Chapter 1.1

1482 Words
Bumalik na sa loob si Lyra at nagsimula ng atupagin ang mga gawaing-bahay na nakasanayan at nakagiliwan na rin niyang gawin. Sino’ng mag-aakala na ang babaeng ipinanganak at lumaking may gintong kutsara sa bibig ay naghuhugas ng pinggan, naglalaba, namamalengke, nagluluto, at naglilinis na ng bahay ngayon. Isang simpleng maybahay na ang dating tinitingala at kinatatakutan na reyna. Reyna, kinamumuhian ni Lyra ang salitang ‘yon. Buti na lang hindi na siya reyna kundi isang ordinaryong mamamayan na mapayapa at kuntentong namumuhay kasama ng sariling pamilya niya. At hindi niya ipagpapalit kung sino siya at kung ano ang mayroon siya ngayon para lang makamit ulit ang trono ng pagiging reyna. Hindi, hindi na siya Reyna at kahit kailanman ay hindi na. Si Lyra na siya ngayon at panghabang-buhay na ‘yon. Natapos ang kalahating araw ni Lyra sa paglilinis ng bahay, pagluluto at sa pag-aasikaso kay Tin-tin dahil hanggang pang-umaga lang ang pasok nito. Kaya kahit hindi hapon na umuuwi ang asawa ay ayos lang dahil nalilibang siya kay Tin-tin. Bukod sa pagiging madaldal nito ay sobrang bibo pa. “Ate Lyra, pwede ba ‘kaw na nanay ko?” inosenteng tanong ni Tin-tin habang sila’y nakahiga. ‘Pag sumapit na ng alas dos, pinapatulog na ni Lyra si Tin-tin at ‘yon na rin ang oras ng pahinga niya. “Mayroon ka ng nanay, ‘di ba? Nandiyan si Nanay Minda mo,” paala-ala niya kay Tin-tin. “Pero ‘kaw ang gusto ko,” umuungot na sabi ng bata habang nakayakap sa kaniya. “Naku, baka magtampo si Nanay Minda mo niyan,” malambing niyang sabi. Naalala niya pa nang na-assign dito si Marco at kasama nitong lumipat ang pamilya anim na taon nang nakararaan, si Tin-tin noon ay magdadalawang taon pa lamang pero hindi pa rin nagsasalita. Lagi itong umiiyak at tumatahan lang ‘pag siya na ang nagkakarga. Late raw ang development nito kasi nagkasakit noon kaya kahit magwawalong taong gulang na ay kinder pa lamang at medyo utal-utal pa kung magsalita. “Ayaw ko sa kaniya. ‘Kaw gusto ko,” pagpipilit ng bata na may kasama pang tadyak sa kama. “Pwede naman dalawa kaming nanay mo, ‘di ba?” pagkukumbinsi niya sa bata habang hinahaplos ang kulot nitong buhok. Hindi agad nagsalita si Tin-tin na para bang pinag-iisipan nang mabuti ang sinabi ng ate Lyra niya. “Hmm, sige na nga, Nanay Lyra” pagpayag din niya. Napangiti si Lyra. “Oh sige, matulog na tayo,” sabi ni Lyra sabay tapik nang marahan sa binti nito nang makatulog na ito. Ilang minuto lang ang lumipas nang nakatulog na nang mahimbing si Tin-tin. Habang pinagmamasdan siya ni Lyra, hindi niya maiwasang manghinayang. Kung puwede lang sana magka-anak din sila ni Marco. Pero imposible na ‘yon. Siguro ito ang parusa sa kaniya ng Diyos sa lahat ng kasalanang nagawa niya. Kahit kailan hindi niya mararanasan kung paano ang magdalantao, ang magdala ng buhay sa sinapupunan niya,at ang magkaroon ng anak na sariling dugo’t laman niya. Nagpapasalamat siya dahil tanggap ‘yon ni Marco at ng mga magulang nito. Ayos lang kay Marco kung hindi sila magkaanak at pwede naman daw silang mag-ampon ‘pag malaki na ‘yong dalawang kapatid nito. At ang mga magulang naman ni Marco ay ni minsan hindi nagparinig na gusto na nilang magka-apo. Talagang napakasuwerte niya na si Marco ang napangasawa niya. Nang sumapit na ang gabi, masaya na silang nagsasalo-salong kumain na magpamilya. Pritong isda at ginisang munggo ang ulam nila. Ang dalawang bata ay kani-kaniyang pasikat ng nakuha nilang marka sa eskwelahan ngayong araw. Tuwang-tuwa naman si Tatay Fred sa dalawa at mukhang nakainom na ito ng kaunti dahil nagiging madaldal na. “Nasabit ka na naman do’n kina Kumpareng Berto. Nakailang tagay ka naman do’n ng tuba?” pag-sita ni Nanay Minda. “Dalawang baso lang, Nakakahiya naman kay Kumpareng Berto kung tanggihan ko siya,” paliwanag ni Tatay Fred. “Binigyan ka lang ng panabong na manok, ‘di mo na matanggihan. Alam mo naman na may high blood ka, inom ka pa nang inom. Pa’no ‘pag tumaas ‘yang BP mo at ma-stroke ka, ‘yang kumpare mo na ba ‘yan ang mag-aalaga sa ‘yo, ang magbabayad sa hospital? Isipin mo naman ako at ang mga anak natin, mga maliliit pa ‘yan…” patuloy pa na pagsesermon ni Nanay Minda kay Tatay Fred. Si Tatay Fred naman ay tumatango lang ‘pag nakatingin sa kaniya si Nanay Minda pero ‘pag hindi na ay ginagaya nito