan niya muli si Ocean. Ang aloof ng dating at kalmado. He wondered if she ever had a boyfriend.
He frowned when he saw her body swaying. Then he realized, Ocean is going to collapse!
He immediately ran forward and caught her. Mabuti nalang at naagapan niya.
Her body is warm and soft. Ang ganda talaga ng dalaga. Nakapikit ito at nakakunot ang noo na tila may iniindang sakit. Sinalat niya ang noo nito at naramadamang mainit iyon!
He carried her and went back to the car wherein nakasalubong niya si Glenn na binitawan ang pagkain at mabilis na pumunta sa kanila nang makita na karga niya ang walang malay na si Ocean.
“What the hell happened?”
“She's having a fever and fainted.” He answered at mabilis na ipinasok ito sa kotse. Hinawakan niya ng mahigpit ang bewang nito habang nakasandal sa dibdib niya ang ulo nito.
“Drive!”
-----
A/N: Clara? Interesado din ba kaya si Leonardo?