ang pagsasalita ng kaniyang asawa at kikindatan ang dalawang bata na pigil na pigil sa pagtatawa. Paulit-ulit na lang ang litanya ni Nanay Minda sa tuwing nagsesermon siya kay Tatay Fred kaya halos lahat kami ay kabisado na’ng sinasabi nito. “Tingnan mo ‘to, ikaw na nga ang inaalala, ikaw pa ‘tong nangbubwisit,” sabi ni Nanay Minda sabay palo sa balikat nito nang mahuli si Tatay Fred sa panggagaya sa kaniya. Napa-aray si Tatay Fred kaya natawa na talaga ang dalawang bata. “Dalawang baso lang naman ‘yon,” pagdadahilan pa ni Tatay Fred. “Mapa-isa o dalawa man ‘yan--” “Tama na ‘yan, ‘Nay. Nasa harap tayo ng grasya,” pag-aawat na ni Marco. Lagi na lang nag-aaway ang mag-asawa na ‘to, kung hindi lang natutuwa sa kanila si Lyra, matagal na niyang pinagsabihan sila. Tumahimik naman si Nanay Minda pero inarapan pa rin niya si Tatay Fred. Nabalik na ulit ang usapan sa masayang pagkukwento ng dalawang bata sa nangyari sa kanila sa eskwelahan. Ganito palagi ang eksena nila kapag magsasalo-salo sila tuwing gabi, pero para kay Lyra, kuntento na siya sa ganito. Maliit man ang kanilang lamesa at simple lang ang ulam nila pero masaya at mapayapa ang pakiramdam niya. Gano’n din ang pakiramdam ni Marco. Kung siya ang papipiliin, mas gugustuhin niya na ganito na lang kasimple ang buhay niya, basta’t kasama niya lang si Lyra. Pagkatapos nilang kumain, si Lyra ang naghugas ng mga pinggan at nagpatulog sa dalawang bata. Alam niyang pagod si Nanay Minda sa pagbebenta sa palengke kaya siya na ang gumagawa no’n. Pagpasok niya sa kuwarto nila, yinakap agad siya ng asawa na naka-boxer shorts na lang at hinalikan nang marubdob. Gusto pa sana niyang magreklamo na hindi pa siya nakakapagpunas o naliligo ngayong gabi pero sa maalab nitong mga halik ay mukhang wala itong pakialam. Wala talagang pakialam si Marco dahil kanina pa niya hinihintay ang asawa. Nabitin na nga siya kaninang umaga kaya sisiguraduhin niya na babawi siya ngayong gabi. Dahan-dahan na hiniga ni Marco si Lyra sa kama habang ang mga kamay nito ay binubuksan ang pantalon ng asawa. Bago pa maibaba ‘yon ni Marco ay pinigilan siya ni Lyra. “Ang ilaw, mahal,” paala-ala ni Lyra. Bumangon agad si Marco at pinatay ang ilaw. Hindi gusto ni Lyra na makita ni Marco ang mga peklat ng nakaraan niya, ang mga peklat na magpapa-alala sa kung sino siya noon. Walang problema kay Marco kung gustong lights off ng asawa niya. Basta kung saan kumportable ang asawa niya, do’n din siya. At saka kahit ga’no pa ‘yan kadilim, mahahanap pa rin naman ng mga kamay niya ang maghahatid ng kiliti at sarap sa kaniyang asawa. Nang pareho na silang nakahubad, pinasok ni Marco ang asawa nang paunti-unti, nilalasap ang init at sarap ng kanilang pag-iisa. Sa bawat galaw ni Marco ay may kasamang paghaplos sa mga didbdib ng asawa, paghalik nang marahan, at paminsan-minsan na pagbulong sa mga tenga nito kung gaano ito kaakit-akit sa kaniyang paningin. Sinasalubong ni Lyra ang malumanay ngunit malalim na pag-ulos ng asawa at tinutugunan ng halinghing ang mga haplos at halik, pati nang pagbulong nito. Pakiramdam tuloy ni Lyra ay parang siyang lumulutang sa kalangitan, pataas nang pataas habang bumibilis at dumidiin ang pag-ulos nito.Magkasabay silang napa-ungol at nanginig ang katawan nang marating nilang pareho ang sukdulan ng kanilang pag-iisa. Umalis si Marco sa ibabaw ni Lyra at saka bumangon. Nakapikit na ang mga mata ni Lyra nang pinupunasan ni Marco ang katawan niya lalo na ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Pagkatapos ay humiga na si Marco at yinakap ang asawa. Pareho silang nakatulog nang may ngiti sa mga labi. Kinaumagahan,si Lyra na ang nagluto at naghanda ng almusal nilang mag-anak. Pagkatapos nilang kumain, kaniya-kaniya na silang umalis at tanging si Lyra ang naiwan sa bahay. Gaya ng nakagawian, naglinis ng bahay, namalengke, at nagsaing si Lyra. Nagpiprito siya ng isda nang marinig niya ang matinis na boses ni Tin-tin na tinatawag siya nang paulit-ulit. Dati naman na kapag dumadating ito galing eskwelahan ay dumidiretso lang ito ng kusina kasi alam nitong nando’n siya. Saglit niyang iniwan ang niluluto at pumunta sa sala kung saan niya nakita si Tin-tin na hawak-hawak ng taong kinatatakutan niyang makitang muli -- ang Don ng Pahimakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD